After one week.....
Allen's POV
"Labas ka, pagbuksan moko ng pinto. Kanina pa ako katok ng katok!" Sigaw ni Mingyu sa kabilang linya. Problema nito? Kung gumamit kasi siya ng commonsense niya at nag doorbell siya edi sana naririnig ko nandito kaya ako sa kwarto ko. Katangahan talaga. Nandito ako sa condo ko, napag pasyahan ko na dito na mag stay sayang naman kasi binili nga wala naman nakikinabang. At dahil dito ako nag ste-stay sa sobrang katamaran ni Mingyu wala pang laman fridge ko, ayaw kasi ako samahan mag grocery laging tamad.
"Ang tanga mo! May doorbell naman kakatok kapa, ano? 21's na anoba matuto ka!" Sigaw ko pabalik. Sa totoo lang inaasar ko lang naman talaga siya. Di ko talaga naririnig. Ang saya lang mamikon ng tao ngayon. Siya pa tong may lakas na sigawan ako siya naman tong di marunong gumamit ng utak.
"Eh kung pagbuksan mo nalang kaya ako no? Ang dami mo pang sabi e. Buksan mo na to!"
"Ayoko. Mag doorbell ka."
"Are you joking right now? Cause it's not funny." Napipikon na siya. Masaya to.
"No. I'm. Dead serious about it. Mag doorbell ka." Inilayo ko yung cellphone ko sa tenga at nagpigil ng tawa. Naiimagine ko yung mukha niya ngayon.
"BUKSAN MO NA TO!!" Sigaw niya sabay sunod sunod na doorbell sa pinto. Ibinaba ko yung linya at natatawang naglalakad papunta sa pinto.
"Bat 'kaba nandito?" Tanong ko ng makarating ako sa harap ng pintuan.
"Sasagutin ko tanong mo pag pinagbuksan mo na ako ng pinto."
"No. Bubuksan ko tong pinto pag sinamahan moko mag grocery." Good idea yan. Para naman magkalaman na fridge ko nakakaumay na laging fastfood yung kinakainan ko.
Idinikit ko yung tenga ko sa pinto. Bumuntong hininga siya. Please say yes. Say yes.
"Fine." Binuksan ko na yung pinto at nakita ko siya nakakunot ng noo may dala dala siyang paper bag.
"Ano yan?" Tanong ko, ngumuso siya. Bakit?
"Di mo ba muna ako papapasukin bago moko tanungin ha? Kanina pa kaya ako nakatayo dito!"
"Psh arte neto." Nilakihan ko yung bukas ng pinto para makapasok siya.
Umupo siya sa sofa di parin niya binibitawan yung paper bag kaya tumabi ako sakanya. Naramdaman niya siguro na lumubog yung sofa kaya tumingin siya sakin. I smiled at him. "Ano yan?" Mukhang pagod ah. May ginawang kababalaghan to.
"Chocolates." Sabi niya ng nakapikit habanh hinahabol yung hininga niya. Nyare dito? Tumayo ako para kumuha ng tubig at ibinigay sakanya.
"Ba't parang hinihingal ka? Ano ginawa mo? Tsaka ano yan? Para kanino yan? Ba't ka nandito?" Alam ko oo sunod sunod. Nang aasar lang ako.
Tiningnan niya ako ng masama sabay takip sa mukha ko ng paper bag na hawak niya. "Wag moko ngitian ng ganya. Baka....."
"Baka ano?" Tanong ko ng di nakatingin sakanya. Woah ang daming chocolates. Omg.
"Wala."
"Para sakin bato?"
"Hindi. Para sa halaman yan." Kinuha niya yung paperbag at inilagay sa counter ng kitchen at inilagay yung baso sa lababo. "Ano? Di kapa ha kikilos? Matutulog nalang ako kung tutunganga ka diyan." Nagulat ako ng bigla siyang humiga sa hita ko.
"Uy-y teka." Tatayo sana ako pero niyakap niya yung beywang ko ng mahigpit. "Pinapakilos moko pero ayaw moko patayuin? Problema mo?" Iniharap ko yung mukha niya sakin. Nakapikit siya at halatang walang tulog. Ano meron dito?

BINABASA MO ANG
Lost Star | Mingyu ff
Fanfiction"The worst kind of pain is when you're smilling just to stop the tears from falling." Cc: Muffinkeyks