2

145 16 0
                                    

CHAPTER 2

Napatingin uli siya sa direksiyon ni Edward, di pa rin nito inaalis ang pagkakatitig
sa kanya. Magtitigan na lang ba kaming dalawa? Tanong niya sa sarili.

Edward naman
eh, tanong na dali! Hay naku! wag ka nang mambitin kasi di na ako mapakali..
Open your mouth and ask... pleaseeeeeeeeee...?
SA WAKAS! Lumapit din sa kaniya si Edward at nagtanong. "Maymay, ano sabi ni
Yasse sayo?" namumungay pa ang mga mata nito ng nagtanong sa kaniya.
Te-teka! Does it mean may love-interest ang mokong na ito sa mukhang
palakang Yasse na yun? Kung oo, no way!

"Wa- wala naman siyang sinabi. Hindi ko alam!" sagot niya bago siya
tumakbo papalayo kila Edward at Sir Tanner na kapwa clueless sa mga nangyayari.

"Walang kwentang mga sign! Walang kwentang horoscope! Dapat si Edward lang ang
magtanong pero bakit si Sir Tanner, nagtanong din? Saka, lokong Edward yun! Don't tell
me in love siya kay Yasse? Nasisiraan na yata ng bait ang mundo!"
Masamang-masama ang loob ni Maymay pag-uwi niya ng bahay.

Hinagis niya
ang kanyang bag sa kanyang kama at pabagsak na umupo sa gilid ng kama niya.
Humaba ang nguso niya sa kakasimangot dahil sa sobrang inis niya sa araw na
iyon.

"I hate you! I hate you! I hate you!" wika niya habang pinagsusuntok ang
kutson. Hindi niya alam kung kanino siya talaga naiinis—sa sarili niya ba dahil
nagmukha siyang tanga kanina? Kay Sir Tanner ba na sumali pa sa pagtatanong sa
kanya? Kay Yasse na nagtaray sa kanya? O kay Edward na mukhang may gusto yata sa
impaktang si Yasse?

"Grrrr...."
Bigla siyang tumayo at pinaandar ang kanyang computer. Agad siyang
nagpunta sa FB upang magpost sa kanyang wall nang sa ganoon ay mailabas niya
ang kanyang inis.

Subalit naantala ang gagawin niyang pagtitipa nang mabasa ang
post ni Sir Tanner sa group nila.
“Are you numb or dumb? Kung hindi ka manhid, mararamdaman mo na may
gusto siya sayo at kung hindi ka bobo, nakahalata ka na noon pa na may pagtingin
siya sayo,” basa nya sa post ni sir Tanner sa group nila.

Siya ba ang pinariringgan ni
Sir Tanner? kasi tugmang tugma iyon sa damdamin niya para kay Edward.

Nag-aalinlangan pa siyang magcomment, pero sa huli nagtype din siya. "Maybe
both" ang iniwan niyang comment. Naghintay siya kung may magcomment pang
iba.

Di nagtagal ay nagcomment din si Edward. ‘Being numb and dumb are
sometimes good, mas nanaisin ko pang magpakabobo at magpakamanhid para di
ko maramdaman ang sakit isipin pa lang na she belong to somebody else.’
Parang piniga ang puso niya sa nabasang comment ng lalaki.

Ibig sabihin si
Yasse talaga ang gusto nito. Paulit-ulit din niyang binasa ang comment ng lalaki at
hindi nya napigil ang luhang mag;andas sa kaniyang pisngi. Bigla niyang isinara ang
computer. Hindi na niya hinintay na mabasa ang mga comment ng iba. Parang
sinaksak ng ilang beses ang puso niya.

Wala na talagang pag asang may katugon
pa ang nararamdaman niya para sa binata.
Kaya kahit masakit, ititigil niya na ang kahibangan niya bago pa madurog ng
pinong-pinong ang puso niyang walang ibang ginawa kundi ang magmahal nang
sobra.

Nasa ganoon siyang ayos ng may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. Ang
kanyang mama iyon, nag-aayang maghapunan na sila.

RAINBOW IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon