9

131 14 2
                                    

CHAPTER 9

MATULING buwan ang lumipas simula ng ipagtapat n Yasse ang nararamdaman
kay Sir Tanner ay di na siya nakikipaglapit dito. Todo iwas siya dito kahit ilang beses din
siyang tinangkang kausapin ng lalaki. Lahat ginagawa niya, sinikap niyang ibuhos
ang time niya sa kung anu-ano para lang mawala sa isip niya si Sir Tanner.

Ngunit, hindi habang-buhay makakaiwas siya sa lalaki. Kagaya na lang ng
araw ng Biyernes. Dali-dali niyang inayos ang mga gamit at akma na sanang lalabas
ngunit tinawag siya ng lalaki at sinabihang maiiwan muna siya dahil may pag
uusapan sila. Napako ang lahat ng atensiyon ng mga kaklase sa kanya. Di niya alam
ang gagawin. Ngunit dahil may karapatan itong kausapin siya bilang estudyante
nito ay tahimik siyang tumango habang isa-isang lumabas ang kanyang mga
kaklase.

Naiwan silang dalawa at ni isa ay walang naglakas-loob na magsalita.
Mahaba ring katahimikan ang dumaan bago naglakas-loob si Sir Tanner na kausapin
siya.
“Y–Yasse...” nilapitan siya nito at ginagap ang kanyang palad. Lumakas ang
tibok ng puso nya sa simpleng gesture na ginawa nito. Di siya makagalaw. Balot
siya ng sari saring emosyon.

Hinayaan niya lang itong hawakan ang kamay niya at
di na tinangka pang bawiin iyon.
“Yasse maniwala ka sana kung sasabihin kung the feeling is mutual. Mahal
kita noon pa. Hindi kagaya ng iniisip mo ang nararamdaman ko kay Maymay. I
realized that, pagtinging kapatid lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Maaga
namatay ang kapatid ko at sa katauhan ni Maymay, nakikita ko ang namayapa kong
kapatid. Ilang beses din kitang tinangkang kausapin pero palagi mo akong
iniiwasan. Malayo pa lang ako nag-iiba ka na ng direksiyon kung magko-krus ang
landas natin. Di ka na rin gaya ng dati na parating nakataas ang kamay at very
attentive. Di ka na masigla kung klase na natin. Lahat ng nagustuhan ko sayo noon
tinatago mo na ngayon. Yasse please, tell me na mahal mo pa rin ako hanggang
ngayon, na ako pa rin ang laman ng puso mo?”
Tiningala niya ito at nakita niyang nagbabanta ng maglandas ang mga
luhang kanina pa nito pinigilan. Sukat sa nakitang senseridad sa mga mata nito,
niyakap niya ito ng mahigpit. Wala na siyang pakialam kung may dumaan man at
makita sila nitong nagyayakapan. Sobra-sobrang kaligayahan ang nararamdaman
niya sa mga oras na gumanti ng yakap si Sir Tanner sa kanya. Bumitiw na siya sa
pagkakayakap sa lalaki at tinitigan ito. Walang ni isang salita ang lumabas sa kanya.
Napaiyak siya sa sobrang kaligayahan. Nang makita nito ang mga luhang
naglalandas sa kanyang pisngi ay agad nitong pinahid iyon.

RAINBOW IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon