Chapter 13

4 0 0
                                        

Kath's POV

Ewan ko kung bakit magkasama yung dalawang 'yon. At sabay pa talaga silang nag-uusap ha? Ahh... Basta.

Buzz.......

1 new message......

Binuksan ko agad ang message. Inasahan kong si Zian 'yon or si Matt. Pero si Alexandra pala.

"Kath, kilala mo ba yung bagong gusto ni Matt?"

Wala akong maalalang Alexandra. Kaya di agad ako nag-reply. Nag-isip ako kung sino si Alexandra. At naalala ko na kung sino si Alexandra. Siya pala yung kabarkada ni Phoebe. Ang dami kasing Alexandra dito sa phone ko e.

"Alexandra"
"Alexandra 2"
"Alexandra 3"
"Alexandra. Gf ni Tyler"

Natawa ako kasi naalala ko si Tyler at Alexandra. Natawa rin ako kasi ngayon ko nalang ulit nakita yung mga pangalan ng contacts ko. Balita ko hiwalay na si Tyler at Alexandra. Hahaha! Kaya pinalitan ko yung name ni Alexandra ng, Alexandra KB Phoebe.

Buzz......

1 new message......

Bago ko pa man tuluyang mabasa ang unang message may pangalawa na kaagad.

Buzz......

2 new messages......

Una kong binasa yung message ni Zian.

"Hi! Bakit di ka pumasok kanina? Wala tuloy akong kasabay😊."

Agad naman akong nag-reply.

"Nalate kasi akong nagising. Ikaw kasi e. Text ka nang text."

Mag tatatlong segundo pa lang ay nag-reply na agad siya.

"Grabe siya oh?"

Nag-reply ako at sinabi kong,

"Hahaha! Joke lang toh naman. Buti ikaw nakagising ka ng maaga?"

Nag- reply siya,

"Syempre! May inspiration ako e."

Hindi ko na binasa ang isang message. Kaya agad akong nakareply sakanya ng,

"Wow naman! Sino ba yang inspiration mo?"

Nag-reply siya,

"Sikretong malupet!"

"Sige. It's okay."

Hindi na siya nag-reply kaya Binasa ko ang isang message at galing ito kay mama.

"Nak, bumili ka nga ng condensed milk sa store. Kunin mo yung pambili dun sa wallet ko. Nakapatong sa lamesa."

Nakaramdam ako ng gutom kaya nag-reply ako kay mama.

"Ma, pwede akong bumili? Libre mo ah?"

Nag-reply siya at sinabing,

"Sige. Bilisan mo."

Kumuha ako ng P100.00

Agad kong binuksan ang pinto at naglakad papunta sa gate. Binuksan ko ang gate nang biglang may lalaking nakatayo sa harap ng gate namin. At sinabing,

Friends? No. LoversWhere stories live. Discover now