Matt's POV
Kring..... Kring......... Kath calling......
"Ah.. Excuse lang ha."
*Matt and Kath's Conversation*
"Hi! Ba't ka pala tumawag?"
-Matt
"Wala. Ako nga dapat ang magtanong niyan sa'yo e. Bakit ka tumawag kanina?"
-Kath
"Wala. Itatanong ko lang sana sa'yo kung bakit hindi ka pumasok."
-Matt
"Wala. Late lang akong nagising kaya hindi na ako pumasok."
-Kath
"A.... Okay. Sige bye!"
-MattCall ended.......
*End of conversation*
"Sure ka ba? Ako gusto mong maging partner?" Tanong ko
"Oo nga. Bakit? Ayaw mo?" Sagot niya
"Hindi ah! Nagtataka lang ako. Kasi sa dinami dami ng lalaki dito ako pa ang napili mo." Sabi ko
"Bakit? Wala namang mali sayo ah?" Sabi niya
"Thanks." Pagpapasalamat ko
"Walang anuman. Hahaha" sabi niya
"Gusto mo bang mag-meryenda? Libre ko." Pag-aya ko
"A.. Sige lang." Sagot niya
"Anong sige lang? Sige na oo o sige lang na hindi?" Tanong koNgumiti lang siya.
"Tara na!"
Hinila ko siya ng dahan-dahan.
"Ate, isang C2 at V-cut nga po. Ikaw Alex?" Tanong ko
"A... V-cut at C2 na rin po." Sagot niyaNaghanap kami ng mauupuan na maayos. Kasi halos lahat ng mga studyante dito naglalandian. Kung hindi naglalandian, tsismisan. Kung hindi naman tsismisan, sigawan. Kaya mas mabuting lumayo ka nalang.
Nang umupo na kami,
"Ano nga palang whole name mo?"
-Matt
"Alexandra Mendrez. Ikaw? Anong whole name mo?"
-Alexandra
"Matt Fernandez."
-Matt
"Anong course mo?"
-Alexandra
"Medicine. Ikaw?"
-Matt
"Medicine rin."
-Alexandra
"Bakit parang ngayon lang kita nakita?"
-Matt
"Hindi kasi ako pala- labas ng classroom."
-Alexandra
"May boyfriend ka na?"
-Matt
"Bakit?"
-Alexandra
"Wala lang. Para alam ko. Kasi baka may nag-seselos na pala."
-Matt
"Ahh.... Wala pa."
-Alexandra
"What?! Sa ganda mong 'yan? Siguro sadyang torpe at bulag lang ang mga lalaki."
-Matt
"Ikaw? May girlfriend ka na?"
-Alexandra
"Wala pa e."
-Matt
"Edi torpe ka rin pala?"
-Alexandra
"Hahaha! Grabe ka naman."
-Matt
"Hindi. Ganto kasi 'yon, yung best friend ko, si Kath, gusto ko siya. E may iba siyang gusto. Kaya nagparaya nalang ako. Luckily, may nakita akong babae na sigurado akong mamahalin ako at mamahalin ko pabalik."
-Matt
"Sino yung babaeng 'yon?"
-Alexandra
YOU ARE READING
Friends? No. Lovers
RomancePaano kung may Kaibigan na tanggap ka, ipaglalaban ka, at lihim kang minamahal at lihim mong minamahal pero tinatanggi mo sa sarili mo. O, ang matagal mo nang gusto. Pero, ramdam mo na mahal ka nga, wala namang oras.