(Chapter 30)

741 20 0
                                    

Mag hahapon na at heto ako humiwalay sakanilang masasayang samahan at piniling maglakad mag isa sa gitna ng buhangin na ang tanging maririnig mo lang ay ang ingay ng mga alon at ang hampas nang hangin.Umupo ako sa malaking bato at tumingin sa dagat.Minsan iniisip ko kung maging dagat nalang ako siguro mag kakaroon ako ng kapayapaan ngunit kahit sa dagat ay saglit ka lang mananahimik dahil minsan may gulo din na dumadating. Tama nga ang kasabihan na unfair ang mundo.At ikaw lang,Sarili mo lang o desisyon mo ang mag papabago sa magulo mong mundo ngunit ang mundong tinatapakan ko ay hindi normal gaya ng sa mga tao na Trabaho, pagibig,at mga tao lang ang haharapin mong pag subok pero dito ? Iba nasasaiyong mga kamay ang kaligtasan ng iba at kaligtasan mo.

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo "Napatingin ako sakaniya at ngumiti bago humarap muli sa dagat.

"Patabi ?" Tumango ako sakaniya at umurong kaunti para makaupo siya ng comportable sa bato.

"Alam mo ingiti mo lang yan wag ka masiyado mag pa dala sa problema tyaka na pag andiyan na "

"Pano niyo po nasabi ?"Humarap ako sakaniya at nakita kong nakangiti siyang nakatingin sa dagat bago humarap saakin.Tuwing natingin ako sakaniya naaalala ko sakaniya si Zam mag kamukhang mag kamukha sila.Di ko pa pala nasasabi sainyo na sumunod ang mga magulang ni Zero dito.

"Minsan kasi pag masiyado tayong tutok sa isang bagay nakakalimutan natin ang iba I mean ung mga importanteng bagay na dapat pag tuunan muna ng pansin ? Kasi sayang ehh sayang ang mga panahon na sana ito muna ginawa mo ng sa huli hindi ka mag sisisi na nawala ito saiyo"-Tita Lucy

Wala akong masabi tama siya kung mas iniisip ko ang ibang bagay at ang mga negative thoughts ko hindi ako mabubuhay kumbaga pag iniisip ko agad na panis ang tinapay at hindi ko muna tinikman mamamatay ako sa gutom dahil nauuna saakin ang pag ka nega ko..

Napailing at ngumiti ako dahil sa iniisip ko mali ako all this time mali lahat ng kilos at iniisip ko bakit pa ako ang tinakda kung ganito ako ka hina ?

"Tama po kayo " Ang tangin nasabi ko nalang sakaniya.

Humarap siya saakin at inayos ang buhok kong humaharang saaking mukha dahil sa hangin.Ng mailagay niya ang aking buhok sa tenga ay bumaba ang kamay niya papunta saaking pisngi at hinaplos ito...

"Tuwing tumitingin ako sa mata mo naaalala ko ang isang kaibigan na hindi sarili ang iniisip kundi ang iba"Ang ama ko ba ang tinutukoy niya? Alam ba niya na ako ang anak ng matalik niyang kaibigan ng namatay dahil sakaniya.

Tumingin naman ako sakaniyang mata at kita dito ang kalungkutan niya..

"A-Asan po siya ?"

Bigla siyang yumuko na parang nalulungkot at tumingin muli saakin ng nakangiti.

"Wala na siya pumanaw na,dahil sa kaniyang..........sakaniyang pag mamahal sa bayan". Sinungaling dahil un sayo hayyysss hindi hindi dapat ako magalit ngunit nagagalit ako siguro mawawala din naman iyon para kay Zero hindi ko kamumuhian ang kaniyang ina.

"At hindi ko akalain na mag iiwan siya ng isang bagay na uulitin ang pag sakripisyo dahil sa pag mamahal............"Nagulat ako dahil habang binabanggit niya ang mga ito ay nag iiba ang kulay ng kaniyang mata,Nawala naman ito ng humarap siya saakin na nakangiti parin.

"Pag mamahal sa bayan.Jes hindi na mauulit ang dati sisiguraduhin ko iyon"Tumayo na siya sa pag kakaupo at muling nag salita bago umalis

"Tatagan mo ang sarili mo Jes wag kang susuko alam kong hindi ka mahina "At tuluyan na siyang umalis....

"Jes anjan ka lang pala!" Tawag saakin ni Zam.

"Tara na may palarong naisip si Alex sali daw lahat tara letss"Hinila na ako ni Zam ngunit habang hinihila niya ako ay tumingin muli ako sa aking likod at wala na siya doon..

The MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon