•46 / END

174 4 0
                                    

Mingyu's POV

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Kanina ko pa iniiwasan yung tanong na yan. Kanina pa din siya nagtatanong. Hindi ko naman sinasadya na masabi sakanya na aalis kami sadyang pati ako na excite kaya kung ano ano nalang ang sinabi ko. Una sinabi ko na lalabas lang kami di naman siya naniwala. Kahit gusto ko mang sabihin na di ko lang maggawa ayoko masira yung plano ko.

"Basta" yun lang yung lumabas sa bibig ko. Nilingon ko siya at agad naman ako kumunot ng noo. "Ano?" Nakatitig siya sakin.

"May pinaplano ka no?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Napatitig ako sakanya. Masyado bang halata? Oh no.

"What do you mean?"

"May pinaplano ka?" Tinitigan niya ako sa mata. Napaiwas naman ako. Umayos ka Mingyu.

"Wala ah." Umiwas ako ng tingin. Baka biglang madulas ako.

"Talaga lang ha?"

"Bat gusto mo ba meron?" Tiningnan ko siya, Pang pawala lang ng kaba.

"Hindi naman, pero kasi kung may secret ka sabihin mo sakin para naman inform ako diba?" Sagot niya, napatitig ako sakanya.

"Edi hindi sa secret yon?"

"Aha! So may secret ka nga?!" Sigaw niya sabay duro sakin habang pinaniningkitan ako ng mata.

Katapusan naba ng plano ko to?

"Wala akong sinabi." Pagiwas ko. Tumayo ako at umupo sa sofa sabay bukas ng TV. Bakit ba kasi pumunta ako dito? Pwede naman di ako magpakita sakanya ngayon para intense yung plano mamaya. "Uuwi nako." Tumayos ako at inayos yung nalukot kong damit.

"Susunduin nalang kita mamaya." Lalabas na dapat ako pero natigilan ako ng yakapin niya ako sa likod.

"Don't leave me, sorry na kung kinulit kita, wag kalang umuwi."

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Don't Leave Me? Kahit alam ko ang ibigsabihin niya sa pagsabi ng mga salitang yon iba parin yung dating sakin, parang nabuhayan ako, parang gusto ko na umamin ngayon, gusto ko na siyang tanungin.

"Hoy, sorry na nga e." Napakurap ako, nasa harapan na pala siya ng pinto, hinharangan niya yung daan para di ako makalabas ng condo niya.
"Hoy ano? Tititigan mo nalang ba ako? Nag eeffort ako na pigilan ka umuwi o tas tutunganga kalang diyan?" Para siyang bata.


Tumawa ako, "umalis ka nga diyan." Umiling lang siya. Tinalikuran ko siya at umupo uli ako sa sofa. "Sabi ko naman sayo umalis ka diyan, di naman talaga ako uuwi." Natatawang sabi ko. Nagpatuloy ako sa panonood ng TV at hindi ko na siya kinausap, ayoko masyadong makipag usap sakanya kasi baka ano nanaman masabi ko at kulitin nanaman niya ako.

NAGISING ako medyo hapon na, nakatulog pala ako sa sofa kanina. Bumangon ako at maghilamos, agad kong hinanap si Allen, ng hindi ko siya nakita sa condo niya tinawagan ko siya.

Pagtapos ng ilang ring sinagot niya narin agad ito. "Hello, gising kana pala."

"Where are you?"

"Lumabas lang ako, may bibilhin lang ako saglit, miss me?" Napangiti ako. Bigla kong naisip na may plano pala ako ngayon, tumingin ako sa oras, dapat ko ng simulan.

Lost Star | Mingyu ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon