Chapter 4

19 2 0
                                    

Kath's POV

"Are you ready for your English quiz?" Tanong ni Ma'am Salazar.
"Yes ma'am!" Sagot ng lahat maliban saakin. Ewan ko ba. Nireview naman ako ni Matt pero parang kulang. Hay! Basta think possitive.

*MAKALIPAS ANG 30 MINUTES*

"Exchange papers. Finished or not finished." Utos ni Ma'am Salazar. Buti nalang si Matt ang seat mate ko. Kasi kung iba, parang matatakot ka kasi baka pagtawanan yung grade mo. Lalo na over 100 pa lagi magpa- quiz si Ma'am.

*Natapos na silang mag-check ng papers*

"Pass all the papers in the count of 10. Late papers won't be accepted." Sabi ni Ma'am. Ang tindi rin talaga ng ugali niya 'no?

"Okay. I'll announce your scores.
Ramirez, Matt - 91
Medina, Clinton- 86
Arcilla, Joshua - 90
Raymundo, Jeff- 67
.............
Gonzales, Maxine -78
De la Cruz, Aika -89
Fernandez, Mitch- 97
.........
Cruz, Kathleen- 94
So, sa mga 90 and below, maghanda na kayo sa mga line of 7 niyong grade. " Tuwang-tuwa kami ni Matt. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkaroon ng mataas na grade. Pero sa pagkakaalam ko, proud ako sa sarili ko at sobrang thankful ako dahil nagkaroon ako ng best friend na sobrang mabait at matalino.
"Goodbye class, get ready for your next subject." Pag-papaalam ni Ma'am Salazar.
May biglang sumigaw ng, "Malapit na si Sir Pangilinan!" Sigaw ni Mitch. Kaya lahat kami ay tumayo ng tuwid at hinintay siyang makapasok sa classroom . "Good morning class. "
Pag bati ni Sir. "Good morning Sir." Pag bati namin pabalik. "Okay class. You may now take---." Hindi na nai- tuloy ni Sir ang sasabihin niya dahil sa isang estudyanteng kumatok sa pinto ng classroom namin. "Good morning Sir. Pinapatawag po lahat ng estudyante ng building na ito dahil mag- prapractice daw po kami ng sayaw para sa Valentine ball." Natuwa ako dahil makakansela ang aming quiz sa Math at dahil makakasama ko si Zian.

Friends? No. LoversWhere stories live. Discover now