Chapter 10

4 1 0
                                    

Matt's POV

"Oo. Gustong-gusto. Bakit?"-Zian

Para akong binuhusan ng 10 balde ng malamig na tubig sa narinig ko.

"Ano? Gusto mo siya?"- Matt
"Oo nga! Kasasabi ko lang." -Zian
"Hindi mo siya pwedeng mahalin! Mahal ko siya!" -Matt
"Ano?!"-Zian
"A...E... Hindi! Sabi ko, sino si Chrizandra?"-Matt
"Wala 'yun! Fan ko lang siya."-Zian
"Siguraduhin mo lang! Kundi makakatikim ka!"-Matt
"Weh?!"-Zian

Sinuntok ko siya nang malakas sa tiyan.

"Aray! Ano ba?!"-Zian
"Bakla ka pala e! Hahahah! Sasabihin ko nga kay Kath!"-Matt
"Uy! Wag! Syempre masakit! Anong gusto mo? Tumawa ako?" -Zian
"Seryosohin mo yung kaibigan ko! Kundi, hindi lang 'yan ang aabutin mo!"-Matt
"Oo!"-Zian
"Nagagalit ka? Baka naman kulang pa 'yang inabot mo?"-Matt
"Hindi... Hindi....."-Zian
"Sige! Mauna na ako!" -Matt

Ewan ko ba kung anong mararamdaman ko. Kung magagalit ba ako o matutuwa. Basta..... Sa sobrang pag-iisip ko ng malalim, may nabangga akong magandang babae.

"Sorry. " Pagpapaumanhin ko.
"Mukhang malalim ata 'yang iniisip mo ah?" Pagtatanong niya sa mala-anghel niyang boses.

Ito na ata ang true love ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta ang bilis lang nang pagtibok ng puso ko.

"A.... Wala....." Nauutal kong pagsagot
"Ahh.... Okay. Sabi mo e." Natatawa niyang sinabi
"Ako nga pala si Matt. Ikaw anong pangalan mo?"

Inabot ko ang kamay ko.

"Ako naman si Alexandra. Alex for short."

Inabot niya ang kamay niya nang may malaking ngiti. Yung ngiti niya parang nakakaganda ng araw.

"Mauna na ako." Pagpapaalam niya
"Sige. Bye!" Pagpapaalam ko rin

Pagka-alis niya, tumalon ako at sumayaw ng biglang

"Matt?"

Lumingon ako at nakita ko si Alexandra. Shocks! Napahiya ako.

"Yes?"
"Nakuha ko itong ballpen mo."
"A... Oo akin 'yan. Thanks."
"Ano palang ginagawa mo kanina? Hahahaha! Magaling ka palang sumayaw?"
"Wala..."
"Ah... Wala pala 'yon? Gusto ko sanang ikaw partner ko e. Kaso sabi mo wala lang."
"Joke lang. Haha! Syempre gusto rin kitang maging partner."

Nasabi ko ang mga salitang iyan ng hindi inaasahan.

Friends? No. LoversWhere stories live. Discover now