•41

81 7 1
                                    

Wonwoo's POV

After 2 months..

"Baby tara na! It's getting late! Dad and Mom is expecting us early!" Nakakarindi na. Walang araw na hindi sumigaw yung babae to. Hindi ganto yung type ko na babae. Ngayon palang sisimulan yung pagpaplano ng kasal. Oo matutuloy ang kasal. May choice paba ako? If i refuse. The brat will go wild.

Napabuntong hininga ako nang matapos kong isintas yung sapatos ko. Kinuha ko yung phone ko. Napapangiti ako kapag nakikita ko yung wallpaper ko. Si Allen yun yung araw na nalaman ko na aalis siya. Kamusta na kaya siya? Naka move on na kaya siya? I miss her. I love her.

Napakunot yung noo ko ng may nagbukas ng pinto. Alam ko siya to e.

"Are you done baby?." I hate my life. Nagsisisi ako kung bakit pa ako nabuhay kung ganito lang din naman kapalaran ko.

Kinuha ko yung susi ng kotse sa may side table at agad na naglakad palabas. Wala akong pake kung magtampo yang babaeng yan. Hindi ko siya mahal. Napipilitan lang ako.

Nang makarating ako sa labas alam kong nakasunod lang sakin yung babaeng yun.

"Baby wait for me, Please?." Nilingon ko lang siya. Napangiwi ako ng makitang naka heels siya. Sino ba naman tangang mananakbo ng naka heels? Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa kotse. Pumasok ako sa loob at sinumulan ng painitin yung kotse. Natutulala ako kapag naaalala ko nung unang babaeng sinakay ko dito. Si Allen. Siya yung babaeng sinkay ko dito. Bahagya akong napapatawa ng maalala ko yung time na pinapagalitan niya ako.

"Ouch." Napabalik ako sa realidad ng marinig ko si Aaliyah sa tabi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Sa totoo lang sunod sunuran ako sakanya. Halos lahat ng gusto niya ginagawa ko. Pwera lang sa kalimutan si Allen at mahalin siya. Nangako ako sa sarili na kung sino yung unang mamahalin ko siya lang dapat.

"Di mo kasi ako inantay baby e. Ayan tuloy masakit paa ko." Inirapan ko lang siya. Ang arte, sino ba naman kasing tatanga tanga mag heheels alam niyang maglalakad?

"Lagya mo yelo." Sabi ko bago sinimulan yung pagdadrive papunta sa bahay nila. At oo. We live in the same house. Dad's idea para daw maniwala siyang pinakawalan ko na si Allen. Hindi paba halata? Napaka bitter ko dahil sa pangyayare. Hindi ko kayang saktan at lokohin yung babaeng mahal ko. At ang tanga ko, kasi di ko siya kayang ipaglaban.

"Daan tayo convenient store baby, please?." Tumango nalang ako.

Halos di ko siya kinibo habang bumabyahe kami. Napaka ingay niya. Walang tigil yung bunganga. Mas lalo akong narindi ng itopic niya yung kasal. Buti nalang nung mga oras nayun malapit na kami.

"Bumili kana."

"Di mo ba ako sasamahan?." Tiningnan ko siya.

"Mukha bang gusto kong sumama?.''

"Dali na Wonwoo please?." Ano pabang magagawa ko? Pag umayaw ako isusumbong niya ako kay dad.

Padabog ako na lumabas at naunang pumasok sa loob.

"Dito nalang ako." Umupo sa bakanteng stool. Tumungo ako at kinuha yung phone ko sa bulsa ko. Pinagmamasdan ko kang yung wallpaper ko. I freaking miss her.

Bumontong hininga ako. Sandali akong napakurap ng maisip kong palitan iyon. Umiling ako tsaka ibinalik sa bulsa ko.

What?

Is that her?

Ang ganda niya.

Allen... Comeback to me....

I was about to stand up nang makita ko kung sino yung kasama niya. Nasasaktan ako. Kasalanan ko to e.

Nasa huli ang pagsisisi.

Lost Star | Mingyu ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon