Mingyu's POV
Tumayo ako at naglakad papunta sa balcony ng kwarto ko, bumuntong hininga ako habang nilanghap yung sariwang hangin, Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko, hindi ko alam kung ano nararamdaman ko, hindi ko alam kung tinamaan naba ako. para akong pinaglalaruan ng mundo. Ano ba itong nararamdaman ko? Wala akong gusto sakanya pero bakit nasasaktan ako? Allen your the only one who make me feel like this. Nung makita ko kayo ni Wonwoo, dapat hahalikan ka niya, hahayaan ko sana kayo' pero parang may nagtulak sakin na pigilan kayo. Nung mga oras nayun, hindi ko alam kung anong iniisip ko. Alam kong nagagalit siya sakin, nung mga oras na pinigilan ko kayo, lumingin siya sakin, ang sama ng tingim niya, tumatagos sa dibdib ko.
*Flashback*
Naglalakad ako ng parang walang pake sa mundo, masaya ako ngayon at hindi ko hahayaang may bitch na makasira sa araw ko. Pero napatigil ako ng makita ko si Allen kasama si Wonwoo, ang lapit nila sa isa't isa, teka? Maghahalikan ba sila? Hala! Ano ba mingyu, kung ano ano iniisip mo hayaan mo sila, wala kang pake sakanila. Naglakad ako palayo pero ng maka-apat na hakbang palang ako, may nagtulak sakin na pigilan ko siya, ayaw ng utak ko pero yung katawan ko naglakad na papunta sa kinatatayuan ko kanina.
"Wonwoo!!, pare!!" Sigaw ko. Dahilan ito ng ikinadilat ni Allen, lumingon siya sa direksyon ko at ginantihan ko siya ng nagtatakang tigin. Napatingin ako kay Wonwoo na tumatawa habang nakasubsob yung ulo sa leeg ni Allen. Nakaramdam ako ng selos. Hindi ko alam kung bakit pero.. Ugrh! Erase!!
Naglakad na si Wonwoo papalapit sakin, tiningnan ko ulit si Allen, saktong tumingin din siya kaya nagkatama yung paningin namin, kinunutan ko siya ng noo, pero tinarayan niya lang ako at naglakad paalis.
"Pare bakit?" Tanong niya.
"Wala" walang ganang sagot ko, wala naman ng patutunguhan to, baka ano pa magawa ko. Naglakad ako palayo.
Sa buong klase wala akong ginawa kundi makinig, pinilit ko yung sarili ko na mag focus sa lesson pero wala sa huwisyo ang pagiisip ko. Hanggang maring yung bell.Lumabas ako ng classroom tsaka naglakad papuntang canteen, nagulat ako ng biglang may mga lumapit sakin na mga babae, pinaghihila ako, yuck! Nakakadiri, anong amoy yun? Amoy Whore. Jesus! Tinabig ko sila tsaka nagpatuloy na naglakad, wala akong pake kung di ko sila nirespeto, dahil di naman talaga dapat sila respituhin.
Pumasok ako sa canteen pero nakakailang hakbang palang ako, parang nanaman akong nilagyan ng tinik sa dibdib. Si Allen at Wonwoo, magkasama, nagtatawanan, nagaasaran, nag kikilitian, in other words they're happy. And I'm damn affected. Naglakad ako palayo kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko, bakit ako nagkakaganito? Hindi ko dapat nararamdaman ito. Nang makarating ako sa favorite place ko sa campus umupo ako sa bench at huminga ng malamin, kailangan kong magpalamig ng ulo, kailangan kong magpag-isa at dito sa lugar nato ko lang iyon nagagawa.
Ipinikit ko yung mga mata ko para pakalmahin ang sarili ko, pero na naaalala ko lang yung mga nakita ko, napayukom yung kamao ko sa mga iniisip ko. Naiinis ba ako? Hindi ko alam, dumilat ako at inihilamos yung palad ko sa mukha ko, hinilot hilot ko yung gilid ng ulo ko, masyado na akong nagiisip, mas mabuti pa siguro kung dedmahin ko sila. Oo diba? Wala naman akong pake sakanila in the first place.
Tumayo na ako at bumalil sa susunod kong sub. Nakakasunod nadin naman akong konti, hindi ni lutang ang pagiisip ko, sana magtuloy tuloy ng ganito. Natapos nadin yung Klase, makakauwi nadin ako, i want to rest my body ang my mind, masyadong maraming kaganapan ngayon.
Naglakad ako papuntang parking lot. Napalingon ako sa ingay ng taong nagtatawanan, and just my bad luck diba? Si Allen at Wonwoo, magkasama nanaman, at this time naka akbay pa siya kay allen. Si allen naman hindi pumapalag. Nagtawanan, asaran, harutan lang nila ang tanging naririnig ko dito sa parking lot. Sinundan ko sila ng tingin, ihahatid niya ba ito pauwi? Inalalayan niya pa si Allen papasok sa kotse niya. Ayoko na, I'm done with this shit.
Pumasok nako sa kotse at nauna nang magdrive pauwi, dala dala yung hindi ko maintindihan na pakiramdam sa dibdib ko.
*End Of Flashback*
Masakit. Yun lang naman ang naramdaman ko ngayon, pero wala akong magawa, mahal siya ng kaibigan ko. Gustuhin ko man na agawin siya kahit hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko para sakanya. Nagseselos ako kapag may nakikita akong may kasama siyang iba. Naglakad ako papasok sa loob ng kwarto at humiga. Sumasakit ang ulo ko, dala narin ito siguro ng pagiisip ko, itutulog ko nalang. Bago ako pumikit napaisip ako, Ano nga ba talaga ang nararamdaman ko sakanya?
Mahal ko ba siya?.
BINABASA MO ANG
Lost Star | Mingyu ff
Fanfiction"The worst kind of pain is when you're smilling just to stop the tears from falling." Cc: Muffinkeyks