*20 years later*
(Zamira's POV)"Haayyyyyysssstt bakit ba kasi nag aaral parin ako hanggang ngaun kahit na graduate na ako bwiset !!" Sinarado ko na ang librong binabasa ko at humiga sa higaan
Bessyyy Nasan ka na miss na kita alam mo ba un ? ilang taon na din nag daan siguro gurangers ka na
Napatawa ako sa isip ko ng maisip ko un ngunit nawala iyon ng maalala ko si kuya
"Alam mo ba bessy si Kuya ? ayun walang gabi na hindi na iyak at binabanggit ang pangalan mo ikaw kasi ehh hayyyysst"
Tok tok tok......
"Pasok "
"Zam"Napatingin ako sa pinto at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Arwin.Napatayo ako bigla at lumapit sakaniya
"Anong ginagawa mo dito sa bahay ko ? " Nag kibit balikat siya at tyaka humiga sa kama ko
"Namiss kita eh kaya naisipan kong dalawin ka "
Napangisi ako at lumapit sakaniya
"Mag kasama lang tayo kahapon ahh miss mo agad ako ? don't me gusto mo lang ako asarin"Umupo ako sa tabi niya at tinignan siyang nakapikit
"Hindi muna kita aasarin ngaun gusto lang kitang makasama " Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito
"Ah g-ganun ba?k-kamusta naman kayo ng kababata mo huh kala ko ba siya kasama mo ngaun ?"Sabi ko sabay iwas ng tingin sakaniya dahil baka makita niyang namumula na ang mga pisngi ko
"Umalis sila ni tita nag grocery"
"Ahh"Napaatras ako ng biglang umupo si Arwin sa pag kakahiga at inilapit ang mukha niya sa mukha ko
"A-anong ginagawa mo ?"Shit nauutal na talaga ako
"Ikaw,umamin ka nga 2 weeks mo na akong iniiwasan simula ng dumating si kat....(smirk) nag seselos ka ba ?" sabi niya sabay taas baba ng kilay..
Napatulala ako saglit dahil hindi ko alam ang isasagot ko hanggang sa tinulak ko siya
"Ano ka ba ! buang selos ka jan ako ? mag seselos ? tsk mukha mo ang pangit mo para pag selosan no di ka gwapo kaya wag kang feelingero "Pag katapos ko sabihin un ay tumayo na ako para umalis sa harapan niya habang siya naman ay tawa ng tawa
Tsk pasalamat siya tao lang siya kung hindi napatay ko na yan hayyysss jinja ano din ba problema ng puso ko bigla bigla nalang din nakabog........
(Miracle's POV.)
"Anak mag iingat ka papuntang school ah if you need some help just call us"
Ngumiti ako kay mommy tyaka piningot ang ilong niya
"Opo and don't worry mom kasama ko naman sila Trevor ,Travis,at Ysabelle" Ngumiti naman siya at piningot din ang ilong ko
"O sige na pumunta ka na at baka ma late ka I love you baby "-Mommy Asher
"Di na ako baby "sabay pout ko nag kiss na ako sakaniya sabay umalis na habang papuntang school ay napatigil ako ng may maramdaman akong sumusunod saakin
Napa smirk ako at hinanda ang sarili ko ng maramdaman kong pasugod na siya ay umatras ako kaunti para hindi niya ako matamaan ng kamao niya ending? edi subsob siya sa basurahan hahaha!
"Tsk hayyss hanggang ngaun di mo parin ako matamaan "Tumayo siya sabay ngiti saakin at ginulo ang buhok ko pag ka lapit niya
"Hanggang ngaun napaka lakas parin ng pakiramdam mo "Tumawa lang ako sa sinabi niya
"Travis" Lumingon kami sa kanto at nakita namin si Trevor at Ysabelle na papalapit
Ngumiti saakin si Ysabelle sabay akbay saakin
"Tsk ano nanaman trip mo Travis?tingin mo matatalo mo si Miracle haha no dahil magaling ang nag turo jan "-Ysabelle sabay wink saakin ngumiti lang ako at napatingin kay Trevor na seryosong nakatingin lang saakin
"Tara na" Sabi ni Ysabelle sabay hila saakin
Pag dating namin sa school ay nag paalam akong mag ccr muna at susunod nalang sakanila
Pag katapos ko mag cr ay lumabas na ako at nag lakad na pabalik ng may humila saakin
"Aray!" sabi ko sabay tingin sa may humatak saakin
"Oh Trevor bakit ka andito?" Binaliwala niya ang sinabi ko at tinaas ang braso ko sabay tingin doon
"What happened " tukoy niya sa sugat ko
"Huh yan ahh ehh hahaha ano kasi ano ganto kasi un"
"Did they hurt you again ?"Napatingin ako sakaniya at napalunok ng makita ko ang mata niyang binabalot na ng maitim na aura
"Lumaban naman na ako kaya ok na hehe wag ka ng magalit please " pag mamakaawa ko.
Ilang segundo bago siya kumalma sabay gulo sa buhok ko
"Ok,pag nangyari uli yan sayo tawagan mo ako" Ngumiti naman ako sakaniya sabay tango ng ilang besses
"Ay ay Captain " Tumango lang siya sabay alis sa harapan ko
Napapout tuloy ako habang tinitignan siya
Di ko talaga alam kung mabait siya saakin oh suplado ehh tsk .Tumingin ako sa orasan at nagulat sa nakita ko
"Hala late na ako!!" sabay takbo papuntang Room
BINABASA MO ANG
The Mate
FantasíaThere was a girl named Jessica who lived in a simple life....until she met zero.....ang lalaking mag iiba ng simpleng buhay sa isang delikadong situation kung Saan pati ang buhay niya ay madadamay Mananatili pa kaya siya sa tabi ng lalaking mag dad...