1

176 16 0
                                    

CHAPTER 1

KABUBUKAS pa lamang ni Maymay ng kaniyang Facebook account ay agad na
niyang nabasa ang kaniyang horoscope.

Ayon doon, "Magiging boring ang iyong
araw ngayon teh! Pero wag mag-alala, dahil kung sino ang lalakeng magtatanong
sayo AT hindi mo naman alam ang iyong isasagot, tiyak, siya na ang iyong
soulmate!"
Siyempre pa, tuwang-tuwa siyang umalis upang pumasok sa kaniyang
eskwelahan habang bumubulong sa sarili, "Ito na ang araw na hinihintay ko!
Kakagatin ko na para magka-bf na ako! Magiging akin ka na rin Edward!"
Ibang level ang energy ni Maymay pagdating sa kanilang classroom.

Halos
lahat ng mga kaklase niya ay nagulat sa kanya. Paano namang hindi, eh, daig pa
niya ang isang henyo sa kakasagot ng mga tanong ng mga ito. Kahit mga walang
kwentang tanong ay sinasagot niya. Himala namang alam niya lahat ng sagot sa
mga tanong na iyon.

Dapat alam ko lahat ng sagot sa tanong nila. Dapat ang tanong lang ni Edward
ang hindi ko kayang sagutin. Hay, Edward! Kailan ka ba magtatanong sa akin? Dapat iyong mahirap.

Dapat iyong hindi ko kayang sagutin. Sige na, magtanong ka na sa
akin, piping usal ng kaniyang puso.

Malapit nang mag-uwian, hindi pa rin siya tinatanong ni Edward. Ni hindi nga siya
nito kinausap buong maghapon. Gusto na niyang maiyak. Ilang minuto na lang,
magri-ring na ang bell.

Nagsimula na siyang sumimangot. Wala na... Sinungaling
ang horoscope na iyon! Sinungaling!
Nag-ring ang bell at nagsimula na ring magsi-alisan ang kaniyang mga
kaklase. Hinintay niya kung kakausapin siya ni Edward pero hindi man lang lumingon
ang mokong! Pasaway na lalake! Palibhasa kasi gwapo, akala niya kung sino na
siya! Tse!
Paglabas niya ng classroom, agad na may nagtakip sa kaniyang mga mata.

"Guess who?" tanong nito. Sinubukan niyang alamin kung kaninong boses iyon
nanggaling, subalit hindi niya alam kung kanino iyon. Syet! Ito na ba ito my golly
wow? Ngunit laking gulat niya nang makita si Sir Tanner sa kaniyang likuran.

"Don't tell me Maymay, hindi mo nabosesan ang boses ko? Aba, lumilipad ata
ang isip mo ngayon ah! Something is weird, hmm?" sabi nito sa kaniya bago nito
tinapik-tapik ang kaniyang likuran. Ito ang paborito at kadikit niyang teacher sa
school.

Siyempre pa, tuta siya nito. In short, isa siyang animal- este, paboritong
estudyante nito.
Saktong nasa tapat na nang classroom niya si Maymay ng mamataan si Edward
na nakaupo malapit sa pintuan.

Nagtama ang mga mata nila. Parang namagneto
siya sa mga titig nito. Hindi siya nakakilos agad sa kinatatayuan.
Tapik sa balikat ang nagpagising sa diwa niya.

“Hoy, Dhay! Kung wala ka
pang balak pumasok, tumabi-tabi ka sa daraanan ko, kasi baka di ako makapagpigil
at maitulak kita. Kanina pa ako excuse ng excuse sayo, eh, wala ka sa sarili mo!”
Naiiritang sabi ng kaklase niyang si Yasse. Tumabi nga siya. “Hmmppp, ang
sungit-sungit, eh, mukha namang palaka. Malalaki ang mga braso, maliliit naman
ang mga balakang,” pabulong na sagot niya na di naman umabot sa pandinig nito
dahil dire-diretso na itong pumasok.

RAINBOW IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon