Hila hila nanaman niya ako, bakit ba ganito ako? Bakit ayaw kong pigilan siyang hilahin ako? Ano ba nangyayare saakin? Bakit parang gusto kong hinihila niya ako.
Tumigil siya sa paghila sakin at hinarap ako. "Hindi kaba tinuruan ng magulang mo na wag makipag usap sa hindi mo kilala? Pano kung rapist yun? Pasalamat ka na nandun ako! For god sake!!." Bulyaw niya sabay hawak sa batok na parang nag-aalala.
Tinaasan ko siya ng kilay at tinanggal ko yung pag kakahawak niya sa braso ko. "Pake mo ba? Nag sosorry lang yung tao kung ano ano iniisip mo! Tsaka isa pa bat ka nandito? Are you stalking me?!." Sigaw ko, jusko pasalamat ako kasi kami lang tao dito sa parking lot.
"Kahit na hindi mo naman kilala e! Hell No!! Assuming ka! Dapat ka mag pasalamat kapa sakin!."
"Pasalamat?! Nakakahiya kaya yung ginawa mo! Nag mamagandang loob yung tao, kung ano ano iniisip mo! Bahala ka nga diyan! Tabi!." Tinulak ko siya at nagpalakad papasok sa mall. Ang ganda na nung araw ko sinira niya pa.
Nang makarating ako sa ice cream store nilibot ko yung paningin ko nagbabakasakaling nandito si ano... Ano nga ba ulit pangalan niya.... Hmm.. Ayun! Nagbabakasakaling nandito si Paul. Mag sosorry ako sa ginawa nung bwiset nayun! And I'm a bit disappointed. Wala siya.
Omorder ako ng favorite kong flavor at naglibot.. Cringe "iww" bulong ko sa sarili ko na may halong pandidiri. Konti nalang at tatapunan ko na ng ice cream tong mga couple nato. Walang respeto sa public area.
Napatigil ako sa pag lalakad nang makita ko kung sino yung makakasalubong ko. Mingyu.
Si Mingyu makakasalubong ko may dala dalang teddy bear at choclates! Huhuhu!
Naglakad siya papalapit sakin? Wtf? Sakin talaga. Ang assuming ko. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang kumakain ng ice cream, kunwaring di ko siya nakita.
Napatingin ako sakanya ng pigilan niya ako sabay titig sa mata ko. Ngumiti siya, gwapo. Sana' lagi nalang siyang nakangiti. Hindi nakakasawang tingnan yung mukha niya, di tulad ng mukha ko... este mukha ng iba, nakakaumay.
Kinuha niya sa kamay ko yung ice cream at tinapon sa basurahan. "Ano bang problema mo?! Bakit mo tinapon?! Favorite ko yun!! Sayang." Hinampas ko siya sa dibdib. Huhuhu! Ice cream ko.
Ngumisi siya. Like wow! Ano bang problema ng lalaking toh?. Inabot niya sakin yung teddy bear at chocolates. Nagtatakang ko siyang tiningnan.
"Ano yan?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Teddy bear at chocolates! Obvious ba?." Tinarayan niya ako sabay hawi sa buhok niya.
Nagpamewang ako. "I mean... oo! Alam ko pero ano gagawin ko diyan? Bakit mo binibigay sakin?."
Lumapit siya sakin "kanina pa kita pinagmamasdan at alam kong naiingit ka sa mga couple na nakikita mo kaya ayan para di ka magmukhang kawawa." Bulong niya.
Hinampas ko siya sa dibdib. "Hindi kaya! Kadire! Aba! Salamat ha! Salamat." I sarcastically said.
"Your welcome." Ngumiti siya ng nakakaloko at kumindat sakin. Mingyu bakit kaba ganito? Nawawala lahat ng galit ko sayo pag ganito ka.
"Tara ice cream tayo, libre' kita." Pagyayaya niya.
Tumango lang ako at naglakad papunta sa ice cream store, kaso natigilan ako ng naramdaman kong hindi siya sumusunod sakin. Tiningnan ko siya. "What are you waiting for?." Tanong ko.
Bumontong hininga siya ay lumapit sakin. "Wala." Kinuha niya yung teddy bear at chocolates na hawak ko sabay hawak sa kamay ko. Bale' magka holding hands kami habang naglalakad.
Pinipilit kong tanggalin yung kamay ko sa kamay niya pero.. "Don't remove you're hand for 10 minutes? Please?." Sabi niya habang nakatingin lang sa dinadaanan.
Hinayaan ko nalang. Nang makarating kami sa ice cream store, umorder na siya at ako naman hinintay siyang bumalik. Pinagmamasdan ko yung teddy bear na binigay niya.. Wala naman akong hilig sa mga teddy bear pero ang cute pala hehe. Nang makarating siya inabot niya sakin yung ice cream kinuha ko 'iyon at sinumulan ang pagkain, "Hahahah! Hinay hinay nga clumsy penguin." Pang aasar niya. Nang matapos kaming kumain niyaya niya akong manuod ng sine and ako? Bwahahah! Syempre pumayag ako. Ako pa! Nang makapasok na kami sa sinehan wala kaming ginawa kundi magharutan kinikiliti niya ako, tawa lang kami nh tawa halos pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa tawa ni Mingyu. Pagkatapos naming manuod niyaya ko siya may Tom's world. Nung pumasok kami bumili siya ng token sabay naglaro na kami.. At dahil may pagka isip bata ako... Ayan nahawaan na si Mingyu parang sinapian ng masayang espirito nawala yung masungit niyang aura. Nakakatuwa kasi mas lalo siya gumagwapo pag nakangiti. Nang makaramdam ako ng pagod kinalabit ko si Mingyu "pagod nako, uwi na tayo." Walang ganang sabi ko.
Tiningnan niya ako. "Sige tara hatid na kita." Yaya niya.
"Ay hindi na, may kotse ako." Pagtanggi ko.
"I mean tara sabay na tayo uuwi nadin ako." Ganun? Huhuhu.
Nauna nakong maglakad sakanya at nagulat ako ng akbayan niya ako, hindi nako kumontra kasi pagod nadin bunganga ko kakatawa. Nang makarating kami sa parking lot hinatid niya ako sa tapat ng kotse ko.
"Sige okay na dito. Salamat pala ha? Ingat ka." Ngumiti ako."Wala yun! Ikaw talaga ang cute mo." Ginulo niya yung buhok ko. "Actually ako dapat ang magpasalamat sayo, kasi' ang saya mo pala kasama, kahit papaano nakalimutan ko mga problema mo."
"Wala yon! Hahaha!." Kahit pala mahangin nag kaka problema din?.
"Sige na una nako, salamat ulit dito ah!" Paalam ko.Nginitian niya ako sabay alis. Pumasok nako ng kotse at inayos yung teddy bear at chocolates ko. Biglang kumatok si mingyu sa bintana ng kotse ko kaya ibinaba ko iyon. "Ang ganda mo pala pag nakangiti. Hahah! Ingat clumsy penguin!." Pinisil niya yung pisnge ko sabay alis.
BINABASA MO ANG
Lost Star | Mingyu ff
Fanfiction"The worst kind of pain is when you're smilling just to stop the tears from falling." Cc: Muffinkeyks