Chapter 6

12 1 0
                                    

Kath's POV

"Zian, tara na. Baka malate pa tayo sa next subject natin. Baka magkaroon pa tayo ng -5 sa grade natin." Pag- aya ko sakanya.
"Sige." Sagot niya.
Hinatid niya ako sa mismong classroom namin. Pagkapasok ko, nakita ko si Matt na nagbabasa ng Science book.
"Matt! Kumain ka na?" Tanong ko. Pero parang wala siyang naririnig.
"Matt! Huy! " inagaw ko ang librong hawak niya at tinignan niya ako ng masama. Kaya binalik ko kaagad ito sa kanyang mga kamay. "Matt, kung dahil 'to sa lunch namin ni Zian, sorry. 'Di bale sa susunod sasabihin ko na isama ka." Sabi ko
" 'wag na. Hindi lang kita pinansin kasi nagbabasa ako. Remember? Meron tayong quiz sa Science? Susunod na subject na natin 'yon." Sabi ni Matt. Naalala ko, hindi pala ako nakapag-review. "Pwede mo ba akong tulunga--"

Kring..... Kring.... Kring....

Pagkatapos naming marinig ang bell, lahat kami ay nagsi- upo at tumahimik. Nang biglang pumasok si Mitch na hinihingal. "Guys, baba na daw tayo. Magpra-practice tayo. Paki bilisan ang galaw niyo." Sa narinig ko, natuwa ako dahil nakansela ulit ang aming quiz. At sa tingin ko buong week ay mag-prapractice lang kami. Bumaba kami at hinintay si Ma'am Torres na bumaba. Dumating siya at inayos naman ang formation at ang entrance at exit namin. Nagpractice kami hanggang mag- 5:30 PM

"Okay. You may now go back to your classrooms quietly." Nakangiting sinabi ni Ma'am Torres.

Bumalik ako sa classroom at dali dali kong kinuha ang bag ko. Bago pa man ako tuluyang makalabas. Nakita ko si Zian na nag- aantay Sa corridor. "Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko. "Sabay na tayong umuwi tutal, neighbors naman tayo diba?" Sabi niya. "Hindi na. Okay lang. May pupuntahan pa ako." Tanggi ko.

Friends? No. LoversWhere stories live. Discover now