Allen's POV
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang dean's office. Kinakabahan ako, halos mabaliw ako kakaisip kung ano yung ginawa kong kasalanan. Halos ialog ko ng ialog yung utak ko pero wala akong nakikitang may pagkakamali ako. Namamasma yung kamay ko habang nasa hallway ako.
Tumigil ako nang makarating ako sa pinto ng dean's office. Nanginginig yung tuhod ko. Mali, buong katawan ko. Hinawakan ko yung doorknob at nagbigay pa sakin ito ng mas matinding kaba. Kasi naman bakit naman ako ipapatawag ng walang dahilan diba? It means may nagawa akong mali. Napatigil ako nang may nagbukas sa pinto. Natulala ako ng makita ko si Mingyu, nasa harap ko siya. Nakatayo at nakatingin saakin. Ngumisi ito tsaka naglakad palayo. Bakit kaya siya nandito? May ginawa dib ba siyang kasalanan?
"Ms. Lorenzana, nice to see you here. Please come in." Bati ni dean sakin habang nag aayos ng papeles sa table niya.
"Please sit down" lumapit ako sa harap ng desk at umupo sa upuan habang pinag mamasadan yung kamay kong parang waterfalls.
"Ms. Lorenzana. You need to pass a parent consent for us." Panimula nito. Kinunot ko yung noo ko. Ano daw?
"Uh.. Para saan po Ma'am?" Nagtatakang tanong ko..
"For us to let you travel to south korea as an exchange student."
"Talaga po?." Galak na pahayag ko.
"Yes. And we need it as soon as possible. And after lunch pumunta ka ng detention room at doon mo hantayin ang magiging kasama mo. Copy that?".
"Yes Ma'am." I'm about to leave the room pero tinawag ako ni dean.
"Congrats. Keep it up my dear, the school is lucky to have a responsible student like you." Lumapit saakin si dean at niyakap ako. Nabigla ako kaya hindi ako nakapag response ng mabilis. Tinap nya yung likod ko.
"Thank you ma'am." Ngumiti ako ng matamis. Ang bait ni 'dean. Hindi siya yung dean na parang ichachallenge ang estudyante niya. Subalit mas sinusuportahan niya pa ito.
Lunch time. Kasabay kong kumain ang mga ka clasamates ko. Hindi na kami medyo nagkakasama ni Jeniel. Hindi na kami masyado nagkakasama o pansinan. Hindi ko nga alam kung anong nangyare. Pero hinayaan ko nalang. Nang sabihin ko sa classmates ko na mag e-exchange student ako sa korea halos mayugyog utak ko sa harot nila. Ang saya nila. Mas masaya pa sila sakin. Kasi kpop fan daw sila mga baliw talaga. Masaya naman kaming kumain habang nagkwekwentuhan. Masaya silang kasama. Pero mas masaya padin kung si Jeniel ang kasama ko. Hayst. Ano na kaya nangyare sakanya?
"Kringggggg"Nag ring na yung bell, tumayo ako at inayos yung mga gamit ko. Kailangan ko na palang pumunta sa detention room. Sino kaya yung makakasama ko?
"Uy.. Allen, goodluck ha?" Bati sakin ni Tracy.
"Uy kuntenchi!! Iuwi mo naman ako nang magagawang oppa.! Wiiiiii!!" Sigaw ni Sandara.
"Ano ba kayo, hindi pa nga siya umaalis e." Kontra naman ni Angel.
Natatawa ako sakanila para silang mga aso't pusa. Ang cute nilang Mag away."Ikaw napaka KJ mo talaga! Kaya mukha kang nang matanda e!! Bahala ka nga jan!" Pang aasar nila.
"Uy!!! Allen ingat ha! Mamimiss ka namin." Niyakap nila ako tsaka tumalon nang bahagya.
Kumawala ako sa yakap tsaka ngumiti ng matamis. "Salamat sa support niyo ha? I appreciate it. A lot."
"Anokaba wala yun! Hahahaha sige you should go na. Goodluck ag congrats ulit." Naglakad na sila palayo sabay kumaway at nag blow pa ng kiss. Nagsimula na akong maglakad patungo sa detention room. hindi parin mawala sa isip ko kung sino ba talaga ang makaksama ko? gusto ko babae, kahit hindi ko kilala basta babae. Friendly ako kaya expert ako sa pakikipag salamuha sa babae. sa lalaki? Nah! it makes me sick pwe. if ever na lalaki yun hindi ko alam gagawin ko. pwera nalang kung kakilala ko. Nakakainis yung katawan ko tinatamad maglakd pero yung utak ko excited na excited.. bahagya akong napangiti nang maisip ko yung mga baliw kong kaklase kanina, namimiss ko na agad sila. Namimiss ko nadin si Wonwoo, hehehe. Kahit kakakita lang namin kanina, Lakas kasi ng tama nun. Ang lakas mang asar. maiinis ka pag inaasar ka niya, pero pag wala naman siya mamimiss mo yung kakulitan.. ewan ko ba, hindi ko alam kung nahuhulog nako. Masaya nako kung ano ang sitwasyon namin ngayon. Masaya ako kasi nakilala ko siya. Sana magpatuloy nang masaya, yung tipong wala nang kokontra o eepal.
BINABASA MO ANG
Lost Star | Mingyu ff
Fanfiction"The worst kind of pain is when you're smilling just to stop the tears from falling." Cc: Muffinkeyks