(Chapter 34)

747 19 0
                                    

"Lagi niyong tatandaan ang plano wala munang susugod hanggat wala pa akong sinasabi kailangan natin mailabas si Gino sa mga kamay nila at pag katapos nun tyaka tayo gagalaw maliwanag?" Paalalang sabi saamin ni Trevor habang nakatago sa isang malaking baul para maka pasok kami sa palasyo ni Black shadow....Ito ang tangi naming paraan para maayos ang plano habang si Ysa at Travis naman ay nag panggap na kawal para sa i papasok na kunwaring mga armas.Naramdaman ko naman ang pag galaw nito hudyat na nakapasok na kami sa loob.Maya maya lang ay nalapag na ang baul na sinasakyan namin at ang pag bukas nito.

"Mag iingat kayo"Sabi ni Trevor pag ka labas namin sa loob tumango naman ako at tinignan ang mga kasamahan ko,Sana mag tagumpay kami.

"Tara na"Sabi ko hinawakan na ni Trevor si Miracle at nag tungo na sa pupuntahan nila habang si Travis naman ay hinila nadin si Ysa si Zam at ako naman ay nag tungo na kung nasaan si Gino....

"(bugsh!!) Hahaha yan nababagay sayo masiyado ka pakaelamero!!"

Nakatago lang kami ni Zam sa isang pader,sumilip ako sakaniya at tumango,lumabas siya sa pinag tataguan namin at nag sipol..

"Grabe naman kayo isa lang yan kayo madami napaka unfair ah!" Reklamo ni Zam sakanila tumingin ang mga kawal at tumigil.

"May nakapasok!"Sigaw nila at hinabol na nila si Zam na ngaun ay tumatakbo na palayo

Ng makaalis na sila dahan dahan naman akong lumabas sa pinag tataguan at lumapit kay Gino.Napatakip ako saaking bibig ng makita ko ang kalagayan niya.Maga ang mata niya at may punit sa labi ni halos di ko na siya makilala wala nadin siyang pang taas at puro galos nadin ang kaniyang katawan.

"Jes?Ano g-ginagawa mo d-dito delekado ka umalis ka na"

"Shh!"Lumapit ako sakaniya at hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa grill ng kulungan.

"Itatakas ka namin Gino nasa labas na sila Trevor i hahatid kita doon at pag katapos ako na bahala kay Black shadow"Mag sasalita pa sana siya ngunit sinenyasan ko siya na manahimik nalang at binuksan ko na ang gate,kinuha ko ang kamay ni Gino at nilagay sa balikat ko para alalayan siyang maka tayo dahan dahan at tahimik namin tinatahak ang madilim na daan patungong likod kung saan nag aantay sila Trevor saamin.

"Urgh!" Inda ko at napa luhod ,napahawak naman ako sa aking dibdib at kinalma ang sarili dahil sa di ako makahinga

"Ayos ka lang?" Alalang tanong ni Gino tumango naman ako at pinag patuloy ang aming lakad hanggang sa maka labas na kami at natatanaw ko na din ang kaunting pag silip ng araw.Nakita na kami ni Trevor kaya naman dali dali silang lumapit saakin at kinuha si Gino..

"Kailangan na nating makaalis asan na si Zam?" - Ysa

"B-Babalikan k-ko"

"Ayos ka lang ba Jes ? Nanghihina ka "-Travis

Sinubukan ko pakalmahin ang sarili ko at ngumiti para maipanatag sila na ayos lang ako.

"Ayan na pala si Zam!" Sigaw ni Miracle

"Sensiya na ahh itong mokong kasi ehh nawawala nalang bigla sa tabi ko" Inis na sabi ni Zam kay Arwin na ngaun ay napahawak nalang sa kaniyang batok. Hindi nga dapat kasama si Arwin ngaun kasi akala namin ay isa lamang siyang tao ngunit ng mag kuwento siya ay nalaman naming isa siyang pheonix parehas sila ng ina ni Zero kaya naman naramdaman niya na iba si Zam at dahil doon kaya siya nag disisiyon na protektahan si Zam.Kaya andito siya kasama namin ngaun.

"Kailangan na natin makaalis at mailagay si Gino sa ligtas na lugar kayo na bahala dito Jes babalik kami ni Miracle"Tumango naman kami at hinarangan na ang ibang kawal na susugod saamin para makaalis ng matiwasay sila Trevor....

The MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon