3

131 14 1
                                    

CHAPTER 3

PAGKATAPOS mag-hapunan ay bumalik kaagad siya sa kaniyang laptop upang
makita kung may bagong update sa kaniyang News Feed.

Ngunit nang umabot na
ng sampung minuto at wala pa ring activity ay nag-desisyon na siyang pindutin ang
log-out button.

Ngunit bago pa man niya mapindot ang kaniyang mouse ay agad na
may nag-pm sa kaniya, si Sir Tanner.

‘Maymay, do you have some time? Kailangan ko lang ng makukulit, hehe,’
ayon sa PM nito.
Hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin! In fact, mas lalo pang
lumakas ang pagtibok ng kaniyang puso dahil pakiramdam niya ay nakatitig ito sa
kaniyang mga mata habang nag-cha-chat sila sa computer.

Nang mag-re-reply na
siya ay agad na may nag-PM na naman sa kaniya, si Edward.

Nanginginig ang kamay at lalong kinakabahan si Maymay. Hindi pa niya
binabasa ang message ni Edward kahit nasa harapan na niya ito.

Natatakot siyang
basahin iyon baka tungkol na naman kay Yasse ang itatanong nito. Ay, wag na
lang!

Nakita niyang nag-PM na naman sa kanya si Sir Tanner at sunod-sunod pa iyon.
‘Uy, Maymay!
Bc ka yta
D bale na nga lng
Cnxa sa abala’
Sa kabilang banda naman ay di mapakali si Yasse.

Nangangarap habang
nasa harapan ng kanyang laptop. Ang post ni Sir Tanner ang paulit-ulit na bumabalik sa
isip niya. Haaayyyy, todo na toh! inlababo na ako sayo... Kung hindi mo kayang
aminin na gusto mo ako, bukas na bukas ako na ang gagahasa sayo, Sa isiping yon
ay napatawa siya.
Naputol ang pangangarap niya ng may sumulpot na message sa inbox niya.

Excited niyang pinindot ito para iopen, baka sakaling kay Sir Tanner galing. Ngunit,
bigla din nanlumo ng makitang galing iyon kay Edward.

Ang damuhong iyon, ako yata
ang napag interesang guluhin. Manigas ka, sabi niya sa isip. Kala mo naman
pagkakaabalahan kita.

Ibinalik niya ang isip sa post ni Sir Tanner, pero ang dating sigla na naramdaman
niya ay di na niya kayang ibalik. Grrrrrr, lechon kang Edward ka sinira mo pangangarap
ko! Sa sobrang inis ay pabagsak niyang inihiga ang sarili sa kanyang kama.

RAINBOW IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon