Kabanata 10
Labag ngayon sa kalooban ni Jet na sundin ang sinasabi sa kanya ng kanyang asawa na sumunod sa lalaking ito. Lahat ng sinabi nito ay wala siyang ideya kung ano ang ibig sabihin. Tila isang magulong palaisipan na wala kang masasaliksik na sagot kahit saang libro ka pa maghanap ng kasagutan.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi sa'yo ni Ericka? Naiintindihan mo rin naman diba? Kaya maaring hindi ako mahihirapang kumbinsihin ka na sumapi sa baryong 'to." Marahang wika ng matanda.
Tumigil silang dalawa sa tapat ng isang pinto. Napansin ni Jet ang patak ng dugo mula sa labas hanggang sa harap ng pintuan.
"H-Hindi ko po maintindihan. Naguguluhan po ako." Sagot niya sa matanda. "Sumapi? Bakit?"
"Simple lang naman. Sagutin mo 'ko. Mahal mo ba ang anak ko?" Tanong ng matanda.
Tila nabigla si Jet sa tinuran ng matanda. Nanlaki ang matanda at halos hindi niya alam ang sasabihin. Ano nga ba ang masasabi niya't nakilala niya ngayon ang tatay ng kanyang asawa? Ang lolo ng kanyang anak?
Naubos ang mga salita sa kanyang dila at nilamon ng kanyang sariling lalamunan.
Ngunit kahit ganoo'y naisip niyang isa ring masamang tao ang tatay ng asawa niya dahil kasamahan nila ang bumulag sa isa niyang mata at hindi malayong magawa rin ito ng taong nasa harapan niya.
Ngunit paano nga ba siya sasagot sa ganitong pagkakataon?
"A-Anak niyo po si Rica?"
"Oo... Ako ang ama niya. Ang pangalawang pinuno ng bayang ito. Mabubuhay ka pa hijo... Kung sasapi ka sa'min at gagawin ang ipag-uutos ni Apo Cael." Marahan at malumanay na sabi ng matanda kay Jet.
Lalong gumulo ang isipan ni Jet. Ngunit nabuo sa kanyang isipan na kung sasanib siya sa baryong ito ay makakasama niya ang kanyang asawa at anak. Ngunit siya'y magiging katulad naman nila.
"Ano po bang kailangan kong gawin?" May pagdadalawang-isip na sambit ni Jet.
"Simple lang. Isa sa mga pangunahing putahe para sa selebrasyon ngayong gabi ay nasa loob ng kwartong ito. At katulad ng nakagawiang pagsapi, ikaw ang magkakatay sa karne na kakailangan sa pagluluto ng mga handa para sa selebrasyon."
Napalunok si Jet sa sinabi ni Itang Ereneo. Hindi man maganda ang pakiramdam ay tumango siya.
"Gagawin ko po. Sasapi po ako." Saad niya.
"Kung gayon, gawin mo na ang nararapat. Pumasok ka sa loob. Inaasahan kong gagawin mong maayos ang dapat mong gawin... kung gusto mo pang makita ang asawa mo."
Binuksan ni Itang Ereneo ang pinto ng kwarto kung saan gagawin ni Jet ang inuutos sa kanya upang maging kasapi ng baryong ito. Pakiramdam ni Jet ay parang naubos ang hangin sa kanyang paligid ngunit tila lumamig naman ang kapaligiran katulad ng malamig niyang pawis sa katawan.
Hindi muna siya tumingin sa paligid. Nakatungo lang siya sa lupa.
Hindi na sumama si Itang sa loob. Sinara nito ang pintuan nang makapasok si Jet sa loob ng kwarto.
Nang masigurong mag-isa na siya ay sinipat niya ang paligid. Ang unang bumungad sa kanya ay ang lamesang naglalaman ng iba't ibang uri ng patalim at kutsilyo. Madugong lamesa. At isang upuan kung saan nakaupo ang isang taong hindi niya inaasahan.
Si Carlos.
***
Nakatungo at pawis na pawis ang buong katawan. Mabibilis ang hingal na nagagawa mula sa bibig mismo. May mga sugat sa katawan. May dugo sa gilid ng labi. Wala na ang mga daliri sa kanang paa. 'Yan ang unang nadatnan ni Jet nang mapasok niya ang katayan. Unang bumungad sa kanya ang kaawa-awa at nakakahindik na kalagayan ni Carlos.
Unti-unting tumingala si Carlos. Tinitigan niya si Jet at ngumiti ito sa kanya. "P-Pareng Jet..."
Parang nagkaroon ng malaking bakal na tumama sa tiyan ni Jet nang makatitigan ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung ano ito, ngunit sa katotohana'y konsensya na ang dumadalaw sa kanya.
"Carlos... Shit! Mukhang hindi ko magagawa ang inuutos sa'kin." Naguguluhang sambit ni Jet.
"G*go ka pre. Kalagan mo na 'ko. Babawian ko 'yung tumapyas sa mga daliri ko." Pabiro niyang saad niya.
Wala sa sariling lumapit si Jet sa kaibigan. Kinuha niya ang kutsilyo sa lamesa na nasa harapan ni Carlos. Agad niyang hiniwa ang taling nagkakalag kay Carlos upang makatakas. Nang makalagan ay agad niya itong inalalayan.
"Hindi ko na talaga alam, pare. Kailangan kitang patayin para maligtas ang mag-ina ko, pero hindi ko kayang pumatay ng inosenteng tao..." Biglang sambit ni Jet.
Umiling-iling si Carlos. Hinawakan niya ang isang katana na nasa lamesa.
"Ikaw bahala pre. Basta alam mo na kung ano ang tama sa mali. Pulis ka Jet. Pulis ka." Simpleng wika ni Carlos.
Doon tinamaan si Jet. Oo nga. Pulis siya. At dapat na bihasa siya sa pagkumpara ng tama sa mali. Isa siya sa mga taong dapat na unang makaalam ng tama sa mali. Ng pula sa puti. Ng oo sa hindi.
Malinaw na. Bulgar na bulgar na sa mismong harapan niya kung ano nga ba ang tamang gawin sa mga oras na ito. Iyon ay ang iligtas ang mga kaibigan niya at ang kanyang asawa mula sa kasamaan ng lugar na ito.
"Tama ka pare. Alam ko na kung ano ang gagawin ko."
"Iyan! 'Yan ang gusto ko sa'yo! Siguro kailangan lang natin mag-ingat. Iplano natin ang lahat ng ito." Swestiyon ni Carlos.
"Makakakilos ka pa ba? Wala nang daliri ang kanan mong paa." Nag-aalalang wika ni Jet.
"Madali lang 'to. Paa lang naman." Simpleng sagot ni Carlos.
Napagdesisyunan ng dalawa na iplano ng maayos ang balak nilang pagligtas kay Rica at Misha. Inipon nilang dalawa ang lahat ng kakailanganin nilang gamit at armas. Napag-usapan na rin nila ang paraan upang lisanin ang bayan na ito na matiwasay at ligtas.
May nakuha ring isang bote ng gasul si Jet sa ilalim ng lamesa. May nahanap rin siyang posporo. At mula sa dalawang kagamitan na ito ay nakabuo siya ng mas magandang plano kung makatakas.
"Sigurado ka na ba dito Jet? Kailangang maging maingat ang execution natin sa bagay na ito. Delikado kapag nagkamali tayo. Basta tandaan mo. Magkita tayo sa arko. Ako ang magdadala kay Misha. Ikaw kay Rica."
"Oo. Sigurado na 'ko. Gagawin ko ang dapat ayon sa plano natin. Gagawin ko ang lahat para makalabas tayo dito ng buhay."
Matigas ang bagang at puno na ang determinasyon ng dalawa. Tuloy na ang plano.
***
BINABASA MO ANG
Byahe (COMPLETED)
HorrorBabyahe ka pa ba kung buhay na ang kapalit? Liliko ka pa ba kahit na sa paglikong ito'y may panganib? Magpepreno ka ba kung ito na ang iyong huling sandali? BYAHE! Isang kwentong binubuo ng tatlong parte tungkol sa madugo, magulo, mapanganib, at nak...