(Chapter 33)

732 23 0
                                    

Dali dali ang aking pag takbo sa madilim na kagubatan habang hawak hawak ang papel.Kailangan ko makapunta agad kina Ysa at masabi ko to hindi ko makakaya na mag isa lang ako hindi rin ako tanga para ipain ang sarili kong kaibigan para sa kagustuhan nila...

"Oh Jes gabi na ahh ? Ano nangyari sayo ?" Tanong ni Ysa ng maka punta na ako sa kaniyang bahay.Tumingin tingin naman ako sa paligid at nag babakasakali na walang nakasunod saakin,dali dali ko naman hinila si Ysa pa pasok at sinarado ang pinto

"Ayos ka lang may nangyari ba ?" Alalang tanong niya

"Kailangan ko ng tulong mo "Sabay abot ko sakaniya ng papel.Kinuha naman niya ito at binasa.

"Kakailanganin din natin ang tulong ng iba"Sabi niya bago ilukot ang papel na hawak niya....

Nagulat ako ng biglang ihampas ni Trevor ang kamay niya sa lamesa ng mabasa niya ang sulat,andito kami ngaun sa bahay ko at nakapalibot sa lamesa.Si Ysa, Travis, Trevor , Miracle,At Zam lang ang andito wala parin si Zero dahil umalis nanaman ito kasama si Alex,bigla tuloy sumakit ang puso ko kanina dahil nalaman kong mag kasama sila.

"Hindi sila titigil hangga't wala kayo sa kamay  nila"Galit na sabi ni Trevor pag katapos mabasa ang sulat ni black shadow.

"Ano na gagawin natin ?"Tanong naman ni Travis.

"Kailangan natin makaisip ng paraan  may dalawang araw pa tayo para pag handaan ang pag takas kay Gino"-Ysa

"Pano natin magagawa un kung konti lang tayo ?"-Miracle.

Bigla naman napatingin saamin si Trevor at parang iniisip kung ano ang gagawin at mukhang saamin ni Zam nakasalalay ang lahat.

"Bukas na bukas mag tutulungan tayong turuan si Zam controlin ang kapangyarihan niya kasabay si Jes dahil mas malakas ang pwersa nila kung pinag sama ito,at doon na tayo pwedeng sumugod kahit tayo tayo lang"

"Ano ,Trevor alam mo namang delekado sakanila un lalo na kay Zam"Ysa

Napatayo nadin ako sa upuan ko at napatingin kay Zam na naguguluhan at natatakot sa posibleng mangyari.

"Tama si Trevor "Sabi ko na nag patayo nadin kay Ysa na galit na galit napatayo nadin si Travis na ngaun ay pinapahinahon si Ysa.

"Nahihibang ka na ba ?!"Galit na sabi ni Ysa.

"Tama si Trevor  kailangan na natin turuan si Zam gumamit ng kapangyarihan niya kahit walang digmaan ngaun, kasi paano nalang niya maproprotektahan sarili niya kung hindi niya kabisado ang kapangyarihan niya."

Sasabat pa sana si Ysa sa sinabi ko ng biglang tumayo si Zam

"Tama na!Itutuloy natin ang plano"

"Per--"

"Tama na Ysa sa pag kakataong ito desidido na ako at walang makakapigil saakin dahil disisyon ko to hindi sainyo"Sabi niya bago umalis sa harapan namin.Tinignan ko naman si Ysa at bumuntong hininga bago sundan si Zam.

"Mahina ba ako sa paningin mo ?"Tanong ni Jes pag pasok ko sa kwarto niya nakaupo siya ngaun sa dulo ng kama at nakaharap sa bintana.Lumapit naman ako sakaniya at umupo rin sa kabilang dulo ng kama at humarap sakaniya.

"Kaya siguro karamihan sa iba inaayawan ako dahil mahina ako "

"Hindi ka mahina Jes wag mong isipin na mahina ka kasi pag iniisip mo yan mas lalo ka lang hihina wag kang masyadong negative sa mga iniisip ng ibang tao dahil ikaw mismo nakakakilala sa sarili mo hindi sila"Tumingin naman saakin si Zam at ngumiti ng kaunti.

"Tama ka nga napaka nega ko nakakainis"Sabay tawa niya lumapit naman ako sakaniya at niyakap siya.

"Wag kang mag alala besty tutulungan kita at hindi ko hahayaan na mapahamak ka dahil lang sa kahangaran ng isa kong katauhan."












Andito ako ngaun sa terrace ng guest room na tinutuluyan ko ngaun dito sa bahay nila Ysa nakatingin ako sa mga ulap at naiisip kung ano na ang ginagawa ni Zero.Nakalimutan na ba niya ako ? Masaya na ba siya sa piling ni Alex pano na kung nag tagumpay ako sa mission magiging kami parin ba dahil sa mate ko siya o hindi na dahil hindi na niya ako mahal?

"Bakit gising ka pa ?" Napatingin naman ako sa gilid at nakita ko si Miracle na nakatingin nadin sa mga ulap mag katabi kasi kami ngaun sa kwarto.

"Hindi ako makatulog"Un lang ang nasabi ko,naiilang kasi ako dahil sa inasal niya kanina baka galit siya.

"Sorry pala sa attitude ko kanina ah"Ngumiti naman ako sakaniya at napatango.

"Akala ko kasi......Hayyysss nag selos kasi ako nakita ko kayo ni Trevor na mag kahawak kamay nung isang gabi kaya akala ko may relasyon kayo nakakatawa nga isipin dahil ang bata ko pa un na agad naiisip ko"

Natawa naman ako sa reaction niya ngaun na nahihiya dahil sa kalokohang ginawa niya humarap ako sakaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Wala kaming relasyon no tyaka pinapatahan lang niya ako dahil....sa nasasaktan ako ng gabing un tyaka di ko naman aagawin ang mahal mo no "Bigla naman siya namula at tinakpan ang mukha niya.

"Wag nga ate!"Hiyang sabi niya with matching hampas pa natawa naman ako sa inasal niya ang cute niya!!

"Hahahaha nako bumubuhay pagibig ka na din ahh inunahan mo pa ako "Tawa ko sakaniya

"Tara na nga ate tulog na tayo dami mo ka echosan"Sabi niya at nauna nadin pumasok sa loob,dati dati lang ganiyan ako eh hayyss nako makatulog na nga...








"Tayo!!Hindi sa lahat ng oras ay tititig ka ng masama sa kalaban sumugod ka hanggat may oras."Tumayo ako habang hawak hawak ko ang duguan kong braso at ginawa pang pantungkod ang aking espada tumingin ako kay Zam na tumayo nadin,mahigit limang oras na kami andito at sinasanay ni Trevor ngunit hindi parin nacocontroll ni Zam ang kaniyang kapangyarihan at ako ang dehado dahil mag kakampi kami ni Zam at kailangan ko rin controlin ang kapangyarihan ko at sakaniya ngunit pag nag kakamali kami tumatalsik kami dahil sa pag sabog.

"Trevor nanghihina na si Zam pwede bang pahinga na ?" Reklamo ko sakaniya kasi pati ako nang hihina narin.

"Ganiyan din ba kayo sa kalaban kapag nang hihina na mag papahinga muna ?"Seryosong sabi naman niya kaya wala na kaming nagawa ni Zam kundi ulitin ang ginagawa namin..

Makalipas ang ilang oras ay nagagawa nanamin pag samahin ni Zam ang kapangyarihan pero madalas pumapalpak...

Dalawang oras na nakakalipas at napangiti ako at kaming lahat ng tuluyan na namin itong napag sasabay ng walang palya.....

"Very good,and for your final test" gumilid si Trevor saamin at may dalawang taong  pumasok na may takip ang mukha.Alam ko na ang balak ni Trevor ang kalabanin namin ito kaya naman nag handa na kami ni Zam para kalabanin ang mga ito

Sipa,Suntok,At pag papatama ng mga talim lang ang ginawa namin masiyado din silang malakas kaya nahirapan kami ni Zam at umabot kami ng mahigit isang oras.Kaya napag disisyonan na namin na gamitin ang kapangyarihan namin ipinag dikit namin ang aming mga kamay at ng umilaw na ito ay plano na sana namin ibato ito sakanila ng tumigil si Zam at tumingin sa lalaking ngaun ay wala ng takip ang mukha.

"Arwin?" Gulat na sabi ni Zam at napakamot nlng ng batok si Arwin at nag peace sign agad namang lumapit si Zam at binatukan si Arwin.

"Ano ginawa mo dito diba nag usap na tayo na layuan mo na ako para di ka madamay"Galit nitong sabi

"Ehh wala ehh mahal kita kaya hindi ko magawang malayo sayo "Nag ayiieee naman kaming lahat na nag dahilan ng pag ka pula ni Zam.

"Oy tama na yan at mag pahinga na kayo dahil bukas,ay tatapusin na natin ang laban"-Ysa.










(last 7 chapters mga readers pasensiya na sa mabagal na pag UD super duper busy lang po huhu )

The MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon