"Pre sure ka ba na tatanggalin mo ala ala niya sa nangyari kanina?"-Travis
"Hala edi igagaya niyo ung ginawa ni Daddy kay mommy ?"-Zamira
"If that's the only way to hide our true identity to her... yes "
Unti unti ko minulat ang mata ko at nakita ko si besty at ang buong tropa ni Zero
"Ano nangyari?"tanong ko tumayo ako at inalalayan ako ni Zero
"Diba pauwi tayo kanina?tapos ano na nangyari?bakit nakahiga na ako dito?"napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito
"Nakoo besty wag mo nang isipin un nahimatay ka sa sobrang pagod kaya andito ka na ngaun"-Zamira
Nag nod nalang ako at napangiwi ng may maramdaman akong masakit sa likod ko
Hahawakan ko na sana ito ng unang hawakan ni Trevor ang likod ko
"Ayos ka lang ?"sabi niya habang hinihimas likod ko
Ang wierd lang kasi biglang nawala sakit ng likod ko ng bigla niya akong hawakan
"oo "tugon ko sakaniya
"Nakooo ate Jes hayaan mo na un ang isipin mo nalang ehh kung ano idadahilan mo sa prof mo dahil late ka na sa isang subject "-Miracle
Tumingin ako sakaniya na may pag tataka
"Hala uii homeschool ako nakalimutan mo na huh?"-ako
"Hindi ka na homeschooler no kasi binalik ka uli ni Zero sa school natin"masayang sabi ni Ysabelle napatingin ako kay Zero na nakasandal sa headboard ng higaan ko at tumango naman ito
Sa sobrang saya ko ay napatayo ako bigla at nayakap si Zero
"Kyaaaa!!!!Salamat salamat !sa wakas at hindi na ako loner "sabi ko sabay bitaw kay Zero dahil bigla ako nakaramdam ng pag ka ilang sakaniya
"Ehem!'-Travis
"A-Ah g-get yourself ready jes malalate ka na "pag kasabi nun ni Zero ay agad siyang lumabas ng kwarto
Nag kibit balikat nalang ako at sinunod ang sinabi niya
(At school)
"Kyaaaa!!!besty ang saya kasama na uli kita namiss ko ang school "sabi ko
Nakahawak ako sa braso ni Zam at nag lalakad habang papunta sa 2nd subject namin
Napatigil ako sa pag lalakad ng mapansin kong tahimik si Zam
"Ok ka lang besty?"tanong ko tumingin siya saakin at ngumiti
"May sasabihin kasi ako sayo besty hmm kasi...."-Zam
"Mahal!!!Anjan ka lang pala"napatingin ako sa lalaking papalapit dito ngaun
"Ayysstt ayan nanaman siya putek!' inis na sabi ni Zam
Pag dating dito ng lalaki ay agad niyang inakbayan si Zam habang si Zam ay pasimpleng tumaray sakaniya
"Sino siya?"
Tanong ko habang nakatingin sa kamay ng lalaki na naka akbay kay Zam na mukang ayaw naman ni Zam un
"Eh ikaw sino ka?"maangas na tanong niya
Aba akbay akbay siya sa besty ko tapos mag tatanong kung sino ako
Nakakapang init ng ulo
"Ako ang bestfriend ng Babaeng inaakbayan mo ngaun !"sabi ko
"Ayy ikaw ba ung jes na kinakausap niya sa phone nung isang araw well let me introduce my self"tinangal niya ang pag kakaakbay kay Zam at pormal na humarap saakin..
"My name is Arwinix Chua but you can call me what ever you want to call but Arwin is much better and (Sabay akbay kay Zam)Im her boyfriend"masayang sabi niya
Nang laki naman ang mata ko at napatingin kay Zam
"Boyfriend mo?!!hjshsjaisia"
"Shh besty wag kang maingay ayaw ko man pero oo"bulong niya saakin habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ko
"Excuse me kayo ba ay papasok oh papasok?"sabi ng prof namin
umayos kami sa pag kakatayo at nag sorry sa prof
Bago pumasok ay tinitigan ko muna ang lalaki ng masama sabay lipat ng tingin kay Zam
"Hindi pa tayo tapos "bulong ko sakaniya
Nag discuse lang saglitan ang prof namin at tyaka nag pa dismiss nadin pumunta kami ni Zam sa canteen at nag order ng makakain
"Kwento"sabi ko narinig ko naman siya nag buntong hininga bago mag salita
"Ganto kasi un besty di ko naman sadiya na matapunan siya ng Juice ehh kaso lang bigla siya na galit at humingi ng kapalit sa polo niyang na basa pero di ko inaasahan na ako pala ang kapalit ang maging girlfriend niya "sabi niya
"So ganun nalang un? dahil lang doon huh?at bakit kailangan ikaw pa ang kapalit ?"
"Ehh kasi sabi daw ng grandpa niya na ipapakasal siya pag hindi pa siya nakahanap ng girlfriend at ako ang ginamit niya doon"
"For how long?"
"100 days"
HAYYSS napasapo nalang ako sa ulo at tinignan siya
plano ko pa sanang mag salita ng biglang may nag salita sa likod ko
"Ikaw ba si Jessica Tuazon?"tanong saakin ng lalaki na ohh so gwapo pero kung tumindig may owtoridad
"Ahh opo ako nga po"sabi ko sakaniya
Tumingin siya muna kay Zam kaya napatingin ako sakaniya at di ko alam pero biglang nag bago ang awra ni besty ngaun
"Sumama ka saakin"sabi niya tatayo na sana ako pero bigla akong pinigilan ni Zam
"Hindi siya sasama sayo "sabi niya na nag patayo ng balahibo ko bakit ganun feeling ko ibang iba si besty ngaun
"Sasama siya sa ayaw't sa gusto mo"sabi naman ng lalaki nag papalit palit ang tingin ko sakanilang dalawa dahil ang tagal nila mag ka titigan
Kaya nag pasiya na akong mag salita para mawala ang masamang hangin sakanilang dalawa
"Ok lang besty baka importante ang sasabihin niya "sabi ko sabay hawak sa kamay ni Zam medyo kumalma naman siya at tumingin saakin ng may pag aalala
"Im fine "pag uulit ko at sumama na sa lalaki

BINABASA MO ANG
The Mate
FantasyThere was a girl named Jessica who lived in a simple life....until she met zero.....ang lalaking mag iiba ng simpleng buhay sa isang delikadong situation kung Saan pati ang buhay niya ay madadamay Mananatili pa kaya siya sa tabi ng lalaking mag dad...