7

119 13 0
                                    

CHAPTER 7

NAGTAAS ng kamay si Yasse pagkatapos maupo ng buong klase. Dahil sa bilis ng
pangyayari, ibang estudyante na lamang ang kaniyang tinawag upang ilihis ang
atensyon dito.

Sigurado, hiyang-hiya ito sa kaniyang sarili. Maya-maya pa ay
napansin din niyang dumating sina Edward at Maymay, late ang mga ito. Nag-desisyon
na rin siyang hindi pansinin ang dalawa dahil nakakaramdam siya ng selos sa
tuwing nakikita ang dalawa.

Pagkatapos ng klase ay hinintay muna niyang makaalis
ang kaniyang mga estudyante ngunit nagpahuli si Yasse. Lumapit ito sa kaniyang
desk at nagtapat ng kaniyang nararamdaman sa kaniya.

Aaminin niya, habang binibigkas ni Yasse ang mga salitang iyon ay parang
unti-unti na niyang na-re-realize ang tunay na kabuluhan nito sa kaniya. Saka,
pakiramdam din niya, kung ipagpipilitan niya kay Maymay ang nararamdaman,
siguradong hindi ito magiging masaya sa piling niya dahil alam niyang si Edward ang
tinitibok ng puso nito dahil magkakilala na ang dalawa noong mga bata pa ang mga
ito.

Natulala lamang siya sa mga sinabi nito at bago pa man siya makapagsalita
ay agad na itong tumakbo papalayo sa kaniya. Gustuhin man niyang habulin ito ay
hindi na niya nagawa dahil tila nawalan siya ng lakas ng loob sa pagkakataong iyon.
Noon din niya naalala ang kaniyang nabasang horoscope noong nagbabasa siya ng
magazine sa isang convenience store.
Ang sabi sa kaniyang kapalaran ay– “May taong magtatapat ng kaniyang
nararamdaman sa iyo. Kailangan mo siyang pahalagaan dahil sa oras na bitawan
mo siya, hindi na siya muling babalik sa iyo.

Kapag nakakita ka ng bahag-hari at
naalala mo ang mga salitang ito, iyon ang magiging hudyat ng inyong huling
pagkikita. Kailangan mo lamang magtiwala sa iyong nararamdaman at maging
matapang.”
Pagkatanto niya sa kaniyang naalala ay saka niya naitanong sa sarili, “Ito na
ba ang love sign para sa iyo, Tanner?”

RAINBOW IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon