Chapter 2

23 3 0
                                    

Kath's POV

Tooot....Tooot.....Tooot...
"Ano ba 'yan ang aga- aga. Inaantok pa ako." Naiinis kong sinabi sa sarili ko. Napatingin ako sa kalendaryo ko at nakasulat
-Monday: English, Science, Math quizzes-
Napaluha ako nang kaunti sa nakita ko. At dahil sa sobrang takot ko na bumagsak sa mga major subjects, binilisan kong maligo, kumain, at mag toothbrush. Dali dali ko ring kinuha ang aking mga libro. Pagkalabas ko nang pinto, may itim na pusang dumaan sa aking harapan. 'Di ko nalang pinansin kasi sabi ng iba "Pag naniniwala ka sa malas, mamalasin ka talaga." Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep, hinanap ko ang coin purse ko. Kapa ako nang kapa sa bulsa ko at hanap ako nang hanap sa bag ko wala pala. Saktong sakto, dumating ang jeep. Pero wala e. Kailangan kong bumalik sa bahay at kunin ang coin purse ko. Okay lang kasi medyo maaga pa naman kaya 'di ako nagmadaling naglakad. Bigla kong naalala traffic pala sa mga ganitong oras. Kaya tumakbo ako. At dahil sa pagmamadali ko, nadapa ako. Napatingin ako sa harap ko, at may lalaking matangkad, gwapo, at maputi. Inabot niya ang kamay niya saakin, at tinulungan niya akong makatayo sa pagkakabagsak ko. At nakipagkilala siya saakin. "Ako nga pala si Zian." Nakangiti niyang sinabi. "Ako naman si Kath." Pagpapakilala ko. "Sige. Mauna na ako." Pagpapaalam niya.
"Ah.. Sige. Thank you nga pala sa pagtulong mo." Pagpapasalamat ko
Ngumiti lang siya at naglakad na papalayo. Binilisan kong mag-lakad at sa wakas, nakarating na rin ako sa bahay. Dali- dali akong pumasok sa kwarto at kinuha ang aking coin purse.
Pagkatapos noon ay nagmadali na akong lumakad papunta at luminya sa sakayan ng jeep nang biglang may pumunta sa likod ko. Si Zian. Nag- kwentuhan kami nang bigla siyang nagtanong. "Saan ka nga pala nag- aaral?" Tanong niya. "Sa Westwood University. Ikaw ba?" Tanong ko.
"Edi schoolmates pala tayo?" Tanong niya habang nakangiti."Oo nga pala, may partner ka na ba sa Valentine ball natin? Dagdag niya.
"Wala pa e." Sagot ko. "Can I be your date?" Tanong niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Parang ang wala siya sa sarili kung mag-tanong. Pero dahil tinulungan niya ako pumayag ako. "Ha? Okay sige." Sagot ko.
"So, can I be your friend?" Tanong niya. "Of course." Sagot ko. "Para!" Sabi ni ateng naka- white. Pero si manong driver parang walang narinig. "Para!" Sabi ni ate ng pangalawang beses. Pero si manong driver, hala! Sige! Parang bingi. Sa pangatlong beses na pag- para ay halos lahat kami ay pasigaw na nagsabi ng "Para!" Pagkatapos makababa ni ateng naka-white, may naring akong nagsabi ng "Ano ba naman 'yan! Parang nanadya na ata yang driver na 'yan." Pag- rereklamo ng isang pasahero. Napatingin ako sa driver ng jeep at nakatingin pala si manong driver nang masama sa pasaherong nagreklamo. "Tignan mo 'yang driver na 'yan. Siya na nga yung may kasalanan siya pa yung magagalit." Sabi ni Zian na parang naiinis. Nag-kwentuhan kami hanggang sa maka rating kami sa school.

Friends? No. LoversWhere stories live. Discover now