(Chapter 39)

822 22 0
                                    

"Hindi pwede"

"Hahahahahahahah!!!!" Tawa ni black shadow habang unti unti nalutang sa ere at sa paligid niya ay may mga itim na usok at ang mata niya naging itim na may halong puti ibang iba na din ang lakas na nararamdaman ko sakaniya para bang........ Hindi hindi maari ang iniisip ko, kaya niya ba ako ginagalit para mahigop niya ang lakas ko?.

Napatingin ako sa kamay ko at pilit pinapalabas ang kapangyarihan ngunit wala nang nalabas at hindi ko na maramdaman ang lakas ko.

" Kahit kailan talaga hindi mo ginagamit ang utak mo puro ka puso! Ngaun ano na nangyari edi nasaakin na ang kapangyarihan mo ng buo hahaha!- Black Shadow.

Dahan dahan ako tumayo at inalalayan si Zero na tumatayo na din.

" Ngaun tayo mag tuos Jes " Pag kasabi niya nun ay nag silabasan na ang mga alagad niya at mas rumami ito kaysa kanina.

" Un eh kung matalo mo sila " Sabi ni Jes saakin.

Naiyukom ko ang mga kamay ko at tinignan siya.

" Napakasama mo talaga!" Tumawa lang siya sa sinigaw ko at tumingin sa likudan niya na ikinagulat namin.

"Zam!"-Zero.

Pinigilan ko si Zero sa pag sugod niya dahil sa nakikita niya.

Si Zam walang malay at hawak hawak na ng isang alalay ni BS at ang mas kinagalit namin ang unti unting pag ka lutang niya sa ere at ang pag labas na itim sa mga katawan niya.

Anong nangyayari sakaniya.

"You better fight fast Jes before its too late hahahaha!!"

" Ang pangit naman. 3 vs million ?" Napalingon ako sa nag salita at napangiti ng makita ko si Arwin kasama ang mga reyna at ang buong angkan.

" Alam mo ? Nag mumukha ka lang takot "- Travis

" Urgghh!! Anong pinag sasabi niyo na mahina ako ? Nag kakamali kayo dahil ngaung gabi na ang katapusan niyo!"

"ARRGGHH!!!!"

"Zam!!" Sigaw namin lahat dahil sa pag sasakal ni BS sakaniya ng kapangyarihan.

"We'll lets see who will win tonight" Sabi ng Hari na si Blade at un na nga at nag simula na ang madugong laban.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sinipa ko ang nasa kanan ko at tumalon ng may naramdaman akong tatama saakin at imbis na saakin tumama ehh ung lalaking sinipa ko kanina ang natamaan... Gumawa naman ako ng bilog na ilaw  saaking kamay at binato sa sampong susugod saakin.. Akala ata ni BS na nakuha niya lahat saakin pwes hindi lahat.

Napatingin naman ako kay Zero na nakikipag laban din. Ngumiti ako sakaniya ng napatingin siya saakin at ganun din siya.

"Mag iingat ka" bulong ko ng bumalik na siya sa pakikipag laban .

Inilibot ko pa ang paningin ko at nakita ko silang nakikipag laban at mukhang nahihirapan sila sa dami nito. Isa lang ang naiisip ko para matapos ito ay ang mawala si Black Shadow. Tumakbo na ako at hinanap kung asaan si BS at kung nasaan niya dinala si Zam. Ginamit ko ang kapangyarihan ko para maramdaman sila at natagpuan ko sila sa isang silid at nakita ko si Zam na nakahiga walang malay at may mga itim na usok parin na nakapalibot sakaniya.

" Ikaw at ako ngaung gabi " Napa tingin ako sa likuran ko at nakita ko si BS na perteng nakaupo sa upuan habang nakaharap kay Zam

" Pag nakuha kita makukuha ko nadin ang kapangyarihan ni Zam at magiging malakas na tayo. Ayaw mo ba nun huh Jes ?" Humarap siya saakin at tumayo at unti unting lumapit saakin.

"Kung madadamay sila hindi ko gugustuhin un " Galit na sabi ko.

"Talaga ba ? Pwes tignan nalang natin" Ngiti niya sabay sumugod saakin.

The MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon