Kath's POV
Tinuro muna lahat ng steps saamin. Medyo madali lang rin naman kaya nasundan kaagad namin.
Habang sumasayaw, tinanong ako ni Zian. "Boyfriend mo ba si Matt?" Hindi ko alam kung bakit ang akward ng mga tanong niya. Di naman kami masyadong close. "Parang ang akward at ang bilis naman ata ng taong mo. " Sagot ko. "Hahahaha! Sorry. Pero seryoso, boyfriend mo ba siya?" Tinanong niya ulit. "Hindi 'no! Best friends lang kami. At isa pa wala akong balak mag- boyfriend. Tatapusin ko muna itong college ko bago ako magkaroon ng boyfriend. Teka, bakit mo ba itinatanong?" Tanong ko. "Wala lang. Diba friends na tayo? Kaya gusto ko lang maging- close." Paliwanag niya. "Pwede ba tayong mag- lunch? Tayong dalawa lang?" Tanong niya.
"Sige! Sasabihin ko lang kay Matt." Sagot ko. Wow! Bongga! Feeling close ka! Porket tinulungan mo lang akong tumayo kanina? Wow ha!
"Libre ko na. " nakangiti niyang sinabi. "Okay. Pero wait, bakit ba ang bait mo saakin?" Tanong ko.*MAKALIPAS ANG ISANG ORAS*
"Students, you may now have your lunch." Nakangiting sinabi ni Ma'am Torres.
"Kath, saan tayo----" tanong ni Matt pero 'di niya na naituloy.
"Matt, sabay na kami ni Zian mag-lunch. Kung ano man ang sasabihin mo mamaya nalang ha? Sige bye!" Pag papaalam ko kay Matt na mukhang nalungkot.Pumunta kami ni Zian sa isang fast food na malapit sa school.
Zian's POV
Masaya ako dahil sabay kaming nag- lunch ni Kath. Kaya lang parang nawalan ako ng pag-asa kasi sabi niya wala pa siyang balak magkaroon ng boyfriend. Pero willing to wait ako. Medyo masaya ako kasi naunahan ko si Matt na mag-sabing sabay kaming kumain.
"Kath, pwede ko bang makuha yung number mo?" Tanong ko.
"Bakit? Para saan?" Sagot niya.
"Wala lang. " Palusot ko.
" Sige na nga. 09*********.
"Sige. Thank you."

YOU ARE READING
Friends? No. Lovers
RomancePaano kung may Kaibigan na tanggap ka, ipaglalaban ka, at lihim kang minamahal at lihim mong minamahal pero tinatanggi mo sa sarili mo. O, ang matagal mo nang gusto. Pero, ramdam mo na mahal ka nga, wala namang oras.