Matt's POV
"Ang tagal naman ni Kath." Sabi ko sa sarili ko. Nakaupo ako malapit sa main gate habang nag- prapractice ng sasabihin ko kay Kath para sa Valentine Ball. Pagkalipas ng limang minuto. Nag-bukas ang gate. Nakita ko si Kath na kasama ang isang varsity player. Si Zian. Nagkatinginan kami ni Kath at ngumiti siya sakin. Habang papalapit sila nang papalapit ni Zian mas lalo akong kinabahan.
"O, Kath, ang tagal mo naman. Saan ka ba galing?" Tanong ko.
"Matt, si Zian nga pala. Zian si Matt nga pala." Pagpapakilala niya. Nakipagkamay si Zian. Kaya wala akong magawa kundi makipag- kamayan rin. "Sige Kath, mauna na ako." Pagpapaalam niya.
"Sige! Thank you ulit." Pagpapasalamat ni Kath.
"Sino 'yon?" Tanong ko
"Ahh.. Si Zian. Date ko sa Valentine ball." Sagot ni Kath. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Para bang magugunaw na ang mundo ko. Sayang! Ba't ba kasi ang bagal ko?? Pero 'di ko rin naman siya masisisi kung 'yon ang desisyon niya. Ewan. "Nakapag- review ka ba?" Tanong ko. "Hindi eh. Nakatulog ako kagabi habang nag-cecellphone . Paliwanag niyaKath's POV
"Matt, pwede mo ba akong i-review? Please?" Tanong ko.
"Sige na nga." Sagot niya. Niyakap ko siya sa sobrang pasasalamat at tuwa.
Nag-review kami hanggang sa mag-ring ang bell na ibig sabihin ay magsisimula na ang klase ng lahat. Kaya dapat ay agad kang makapasok sa room niyo. Kundi -5 direct to the grade ang parusa mo. Kaya if I we're you, bago pa mag-ring ang bell dapat nakapasok ka na sa classroom niyo.Zian's POV
"Hey bro! So, sino yung kasama mo kanina nung pumasok ka? Hahaha. Crush mo? Asa ka pa. Mag kasama siyang iba kanina. Niyakap niya pa nga eh. Hahahaha akala ko ba heartthrob ka?" Nang-aasar na sabi ni Kian. Si Kian pala ay kaibigan slash teammate ko sa basketball. Heartthrob din siya kaso mas gwapo ako. Dahil sa narinig ko, parang nawalan ako ng pag-asa kay Kath. Pero she's not mine. So pwede niyang gawin kung anong gusto niya. Pati sa boyfriend niyang si Matt. Ewan ko ba kung anong nagustuhan ni Kath doon sa lalaking 'yon. Nerd pero medyo gwapo naman. "Okay! Okay! Boys! Get ready we'll start in 10 minutes." Sabi ni coach na para bang atat na atat sa championship.
YOU ARE READING
Friends? No. Lovers
RomancePaano kung may Kaibigan na tanggap ka, ipaglalaban ka, at lihim kang minamahal at lihim mong minamahal pero tinatanggi mo sa sarili mo. O, ang matagal mo nang gusto. Pero, ramdam mo na mahal ka nga, wala namang oras.