Kath's POV
Pagka-uwi ko sa bahay, milyong- milyong sermon ang natanggap ko mula kay mama. "Saan ka nagpunta? Gabi na. Alam mo ba 'yon? Panganib ngayon!" Ayan na nanaman ang armalite na bibig ni mama. Kaya kunwari nakikinig ako. Pero ang totoo, pasok dito labas doon.
9:30 PM na. Kaya, pumasok na ako sa kwarto ko at nag- cellphone. Nakita ko ang:
2 Missed calls
4 unread messagesParehas ang number ng tumawag at ang nag-text ng apat na messages. Nagtaka ako kung sino 'yon kasi 'di naman ako nag-bibigay ng number ko kung kani-kanino.
Binuksan ko ang unang text message.
At nakasulat ang:
"Serial killer ako! Papatayin kita!"
Natakot ako sa nabasa ko. Pero binalewala ko nalang. Kaya binasa ko na ang susunod na message."Hahahah! Joke lang!" Nakahinha ako nang maluwag nang malaman kong joke lang pala.
Ikatlong message:
"Zian 'to. Sorry hahahaha!"Ikaapat na message:
"Uy Kath! Joke lang!"Nagpreply ako kaagad.
"Sorry. Kakabasa ko lang ng text mo." Reply ko.
Wala pang isang minuto nag-reply na agad siya.
"A... Okay. Busy ka ba? Baka nakakaistorbo ako. "Tanong niya.
"Hindi naman. " reply ko.
"Anong ginagawa mo ngayon?" Tanong niya."Wala. Nag-cecellphone habang nakahiga. Ikaw?" -Kath
"Nanonood habang tinetext ka."
- Zian
"Ok." - Kath
"Sabay ulit tayong pumasok bukas?" -Zian
" 'wag na. Baka may magselos nanaman. Hahaha!" -Kath
"Sino? Si Matt? Yung best friend mo?" -Zian
"Hindi ah. Hindi naman 'yun seloso at wala siyang gusto saakin." -Kath
"Ha? Edi sino nga?" -Zian
"Edi sino pa ba? Yung girlfriend mo. Si Chrizandra . Hahahah." -Kath
"Hindi ko siya girlfriend. Fan ko lang siya."-ZianNagkwentuhan kami hanggang 12 midnight. Kaya kinabukasan, hindi ako nakapasok dala na rin ng sakit ng ulo at antok. Nagising ako ng mga 11:30 AM siguro.
YOU ARE READING
Friends? No. Lovers
RomancePaano kung may Kaibigan na tanggap ka, ipaglalaban ka, at lihim kang minamahal at lihim mong minamahal pero tinatanggi mo sa sarili mo. O, ang matagal mo nang gusto. Pero, ramdam mo na mahal ka nga, wala namang oras.