(Chapter 14 )

1K 35 1
                                    

Iminulat ko ang mata ko ng wala akong naramdamang tumama saakin

Pag mulat ko ay laking gulat ko ng si Zero agad ang nakita ko

"Z-Zero?"

"Shh"sabi niya kasabay ng pag kaubo niya ng dugo

Bigla nang laki ang mata ko ng nalaman kong siya ang natamaan ng bala at hindi ako

"Zero may tama ka,bakit ka humarang saakin hindi dapat mangyayari sayo yan kung hindi mo sinalo ang bala para saakin" mangiyakngiyak na sabi ko kay Zero

Tumingin ako sa lalaki at nakita kong naka bulakta na siya sa sahig at walang malay

Napatingin muli ako kay zero at pati siya ay nawalan na rin ng malay

"Zero!!gumising ka please wag mo ako iiwan"sabi ko at hinaplos ang kaniyang pisngi

"Ano nangyari !"napatingin ako kay Ysabelle kasama ang iba pati narin si Zam

"Ano nangyari kay kuya"Mangiyak ngiyak na sabi ni Zam ng makalapit na sila

"Natamaan siya ng bala p-please d-dalhin na natin siya sa ospital "sabi ko

Agad na binuhat ni Trevor si Zero at tumingin saakin

"Hindi tayo pwede sa ospital "sabi niya

"Ano?!papatayin niyo ba siya huh anong klase kayong pinsan!!"pagalit na sabi ko hinawakan naman ako ni Zam para patahanin

"Hindi namin siya kayang pabayaan what I mean is pupunta tayo sa kaharian "

Biglang nag karoon ng mga katanungan ang isip ko

Kaharian ?

"We'll explain it to you later " Pag kasabi niya nun ay agad siyang nag laho na kinagulat ko

Hinawakan ako ni Zam at pati kami ay napadpad sa ibang lugar, lugar kung saan puro gubat

"A-Anong ibig s-sabihin nito?"sabi ko.

"Sundan mo lang kami at wag na wag kang lalayo " Hinawakan ako ni Zam sa kamay at tumingin saakin na may pag aalala at takot

Hindi nalang ako nag salita at nag pahila nalang kay Zam

Makalipas ang tatlong oras ay nakadating kami sa destinasyon namin

O.O

Totoo ba nakikita ko ?ang laki ng palasyo saan nang gagaling ang mga ito ?nananaginip ba ako ?

Pumasok na kami ng bumukas bigla ang gate,pag pasok namin ay ang dami kong nakikitang mga ibang nilalang

Hindi ko alam kung ano tawag sa mga ito meron din mga tao pero sobrang puti kung tignan mo

Mayaman ba sila sa gluta ?at tyaka infairness ahh ang galing nila gumawa ng palasyo at mga hayop na bihira lang nakikita

Mayaman siguro mga nakatira dito

"ILAGAY NIYO NA SIYA SA CLINIC"

Sabi ng babae pag kapasok namin agad naman nila pinasok si Zero sa isang kwarto at sumunod lang ako .

Inilagay na si Zero sa isang batong higaan at hinubaran ng pang taas

Naluluhang tinignan ko si Zero dahil sa sobrang pag aalala

"Please mabuhay ka" bulong ko sa sarili ko

Napatingin ako sa babae ng may inilabas siyang stick at itinuro non si Zero

"DA LE BI DA SHWE!"

Pag kasabi nun ng babae ay biglang umilaw ang stick at lumabas iyon patungo kay Zero

Lumaki ang mata ko ng untiunting natanggal ang bala sa likod niya at unti unting nawala ang sugat niya .

Napayuko ako at lumabas dahil gulong gulo na ako sa mga nangyayari

Sino sila?Ano sila ?bakit may ganitong lugar bakit may mga stick na na ilaw?

"Ayy sorry po!" Sabi ko sa babaeng naka bangga ko inangat ko ang ulo ko at nakita ang magandang babae sa harapan ko

"Ok lang ayos ka lang ba?'sabi niya

"Opo ayus lang po "ngumiti siya at nag paalam ng umalis

Sino kaya siya no muka kasing sing- idad ko lang un....

*Zamira's POV.*

"How's your brother?" Sabi ni mommy ng makarating siya dito

Tumingin si Kuya sakaniya at ngumiti

"I'm fine " Biglang lumapit si mommy sakaniya at niyakap siya

"Ikaw talagang bata ka pinag alala mo ako !"-Mommy

"Mom I said I'm fine nothing to worry about"iritang sabi ni Kuya kay mommy

"Hayyss yah I know pero pano nalang kung hindi ka naging ok huh?"-mommy

"Hayyss mahal tama na yan masyado kang paranoid malakas yang anak mo "

Sabi ni daddy,nag pout nalang si mommy sabay labas

Yiiieee ang cute ni mommy!!

"Nga pala sino ung babaeng maganda na nasa labas" biglang sabi ni mommy nung tumigil siya sa pag lalakad

"Halaa shiit si Jes pala !"gulat na sabi ko

Mamaya kung ano na mangyari sakaniya dito hayyss bwiset kasi si Trevor dinala dala pa dito

"Wait andito si Jes?" napalunok ako na tumingin sa nakakunot na noo na si Kuya

Dahan dahan ako tumango at kasabay nun ang pag hampas niya ng kamay niya sa lamesa

"F*ck what is she doing here?"

"Kami ang nag dala ng mawalan ka ng malay"-Trevor

"Kaya na sama namin siya dito "sagot ko

"Shit!!!alam na ba niya?"

"Ewan ko kuya wala pa siyang nababanggit '

"F*ck !"galit na sabi niya

"Wait wait.. sino ba kasi un anak ?"
Tanong ni mommy pati si Daddy naka tingin na kay Kuya

"Siya ang nasa chant mom she's my mate ang taong nakatakda para saakin "sabi naman ni kuya

"Kyaahhh!!really son OMG!! ganda talaga ng taste mo ahh kumuha ka pa ng kamuka---"

"Mom!!"sigaw naming dalawa ni Zero kaya hinila siya ni Dad palabas

"Where is she?"

Nag kibit balikat ako kay kuya at umalis na

Shit !late na kami sa usapan namin...


The MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon