CHAPTER 10
“Shhhh... tama na, okay? Ipinapangako kong hinding-hindi kita sasaktan.
Ipangako mo lang na ako lang ang mamahalin mo at ‘wag na ‘wag kang tumingin sa
ibang lalaki habang nasa paligid ako,” nagbibirong sabi nito.
Hinampas niya ito sa braso. “Di pa nga kita sinasagot may bawal na!”
Ganting biro din niya dito. “Hindi mo na kailangang sumagot, alam ko na na ako ang
mahal mo,” pakindat na sabi nito.Tumawa siya ng malakas. “Di ko alam na may bagyo pa lang darating, baka
paglabas ko bigla na lang akong liparin,” sabi niya habang panay pa rin ang tawa.
“Ah gnun? akma siya nitong kikilitiin ngunit agad na siyang nakatakbo palabas ng
silid-aralan.”
Kinuha lang nito ang mga gamit at humabol na rin sa kanya. Habang sa daan ay
magkahawak kamay sila. Di na alintana ang makahulugang tingin ng mga tao sa
paligid. Parang may sarili silang mundo na kung saan silang dalawa lang ang
narorooon. Nilakad nila ang daan patungo sa bahay nila Yasse. Di sila nakaramdam
ng pagod kahit na malayo-layo din iyon. Nang malapit na sila sa bahay nila,
napansin niya ang napakaclear na bahag-hari.
Napangiti siya nang hilahin siya nito sa damuhan at umupo para pagmasdan
nila ito. “Kung makakita tayo ulit ng bahag-hari habang magkasintahan pa tayo dito
sa lugar na toh, ipinapangako kong ikaw na ang lalaking pakakasalan ko,” pangako
ni Yasse sa lalaki.
“Ganoon din ako, dito dapat natin makikita ulit ang bahag-hari, dito kung
saan abot-tanaw natin ng tayong dalawa lang,” sang-ayon nito. Nang mawala na
ang tinitingnan nila ay saka lang sila tumayo at magkahawak kamay pa rin habang
naglalakad at tinahak ang daan patungo sa kanilang bagong paraiso.
BINABASA MO ANG
RAINBOW IN THE SKY
Short StoryRAINBOW IN THE SKY TEASER Isa lang si Maymay sa mga naniniwala sa signs pagdating sa pag-ibig. Iyon bang tipong hihiling ng isang sign at kapag may lalaking gumawa noon, ang lalaking ito na nga ang itinakda para sa kanya. Isa lang naman ang hinihin...