5

142 17 1
                                    

CHAPTER 5

NAKAUPO si Maymay sa cemented bench malapit sa hardin ng kanilang quadrangle.
Doon muna siya habang hinihintay ang pagtunog ng bell. Hindi siya tumuloy sa
pagpasok sa kanilang silid nang makitang nauna nang pumasok si Yasse sa kaniya.

Hindi pa rin nawawala ang inis niya sa bruha kaya palilipasin muna niya ito.
Nasa ganun siyang ayos nang dumating si Edward. Umaliwalas ang mukha niya
pagkakita sa nakangiting binata.

Hinanap pa talaga siya nito kasi nga may
mahalaga itong sasabihin sa kanya. Napakahaba ng paliwanag nito tungkol sa
biglaan nitong pag-offline at ang tungkol sa pagtawag ni Yasse ngunit walang
siyang interes na makinig.

Bigla lang naman siyang sumigla nang itanong nito kung
naniniwala ba siya sa love signs. Napangiti siyang tinitigan ang binata.

“Oo naman,” napakatamis na sagot niya na lihim na kinikilig. “Bakit mo
naman naitanong?” follow-up na tanong niya na hindi ipinahalata ang pananabik.
Edward, sana maniwala ka ring totoong ang love signs. Sa iyo lang magkakatotoo ang
love signs ko. Please…! Bago pa man nakasagot si Edward, tumunog na ang bell. Isa
lang ang ibig sabihin n--n, kelangan na nilang pumasok sa kanilang silid-aralan.

Napasimangot siya. Hmp! Mabibitin na naman ang pag-uusap nila. Nakakainis!
Tumayo na si Maymay para pumasok subalit sa pagkabigla niya’y hinawakan
agad ni Edward ang kamay niya, “Maymay, wait! I have to tell you this. It wont take long.
We can be late for 5 minutes. This wont take longer than 5 minutes. Sabagay lagi
naman tayong late pumapasok lately, diba? Ikaw lang naman ang alam kong
maniniwala sakin. “
Ang totoo, mayroon isang lihim na natuklasan si Edward. Isang kwento na
kanyang pinaniwalaan base na rin sa mga nakita nyang ebidensya. At nais niyang
sabihin kay Maymay dahil malaki ang posibilidad na maniwala ito sa kanya. Syempre
matalik niya itong kaibigan. Pero kelangan rin niyang sabihin sa kanyang mga
kakilala at kaibigan na si Sir Tanner, and especially si Yasse. Pero kailangan niyang
makumbinsi muna si Maymay. Then, inaasahan nya na ito ang kukumbinsi kay Sir
Tanner, dahil natunugan nya na may gusto ito kay Maymay. At pagkatapos na maniwala
si Sir Tanner. Ito naman ang kukumbinsi kay Yasse na maniwala.

Alam kasi ni Edward na
hindi sya paniniwalaan ni Yasse kung sasabihin niya rito ang kanyang nalalaman
flat-out. So yun ang naiisip nito na tanging solusyon.
“As I said kagabi, I have discovered something. I have this story na kinwento
sakin ng lola ko matagal na. Ito ay may kinalaman sa Love Signs. Kaya kita
tinatanong kung naniniwala ka ba dito. And natutuwa naman ako na naniniwala ka.

Ang kwentong ito ay tungkol sa rainbow. Narinig muna yung kasabihan na, at the
end of the rainbow, there is a pot of gold, right? But what you didn’t know is that on
the other end of that rainbow ay meron dalawang magsing-irog na nagsusumpaan
ng dakilang pagmamahal. Well hindi lang yun kasabihan. It really happened. May
dalawang magsing-irog na nag sumpaan at sa kabilang panig ay may nakabaon na
napakaraming kayamanan. I know this sounds crazy. But you need to hear all the
evidence first. Are you in for a littlte bit of mystery that we need to discover?“

..... Byeee bukas ulit di naman kayo nag cocoment hahaha....

RAINBOW IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon