(Chapter 13)

1K 39 0
                                    

Napadpad kami sa likod ng school kung saan bihira puntahan ang mga studiyante

Tumigil siya sa pag lalakad at nanatiling nakatalikod saakin

"Jessica"bangit niya sa pangalan ko sabay harap saakin

"Ano pong kailangan niyo saakin?"sabi ko sa lalaki

"July 8,2015"Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil agad ko siyang kinwelyuhan

"Anong alam mo?"galit na sabi ko

Pinaalala niya bumalik uli ang sakit at galit sa puso ko at wala na akong ibang maisip kundi mag higante

"Your Dad...at ang taong naka hood tingin mo siya talaga pumatay sa tatay mo?"mas humigpit lalo ang hawak ko sakaniya

"Anong alam mo?bakit alam mo?Kasabwat ka ba huh,sabihin mo!"

Naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko at panginginig ng katawan ko sa sobrang galit

Hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahang hinawi

"Because i was there......Kitang kita ko kung pano pinatay ang iyong ama at bakit siya pinatay "

"Sabihin mo sino pumatay sakaniya at kung bakit siya pinatay"Lumapit siya saakin at hinawakan ang balikat ko

"If you want to know the truth make sure you're ready emotionally and physically because once you know the truth................they will hunt and kill you just what they do to your father and lumayo ka sa kanila dahil mapanganib"Tinap niya ang balikat ko at iniwan akong maraming tanong sa sarili ko

Ano ba talaga....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Besty ok ka lang ba talaga?"

Rinig kong sabi ni Zam

Tumingin ako sakaniya at ngumiti

"Oo naman ako pa "kunwaring proud na sabi ko

Hindi ko muna sasabihin sakaniya ung pinag usapan namin ayoko makadagdag ako sa problema niya

Pag ka dismiss ng prof ay nag paalam ako kay Zam na may pupuntahan lang ako saglit at mauna na siyang umuwi

Nung una ay ayaw niya pero dahil sa mapilit ako kaya wala na siyang nagawa at sinunod nalang ako

Pag kalabas ko ng gate ng school ay nag para ako ng taxi at sinabi kung saan ako papunta









Kay tagal kong hindi pumunta dito, hindi ko alam kong nakita ko uli siya ay tanggap ko na lahat ng nangyari

Binuksan ko ang gate at lumapit kung nasaan siya ngaun

Umupo ako at tumingin sakaniya

"Patawad"yan ang unang sabi ko

Naramdaman ko ang pag patak ng luha saaking mata

Hindi ko pa nga tanggap na anjan siya ngaun at ako andito

"Kung andoon lang ako nung gabing un sana wala ka ngaun jaan sana nahabol ko siya at sana "tumigil ako sa pag sasalita dahil naramdaman kong nanginginig ako dahil sa sobrang sakit.

Nag tuloy tuloy ang pag iyak ko

"Sana Kasama pa kita ngaun Itay"

Lumapit ako sa lapida niya at hinaplos ang nakaukit niyang pangalan at inilagay sa ibabaw ang bulaklak na hawak ko

"Malapit na itay konting panahon nalang ay mahuhuli ko na ang gumawa nito sayo "

Pag katapos ko dumalaw sakaniya ay lumabas na ako at sinarado ang gate mag lalakad na sana ako ngunit may nakita akong anino na nakatago sa puno kaya napahinto ako at tinitigan iyon

Kahit na nasa malayo siya ay kitang kita ko ang pag ngisi niya saakin

Nan laki ang mata ko ng mag labas siya ng baril at itinutok saakin

"One wrong move you'll die "sabi niya lumapit siya saakin..

Akala ko pag lumapit siya ay makikita ko na ang istura niya ngunit nag kamali ako dahil bago siya lumapit saakin ay tinakpan na niya ang kaniya mukha

"Bakit mo ginagawa to ano kasalanan ko sayo o ng ama ko!"sabi ko bumalik lahat ng sakit at galit saakin

"Sa ama mo meron ikaw wala ngunit may kailangan pa ako sayo "sabi niya hahawakan na sana niya ang kamay ko at kakaladkarin ngunit inunahan ko na siya hinawakan ko ang kamay niyang may hawak na baril at inikot un dahilan ng pag ka bitaw niya sa baril at sinipa ko iyon palayo

Sinuntok niya ako sa sikmura kaya nabitawan ko siya

Sumugod ako sakaniya at bibigyan sana siya ng Uper cut ngunit nauna na siya saakin

Natumba ako sa sahig at namilipit sa nag ka sugat nadin ang gilid ng Bibig ko dahil sa ginawa niya,pupunta na sana siya kung nasaan ang baril niya ngunit pinigilan ko na siya sa pamamagitan ng pag hawak sa paa niya

Hinatak ko iyon at natumba siya sa sahig,tumayo ako at sumampa sa tiyan niya at binigyan siya ng suntok sa mukha,nakalimang suntok ako bago siya bumawi hinang hina na napabagsak ako sa lupa Tumayo siya ng hinga at kinuha ang baril

Dito na ata ako matatapos.. Itay hintayin mo ako mag sasama na tayo

Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang kaniyang bala na tatama saakin

Zero......... Mawala man ako ngaun gusto kong kahit papano bago ako pumikit ay masabi kong

"Ze-Zero I L-Love you"-Bulong ko

"Mamatay ka na ikaw at ang inay mo!!"

*Bang!*


The MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon