Kabanata 4
Magkakaparehas na nakasuot sa mga bulsa ni Josue ang kanyang mga kamay. Nanliliit ang kanyang mga mata habang tinititigan ang kanilang dinadaanan na tinututukan ni Aileen ng flashlight. Si Aileen at Bianca naman ay kapwa magkakapit gamit ang kanilang mga braso na parang sinisigurong hindi sila magkakahiwalay kahit anong mangyari.
"Ang sabi mo, Tito mo ang susundo sa'yo? Bakit hindi ang Papa o ang Mama mo?" Tanong ni Josue. Tinanggal niya ang isa niyang kamay sa bulsa at inayos ang buhok na nahawi ng malamig na hangin.
"Busy parents ko eh. Tsaka si Tito ang free ngayon, may sasakyan pa siya, kaya masusundo niya 'ko." Paliwanag ni Bianca. "Besuwap, sa kalsada ang tingin."
Napansin na naman ni Bianca na nakatulala sa kung saan si Aileen at alam na niya ang dahilan nito.
"Huh? Nakatingin naman ako sa kalsada ah?" Maang ni Aileen. Napailing na lamang si Bianca dahil sa pagtanggi nito.
Bigla namang nagsalita si Josue kaya napalingon sa kanyang si Bianca.
"So busy pala ang parents mo... Kaya pala never ko pa silang nakita sa mga parent's meetings." Tumangu-tangong wika ni Josue.
"Oo. Mas mahalaga naman kasi trabaho nila. Okay lang naman sa'kin kahit 'di sila umattend." Sagot ni Bianca.
"Lagi ka ba rito? Ikaw lang kasi nakakaalam ng daan na 'to. Ngayon ko nga lang nalaman na may ganito pa lang highway dito." Singit naman ni Aileen kay Bianca.
"O-Oo. Dito kami madalas magpicnic." Sagot ni Bianca. "Andito na tayo."
Tumigil ang dalawa sa paglalakad dahil sa sinabi ni Bianca. Nakita nila sa kanilang harapan ang isang kotseng pula na nakaparada patalikod.
"Gusto kong matutong magdrive~~"
Umaalingawngaw mula sa loob ng kotse ang isang tugtog kaya nasiguro nilang may tao sa kotse.
"Sige. Kita na lang tayo bukas." Niyakap ni Bianca ang kaibigan na si Aileen at tinanguan naman niya si Josue.
"Bye besuwap!" Niyakap muli ni Aileen si Bianca bilang pagpaalam. Nginitian lamang ni Josue si Bianca bago ito naglakad papunta sa kotse.
Nang makaalis na si Bianca ay hindi muna sila umalis. Matapos ang ilang minuto ay saka lamang nila napag-isipan na bumalik.
"Nakita mo na ba magulang ni Bianca?" Biglang tanong ni Josue kay Aileen. Nagulat naman si Aileen sa biglaang pagtanong sa kanya ni Josue.
"Hindi pa." Sagot ni Bianca.
"Eh diba bestfriend kayo?"
"Kailangan 'pag bestfriend kilala magulang?" Pabirong tanong ni Aileen kaya natawa ng mahina si Josue pero muli silang natahimik.
Naglakad sila ng tahimik at hindi gaanong inaalintana ang kanilang dinadaanan. Hawak pa rin ni Aileen ang flashlight na nakatutok sa daan.
Biglang napatigil si Aileen at natulala sa daan. Nagsimula ring manginig ang kanyang labi at gumuhit ang takot sa kanyang mga mata.
Napatigil din si Josue dahil sa naging pagkilos ni Aileen ngunit wala siyang ideya kung bakit ganito na lamang bigla ang kinilos nito.
"Bakit?" Nagaalalang tanong ni Josue. Pero imbes na sumagot si Aileen at itinuro niya lamang ang kalsada kung saan nakatapat ang flashlight. Walang nagawa si Josue kundi ang lingunin ito.
At nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung ano ang nagpagimbal kay Aileen.
Isang pares ng braso.
***
Parang mawawasak ang dibdib ni Aileen dahil sa sobrang hingal dulot ng sobrang bilis ng kanilang pagtakbo. Tumigil siya sa pagtakbo at yumuko. Pinakawalan niya ang isang mabigat na paghinga at tumingala sa langit.
"Don't waste time. Let's run!" Sigaw ni Josue na nababalot ng takot ang mukha. Pinagpapawisan na rin ang buo niyang mukha. Sa bibig na siya humihinga at mukhang hindi na rin niya kayang tumakbo dahil sa ngatog ng kanyang mga tuhod. "Aish! Hindi tayo pwedeng tumigil. Paano pala kung may killer dito? Syete naman oh!"
"Can we just rest? For a minute or two? Hindi nga tayo mamamatay sa mamamatay tao, mamamatay naman tayo sa hingal." Hinihingal na wika ni Aileen. Mahigpit niyang hinawakan ang flashlight at winagayway sa langit. "Baka makita 'to ng mga kasama natin."
Inangat niya ulit ang flashlight ngunit natigil siya sa ginagawa nang biglang agawin ni Josue ang flashlight mula sa kanya.
"Hoy! Ano'ng ginagawa mo? Paano nila malalaman na nasa panganib tayo?" Inis sa sambit ni Aileen at nag-umpisa ng magdabog.
"Oo. Makikita nila 'tong signal mo. Pero mas malaki ang tyansang makita 'to nung gumawa nung... nung... Ah basta!" Sinabunutan ni Josue ang kanyang buhok pagkatapos ay naghilamos ng mukha gamit ang pinagpapawisang kamay.
"Just 30 seconds, then let's rum again." Pakiusap ni Aileen sa kanya.
Hindi na tumanggi si Josue sa pakiusap ni Aileen. Hinayaan na niya itong magpahinga.
Bang!
Ngunit hindi pa lumilipas ang trenta segundos ay napatayo si Aileen nang umalingawngaw ang isang putok ng baril na sa tingin niya ay mula sa pinaparadahan ng kanilang bus.
"What's that?" Takang tanong ni Josue pero hindi sumagot si Aileen sa kanyang tanong.
Bagkus ay nag-umpisa na itong tumakbo ng mabilis patungo sa kanilang bus.
Napailing na lamang si Josue at ang sunod niyang ginawa ay tumakbo sunod kay Aileen.
Hindi na pinansin ni Aileen ang sakit na umiikot sa kanyang dibdib dahil sa sobrang pagod at ang sakit ang kanyang mga tuhod. Mas inuna niyang tignan kung ano nga ba ang nangyari.
Unang naabutan ni Aileen at ni Josue ay ang magulong lamesa na inuupuan kanina ng kanyang mga kasama. Wala na rito ang kanyang mga kasama.
"What the actual f***? Nasaan na sila?" Nagpapanik na tanong ni Josue.
"Ssshh!" Ngunit pinatahimik siya ni Aileen dahil may naririnig ito mula sa loob ng bus. Nang masiguro ni Aileen na may tao nga sa loob ng bus at mabilis niya itong tinungo at ang una niyang natagpuan ay ang umiiyak na si Eunice. "Eunice!"
Tumakbo si Aileen sa direksyon ni Eunice.
Magulo ang buhok nito at basang basa ang katawan ng pawis. Nakasiksik si Eunice sa ilalim ng upuan sa dulo na tila nagtatago ito.
"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Aileen.
Patuloy sa pag-iyak si Eunice pero nagawa pa rin nitong sumagot.
"H-Hindi ko alam. N-Natutulog lang ako rito pagkatapos niyong u-umalis kayo. T-Tapos nakita ko si B-Brando—"
Hindi na natapos ni Eunice ang sinasabi dahil tuluyan na siyang umiyak at nawalan ng malay. Buti na lamang ay nasalo siya ni Aileen na walang ideya sa nangyayari.
***
BINABASA MO ANG
Byahe (COMPLETED)
HorrorBabyahe ka pa ba kung buhay na ang kapalit? Liliko ka pa ba kahit na sa paglikong ito'y may panganib? Magpepreno ka ba kung ito na ang iyong huling sandali? BYAHE! Isang kwentong binubuo ng tatlong parte tungkol sa madugo, magulo, mapanganib, at nak...