(Chapter 37)

772 20 0
                                    

Sobrang ganda ng tulog ko feeling ko ang gaan gaan ng pakiramdam ko at pag babasihan ang mga tulog ko sa mga nakaraang buhay ko ito na ata ang pinaka masarap.Gumalaw ako sa pag kakahiga ko at tumagilid habang nakapikit at siguro nakangiti rin ako.Ang ganda kasi ng panaginip ko. Zero and I--ayiiieee we make love daw ?

"Good morning love." Napadilat ako bigla at napaatras dahil sa lapit ng mukha saakin ni Zero--wait OMG!! Its not a dream its not a dre-

"Yes my love ,this is not a dream." Pag babasag niya sa iniisip ko kaya napatingin ako sa katawan kong nababalot sa kumot at muling tumingin kay Zero na ngaun ay ang lapad na ng ngiti .Lumapit siya saakin at hinalikan ang noo.

"Bumangon ka na,breakfast is ready "  Nakangiti niyang sabi sabay tayo sa kama...Nakahinga naman ako ng maluwag ng may boxer na siyang suot.Nako pag wala baka ano pa gawin ko sakaniya- Aiiisst bwiset wag kang mag isip ng greeny Jes.Bumangon na ako sa pag kakahiga at nag ayos ng sarili bago sumunod sa kusina at nakitang may mga nakahanda na sa lamesa at sa naamoy ko mukhang pagkain to sa mundo ng mga tao means di ako masasabayan ni Zero sa pag kain..

"Ok lang naman saakin kung mga pagkain niyo ang kakainin natin Zero para masabayan kita" ngumiti naman siya saakin at inalalayan na ako makaupo sa upuan.

"ok lang ako love busog na ako pag busog ka" Napangiti naman ako sa sinbi niya at nag simula na kumain.

"Iiwan mo talaga ako ?" Tanong ko kay Zero habang nag lalakad kami pauwi sa palasyo.Napatigil ako sa pag lalakad ng bigla siya humarap saakin ako naman ay nag cross arm habang nakatingin sakaniya ng masama.

"Babalik ako dito ka muna kila Zam habang nasa Main ( Palasyo nila Lucy ) ako mabilis lang to promise"

Napabuntong hininga nalang ako at tumango kay Zero.Ano pa nga ba magagawa ko ehh sa isa siyang tagapag mana ng kaniyang magulang.Bumuntong hininga si Zero at niyakap ako.

"It will be quit Jes, I know you'll miss me and the feeling is mutual" Nakangiting sabi niya sabay halik saakin.

"Basta bago mag dilim andito ka na "Sabi ko na ikinatango niya bago umalis sa harapan ko.Sinundan ko lang ang likod niya hanggang sa maglaho ito sa aking paningin

"Be back Zero dahil iba ang kutob ko ngaun" bulong ko bago pumasok sa loob.

_________

"Haaayyy!!! Kaboring. Nakakainis naman bakit mga lalaki lang ung pinatawag tapos tayong mga babae hindi." Reklamo ni Zam habang nakahiga sa sofa.Ung pag kakahiga niya ay ung paa naka taas sa sandalan ng upuan gets niyo ? Ganiyan siya ma bord.

"Ehh malay mo man to man talk ?" Sabat naman ni Miracle habang naka angel sit sa sahig na carpet.

"Duh! Miracle ? Wake up andoon kaya ang reyna si Tita lucy tss" Sabi naman ni Ysa na ngaun ay nasa lamesa katabi ko at umiinom ng dugo. Hindi ko nalang sila pinansin at nanatiling nakatulala sa kawalan.

"Uy girl ok ka lang ? Kanina ka pa walang imek"-Ysa

"Namiss lang ni bestfriend si kuya"- Zam

Napabuntong hininga ako at humarap sakanila.Nang makita naman nila na problemado ang mukha ko ay agad sumilay ang nag aalalang mukha nila.

"Ano problema ate Jes ?" Tanong ni miracle.

"Iba kutob ko ngaun.Hindi ko alam kung bakit basta alam kong may mangyayaring hindi maganda.Kung sundan kaya natin sila ? Eh kaso ayoko din namang isipin ni Zero na wala tayong tiwala sa kanila" Malungkot na sabi ko .

Pag alis kasi ni Zero bigla nalang akong kinutuban at hindi mapakali.Sana lang maayos sila doon at sana mali tong nararamdaman ko.

"Maging panatag nalang muna tayo bes alam kong kaya nila ang sarili nila" Pag gagaan ng usapan ni Zam.

"Oo nga hayaa-----"

*Boooggsshh!!!"

Napa luhod kami bigla sa sahig ng may sumabog sa labas.

"Ano un ?"-Ysa.

Tumayo ako at pumuntang bintana para sumilip.Pag silip ko ay agad nanlaki ang mga mata ko ng makitang may mga kalaban sa labas at mukhang nasa isang daan mahigit sila.Sinara ko na ang kurtina at lumapit muli sakanila.

"Brace yourselves, we have company"

............................................

(3rd person Point of View)

Nang makarating na sila Zero sa palasyo ay agad silang nagtungo kung saan ang trono ng mga reyna.Nag bigay pugay naman sila ng makapasok na sila.

"Sundan niyo ako" Sabi ng Hari na si Blade at nag lakad patungong library.Pag pasok nila doon ay nag kaniya kaniya silang upo sa sofa at humarap sa Hari at Reyna.

"Bakit niyo kami pinatawag?" Takang tanong naman ni Arwin.

"May problema po ba tita?" Tanong  naman ni Travis.

Napabuntong hininga naman si Blade bago sila sagutin.

"My wife had a vission--" Napatigil si Blade sa pag sasalita ng hawakan siya ni Lucy sa balikat senyales na siya nalang ang mag sasalita.

"Nag karoon ako ng pangitain kagabi.   Mga bituin na nahulog sa lupa miski buan at araw."

" Just go to the point mom ? Ano ibig sabihin nun ?" Tanong ni Zero sa kaniyang ina.

Tumingin muna si Lucy kay Blade at tumango ito sakaniyang asawa kaya humarap muli si Lucy sakanila at nag salita na ikina gulat nila

"Today is war day, At sa nakita ko ay maraming masisira, mawawala at maraming dugo ang dadanak at........maraming iiyak"

Napatayo si Zero at hindi na mapigilan ang kaba.Hindi sa may laban ngaun kundi sa kaligtasan ng kaniyang mga mahal sa buhay.Ganun din ang nararamdaman ng lahat.

"Kung ganun ngaun na mag sisimula ang laban bakit samin mo lang sinabi ?" Tanong naman ni Trevor na ngaun lang nag salita.

"Dahil isa sa mga nakita ko...Ay may apat na coronang duguan  dalawa ay buo ang Ang isa ay may konting sira at ang isa naman ay basag kung sa madaling salita ang apat na princessa kasama na si Jes ay nasa panganib at isa sakanila mamamatay ang isa ay hindi sigurado kaya mas makakabuting hindi sila makakapunta sa laban."- Lucy

"Fuck! Bakit ngaun mo lang sinabi ?! Hindi natin alam kung ligtas ba sila doon o hindi kahit na sabihin na nating wala sila dito!" Galit na sabi ni Zero bago lumabas sa library ngunit pag labas niya ay agad nanlaki ang mga mata niya ng makitang nag kakagulo na sa labas.

"Wala na nauna na sila" Sabi ni Travis dahil pag kalabas ni Zero ay sumunod silang lahat at sabay sabay nila na saksihan ang pag gunaw ng kaharian.

"Tibayin niyo loob niyo mag sisimula na tayo"-Blade.

-------------------------------

(Bitin? Hahaha sorry for short update dahil sa next chapter ako babawi doon kasi ang tunay na action at madugong laban na pinag hahandaan ko na dahil gaya nga sa nakita ni lucy maraming mawawala iiyak basta maramingangyayari kaya stay put po hehehe " 

The MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon