4

115 13 0
                                    

CHAPTER 4

‘Alam mo na ba yung mga signs?’ pm ni Edward kay Maymay.

Nagulat si Maymay sa tanong na iyon. Sa bandang huli kasi’y na-curious din
siya sa kung ano ang PM ng lalaki sa kaniya kaya nakapagdesisyong silipin iyon. Di
nya alam ang isasagot dito. Madami syang nasa isip na isasagot pero ang tanging
nasa isip niya ay yung signs na tinutukoy sa Horoscope.

Naisip niya na hindi pa tapos ang araw na iyon at maaring totoo nga ang mensahe, after all. Pareho kaya
sila ng iniisip ni Edward? nasabi nito sa kanyang sarili.

‘Anong signs, Edward? Signs ng Love ba yan?’ Reply niya, nais makasiguro kung
parehas nga sila ng iniisip ni Edward.

‘Hindi ano ka ba?
Signs ng end times!’Hindi man niya naririnig ang boses nito’t nakikita ang
facial expression nito, pakiramdam niya’y kinukutya nito ang kaniyang kakornihan.

‘Ha?’ Tanong ni Maymay na hindi na-gets.

‘Kamakailan ay nabasa ko sa yahoo na nagkaron ng malakas na solar burst
sa pisngi ng araw. Ang mga bituin ay may kinalaman sa mga pangyayari sa lahat ng
nasasakupan nitong planeta sa solar system. Kaya ang nangyari sa araw ay
magkakaroon rin ng epekto sa atin. Kaya tingnan mo ang nangyayari sa Europe,
America. Sa Asia. Sa NOKOR. Sa China.’ Ang mahabang reply nito.
‘Kaya kung sakali man na magwawakas na ang daigdig, gusto kong
makasama ang babaeng pinakamamahal ko.’ Patuloy nito sa mensahe ng hindi siya
agad mag-reply, na may smiley pa sa dulo!
Halos hindi inintindi ni Maymay ang kawirduhan ni Edward.

Mahilig kasi itong
magbasa ng mga siyensya at mga wierdong aklat at mga pilosopiya. Pero ang
huling mensahe nito ang pumasok sa kanyang sistema.

’Sino ba iyon na gusto mong makasama? LOL!’ Tanong niya. Deep inside
hinihintay nya na pangalan niya ang banggitin nito.

“Edward is now offline but you can still send him a message!” Malakas niyang
binasa ang nakasulat sa FB chat box.“Naman! Galing ng timing mo no?”
Hindi naglipat saglit ay muli niyang nakita ang green dot sa chatbox katabi
ng ngalan ni Edward.

Naka-online na itong muli.
‘Maymay, nagloloko net ko. Mahina ata signal. Out na ako need ko kausapin si
Yasse.Kelangan rin kita makausap. Me mahalaga akong sasabihin sayo.Bye
muna.Ingat!God Bless!’

RAINBOW IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon