Kabanata 8
"Putik naman oh. Ano 'to?" Hinugot ni Josue ang napansin niyang nakatusok sa gulong. "Ngipin?"
Lumapit si Aileen kay Josue nang marinig ang pagmumura nito at pagmamaktol. Sinilip niya kung ano ang hawak nito at nakita ang isang mahabang pangil na higil tatlong pulgada ang laki.
"Ano 'yan? Bakit anlaki?" Tanong niya kay Josue.
Napasinghap si Josue at tumingin sa dalaga. Ikinuyom niya ang kamay at tinago ang pangil dito. Ibinulsa niya ito pagkatapos.
"Parang ngipin. Pero masyadong malaki tsaka matulis." Sagot nito nang nakasimangot.
Nabagabag si Aileen dahil sa nakita. Lalong napuno ng kakaibang teorya ang kanyang isipan na dumating na ang puntong imposible na ang kanyang iniisip. Mga bagay na wala naman sa mundo at hindi totoo. Umiling siya at iwinaksi ang iniisip.
Samantala, si Eunice naman ay may isang metro ang layo sa dalawa. Nakatayo lamang siya at inaantay ang signal ng dalawa kung ano na ang kanilang gagawin.
Hawak niya sa kanyang kanang kamay ang balisong na nahanap sa bus kaya naman medyo kampante siya ngayon na maaari na niyang madepensahan ang sarili mula sa mga taong nagpunta sa kanilang bus kanina.
Nakaramdam ni Eunice ng isang malamig na bagay na humipo sa kanyang hita mula sa dilim.
Lumingon siya para tignan ito ngunit wala naman siyang nakita.
"Tss. Baka hangin lang 'yun." Wika niya at saka sumimangot.
Ngunit ilang minuto rin, muli ay naramdaman niya ang isang malamig na bagay, na humipo sa kanyang hita.
Naalarma na siya sa pagkakataong ito ngunit nanahimik muna siya.
Hanggang sa muli niya itong naramdaman at nakumpirma niya ang hugis ng bagay na humihipo sa kanya. Hugis ng isang kamay.
Paulit-ulit itong humahaplos sa hita nita niya paikot sa maselang bahagi ng kanyang katawan.
Nangingilid na ang kanyang luha nang siya ay magsalita. "G-Guys... P-Parang—KYAAAH!"
Nagulantang naman ang dalawa nang umalingawngaw ang tili ni Eunice. Sila'y naalarma at napalingon sa direksyon nito ngunit hindi na nila ito nakita. Ang tangi lamang nilang nadatnan ay ang gumagalaw na talahib.
"Stay here. Susundan ko sila." Matapang na sabi ni Josue ngunit umiling si Aileen.
"No. Sasama ako!"
"Aish! Bahala ka!"
Tumakbo ang dalawa at pumasok sa talahiban. Halata ang daan na dinaanan ng taong kumuha kay Eunice kaya ito ang kanilang sinundan.
"KYAAAAHH!"
Umaalingawngaw pa rin ang tili nito at isa ito sa kanilang sinusundan. Patuloy sila sa pagsunod sa tili at sa bakas ng dinaanan ng kumuha kay Eunice.
"HEEELPP! KYAAAHH!"
Napakagat sa labi si Aileen.
"We're coming! Do something! Saktan mo 'yang may hawak sa'yo!"
"KYAAAHH! HEEL—thud!"
Lalong naalarma ang dalawa ng biglaang maputol ang sigaw ng dalaga at naulinagan nila ang isang malakas na daing.
Lalakad pa sana ang dalawa ng biglang lumabas sa kaliwa nila ang isang lalaki. Nakangisi ito ngunit walang dalang kahit anong sandata.
"Takbo." Bulong ni Josue kay Aileen.
BINABASA MO ANG
Byahe (COMPLETED)
TerrorBabyahe ka pa ba kung buhay na ang kapalit? Liliko ka pa ba kahit na sa paglikong ito'y may panganib? Magpepreno ka ba kung ito na ang iyong huling sandali? BYAHE! Isang kwentong binubuo ng tatlong parte tungkol sa madugo, magulo, mapanganib, at nak...