Chapter 7

9 1 0
                                    

Kath's POV

"A.. Ganon ba? Sige. " sabi niya. Yes! Nakatakas ako!! Wooh! Nang umalis siya, sakto sakto dumating rin si Matt na may kasamang babae na mukhang maarte at mayaman. Nang papalapit na sila, tumaas ang kilay ng babae at sinabing, "Layuan mo si Zian or else may mangyayari sa'yo." Masungit niyang sinabi. "Wala akong gusto sakanya. At isa pa, who are you to talk to me that way?" Masungit kong sinabi. "I'm Chrizandra by the way." Pagpapakilala niya. "I don't care about your name." Nakataas ang isang kilay ko habang sinasabi ko ang mga salitang 'yan. Nasaktan ata siya sa mga sinabi ko kaya nag- walk out siya. "Hindi mo ba alam? Na ang tatay niya ang dean ng iskwelahang ito?" Tanong ni Matt. "Hindi ko alam at wala akong pake. Basta alam kong nasa tama ako, hindi ko hahayaang may taong tumapak sa pagkatao ko. Kaya hanggat maari, ipaglalaban ko ang sarili ko." Masungit kong sagot. "Okay. Oo nga, ba't 'di ka pa umuuwi? Hindi ka ba ihahatid ni Zian? Tanong ni Matt na mukhang nag-aalala. "Hindi. Ayoko ngang mag-pahatid dun. Feeling close. Pero in fairness gwapo siya. " Pagtatapat ko kay Matt. "Hay nako! 'Wag kang ma- in love sa mga Varsity players. Sasaktan ka lang ng mga 'yan. Sabi ni Matt. "Hahaha! Pano mo naman nalaman?" Tanong ko. "Nagkaroon ako ng girlfriend noong high school. Yung kaibigan niya, boyfriend ang isang basketball player. Ayun! Iyak nang iyak. Halos parang everyday pag pumapasok siya, singkit yung mga mata niya. Kwento ni Matt. "Wow! Nagka-girlfriend ka pala?" Tanong ko. "Oo naman! Ang gwapo ko kaya!" Pagmamayabang niya. Ang kapal din naman niya 'no? Pero seryoso, may itsura naman siya e. Di niya lang pinapakita actually may gusto nga ako sakanya e. Pero, mga siguro 06% lang. Kasi 'di ako pwedeng ma-inlove sa best friend ko. "Oo nga e! GWAPO MO!" Sarkastiko kong sagot. "Oo nga pala, may partner ka na sa Valentine ball? " tanong ko. "Oo si Andrea. Sagot niya.

Phoebe calling........

Agad kong sinagot ang cellphone ko. "Hello Phoebe! Napatawag ka?" Tanong ko.
"Kath! Nasan ka na?" Tanong niya.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko.
"Kailangan na nating matapos ang ating group work. Lahat na kami nandito!" Sabi niya.
"Sige, papunta na ako diyan." Sagot ko.

Call ended....

"Matt, mauna na ako. May pupuntahan pa pala ako." Pag-papaalam ko. Malapit lang naman ang bahay ko sa bahay nila kaya okay lang.

*Sa wakas ay nakarating na rin si Kath sa bahay nila Phoebe*

*MAKALIPAS ANG 3 ORAS*

"Sige. Mauna na ako ha? May assignments pa kasi akong kailangan matapos e." Sabi ko.

Friends? No. LoversWhere stories live. Discover now