"Si.....Secret."
-Matt
"Ahh okay!"
-AlexandraHahahaha! Ang tanga ko! Pero okay lang. Kasi hindi naman lahat pwedeng bigla-biglain. Kahit gusto ko mang sabihin sakanya. NAKAKAHIYA. Pero ang ganda niya, mabait, at hindi maarte.
"Kayo na ba nung babaeng gusto mo?"
-Alexandra
"Hindi pa e. Ikaw? May gusto ka ba?
-Matt
"Oo. Pero mukhang malabo na magustuhan niya ako. May gusto siyang iba na alam kong hindi naman ako."
-AlexandraSayang! Ako sana... Pero let's still stay positive.😁
Alexandra's POV
Sino kaya yung gusto mo? Sana ako nalang....😐 Hahahaha!
"Sige Matt. Mauna na ako."
Ayaw ko pang umalis kaso kung hindi pa ako aalis, baka mas lalo lang akong mahulog sakanya.
"Teka teka. Anong number mo?"
-Matt
"Bakit?"
-Alexandra
"Wala. Gusto lang kitang makausap."
-MattWala akong magawa kung hindi ibigay ang number ko. Hindi ko alam kung sinasadya ni tadhana na paglapitin kami o baka talagang mangyayari. Hay nako.
Noted: iwasan mong mahulog.
Nilabas ko ang cellphone ko at pumunta sa contacts.
"09*********. Sige mauna na ako."
-AlexandraTinulak ko ang pinto ng canteen. Ewan ko ba kung bakit ang bigat o baka nawalan lang ako ng energy dahil sa nalaman ko. Pero kahit gaano pa ito kabigat, nagawa ko paring lumabas sa canteen. Pagka-labas ko, bumungad saakin ang mga malalanding babae. Ang ikli ng palda nila. Halos makita na pati ang kanilang shorts. Ewan ko nga kung may shorts pa silang suot e.
Habang naglalakad, nilabas ko ang cellphone ko at sinaksak ko ang head set ko. Pinindot ko ang "shuffle"
Sakto sakto namang nag-play ang
"How Will I Know" by Sam SmithBwiset! Mas lalo akong nalulungkot.
Buzz......
1 New Message
Inasahan kong si Matt. Kaso pagka-pindot ko, sabi
"Dahil sa pagload mo kahapon, heto na ang iyong FREE Joke: Pangit man ako sa iyong paningin. Paki-check yung Boyfriend mo kasi sa akin nakatingin."
Natawa ako sa nabasa ko. Nang biglang nag-ring ang bell. Kaya binilisan kong maglakad.
*Nakarating na si Alexandra Sa Classroom nila*
Habang naglelecture si Ma'am Salazar, nakatingin lang ako sa labas at nag-iisip. Ewan ko. Hindi naman ako ganito dati.
Nag- isip-isip lang ako hanggang matapos lahat ng subjects namin.
YOU ARE READING
Friends? No. Lovers
RomantizmPaano kung may Kaibigan na tanggap ka, ipaglalaban ka, at lihim kang minamahal at lihim mong minamahal pero tinatanggi mo sa sarili mo. O, ang matagal mo nang gusto. Pero, ramdam mo na mahal ka nga, wala namang oras.