(Chapter 32)

716 20 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka upo at nakatingin sa karagatan simula kasing iwan ako ni Zero dito ay nanghina at nawalan nadin ako ng gana pa para tumayo hindi ko alam sa mga oras na to ay pakiramdam ko ay nag iisa ako pakiramdam ko wala ng saysay ang buhay ko.Pumikit ako at dinama ang mga hangin na ngaun ay yumayakap saaking katawan.Hindi ako makapaniwala na iiwan ako ng ganito ni Zero ang buong akala ko ay hindi mawawala ang pag mamahal niya saakin nag tiwala ako na isa lamang tong pagsubok na kailangan pag daanan para saaming pag iibigan ngunit pano pa ito magiging pagsubok kung bumitaw na ang isa.Paano ko rin matatagumpayan ang mission ko kung ang tanging kinukuhaan ko ng lakas ay wala na...

Unti unti ako tumayo at lumapit sa dagat ramdam ko na ang tubig saaking mga paa ng may humawak sa aking bewang at inalis ako sa karagatang iyon..

"Are you out of your mind ?!!"

Nakayuko lang ako at hindi ko man lang maitaas ang mga mata ko sakaniya,nagulat kasi ako ng magalit siya at sigawan ako ngaun ko lang na kita na ganiyan siya kagalit...

"Tatapusin mo buhay mo tapos ano?!! "

"Tigilan nanatin ito ayoko ng sirain ang kasal nila dahil tapos na kami"Napahilamos naman ng mukha si Trevor gamit ang kamay at tumingin saakin na hindi na alam ang gagawin.

"Hindi pwede ginawa ko lahat ng ito para din sainyo,para sayo at para sa kaibigan ko! ikaw nalang ang natitirang pag asa ko pero hindi ko alam na bibiguin mo din ako! Mahalaga kayo saakin kaya ko din inutos sayo na pag hiwalayin sila"Galit na sabi niya humarap naman ako sakaniya at tumingin ng deretso pinunasan ko muna ang mga luha ko bago mag salita.

"Ayoko na nga eh!At ayaw nadin niya ano pa magagawa natin ?! Kung iniisip mo ang nararamdaman namin kaya ka nag kakaganiyan pwes salamat sa concern mo pero hindi na ako lalaban dahil bumitaw na siya pagod nadin ako!"Bigla siyang lumapit saakin at hinawakan ang mag kabilang balikat ko at inalog ito.

"Hindi mo na iintindihan Jes! It is not a simple concern"-Trevor

"Tama na !Ayoko na nga ehh bakit ba mapilit ka!!"-Ako

"Jes listen,Hindi kayo pwede mag hiwalay ni Zero hindi pwedeng matuloy ang kasal nila"-Trevor

"Bakit ng-"Ako

"Because you are his mate!"................

Nakatingin lang ako ng gulat sakaniya at hindi alam kung ano ang sasabihin.Nabigla rin kasi ako sa sinabi niya at hindi makapaniwala.Bumuntong hininga siya at binaba niya ang kaniyang kamay na nasa balikat ko papunta sa kamay ko.

"Do you remember the first time you saw him,sa janitor's locker hindi mo nakita ang kaniyang mukha pero alam mo sa sarili mo na tumibok ang puso mo ng maramdaman mong nasa tabi mo siya."

Bigla naman nag flashback ang nangyari noon na pag karinig ko sa bosses niya at pinapikit niya ako doon ko na naramdaman ang kakaiba sa puso ko...

"Naramdaman din iyon ni Zero at sa pag kakataong iyon alam niyang ikaw ang hinahanap namin.Kaya agad siyang pumunta sa bahay niyo at ipinag paalam sa nanay mo na ikaw ang itinakda kay Zero at ikaw rin ang tatapos sa kaguluhan.Kaya nag disisyon ang nanay mo na isama ka kay Zero para mapangalagaan pero bigla nag bago ang lahat ng malaman namin na hinahanap ng mga kasapi ni blackshadow ang nanay mo dahil alam nilang kasama ka nila kaya inutos ni Zero na bumalik ako para iligtas ang nanay mo.Alam ko rin na nag hinala saakin si Gino na ako ay kasapi sa kalaban alam ko na din ang pag katao mo Jes,isa kang lobo at may lahing pheonix dahil sa nanay mo at ang kapangyarihan mo ay pantay sa kapangyarihan  ni Zam kaya't kayo ang puntirya ng mga kasapi ng kalahating katauhan mo para tapusin kami,kaya ako ganito ngaun dahil pinoprotektahan ko kayo lalo ka na,hindi maaaring ipakasal si Zero sa iba dahil mamamatay ka at un ang hindi alam ni Zero."




Hapon na at lumipas na din ang dalawang araw kaya't oras na para umuwi nauna nang umuwi sila Zero dahil may pupuntahan pa daw sila Alex.Sa dalawang araw na nag daan ay napapalapit si Zero kay Alex at halos siya nalang ang pinapansin nito halata din sakaniya na masaya na siya at alam kong tinanggal na niya ako sa buhay niya....

"Ok ka lang ba ?" Tanong saakin ni Ysa tumango nalang ako at tinulungan na siyang mag ligpit.Nakita ko naman si Miracle na nasa ilalim ng puno at nag mumuni muni kaya naisipan kong puntahan siya at samahan.

"Miracle bakit ka nag iisa ?" Tanong ko sakaniya tinignan lang niya ako saglit at muling tumingin sa kawalan.

"May proble-"Hahawakan ko sana siya sa balikat ng tumayo siya at umiwas saakin kaya napatigil din ako sa pag sasalita.

"Ayos lang ako gusto ko lang mapag isa"Sabi niya at umalis na siya sa harapan ko.Ano naman nangyari sakaniya ? At galit siya?





"Gino!Tao po !"Sigaw ko sa harap ng kaniyang bahay pag  ka uwi kasi naman ay agad ako dito nag tungo para sana mag tanong kay Gino ngunit nakailang sigaw na ako at wala parin na labas sabi niya andito lang siya palagi kung kailangan ko ng tulong.Dahil sa wala namang nag bubukas ay ako na ang lumapit sa pinto at binuksan ito medyo hindi pa kita ang nasa loob dahil nakapatay ang ilaw at gabi nadin.Pumasok ako sa loob at hinanap ang buksanan ng ilaw at ng makapa ko na ito ay binuksan ko na at laking gulat ko ng makita na ang kalat ng kaniyang bahay at sira sira na ang mga kagamitan.Napahawak naman ako sa puso ko dahil sa kaba...Ano nangyari.Inilibot ko pa ang mata ko at nakita kong may mga bakas din na dugo...

"Hindi,Gino andito ka ba ?"Sigaw ko ngunit wala ng nasagot kaya dali dali akong pumunta sa kanyang silid at nakitang mas marami pang dugo ang naka kalat sa sahig kaya napaluhod nalang ako habang naka titig doon

"Hindi pwede to.Nadakip ba siya ni Blackshadow ?"Bulong ko sa sarili ko nakita ko naman ang isang papel at dilaw ito na nakapatong sa lamesa ni Gino kaya tumayo ako at kinuha iyon...

Natutuwa ka ba sa mumunti naming surpresa? Malamang oo wag ka mag alala Jessica Alexis Tuazon dahil hindi naman namin siya pinatay tyaka na pag andito ka na para naman makita mo kung paano siya mamatay,pwede naman din hindi kung sasapi ka saamin at hahayaan mong maging isa tayo muli..Dalawang araw lang ang bibigay ko sayo para mapag isip ahhh isa pa pala hindi lang ikaw mag isa ang pupunta kundi kayong dalawa ng matalik mong kaibigan si Zamira.

Nag mamahal ,

Black shadow •






The MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon