CHAPTER 6
NAGTAAS ng kamay si Yasse ng magtanong si Sir Tanner, ngunit tinitigan lang siya
nito at pinasagot sa isang kaklase niya ang tanong. Napasimangot siya. Ganadong
ganado pa naman siya sa leksiyon nila pero binalewa siya nito.Maghintay ka
mamaya at magpapaiwan ako para makausap ka, bulong niya sa sarili.
Napansin niya ang sabay na pagpasok nina Maymay at Edward. Pinanood niya ang
reaksiyon ni Sir Tanner pero patuloy lang ito sa pagtuturo ng leksiyon nila at di na
pinansin ang dalawa.Mabuti na lang late nang pumasok si Edward at hindi siya nito
nakausap. Kung nakataon ay baka nasira ang araw niya. Ibinalik niya ang atensiyon
sa leksiyon nila. Napapangiti pa siya habang nakikinig. Di nagtagal ay natapos din
ang klase nila.Hinintay muna niyang lumabas ang lahat ng kaklase niya at lumakad
patungo sa table ni Sir Tanner para makausap ito. Matagal na siyang nakatayo sa harap
ng mesa nito pero parang naestatwa siya. Pangalawang beses pang tinawag ni Sir
Tanner ang pangalan niya bago pa siya nakapagsalita.Bumuntong hininga siya, nag
ipon ng lakas ng loob at pinalaya ang saloobin. ”Sir Tanner, I know it’s a bit
embarrassing but, I can no longer hide what I really feel for you. I started to like you
the first time I set my eyes on you,” diretsahang pahayag niya. Ngunit mahigit ng
limang minuto matapos niyang ipahayag ang damdamin niya ay di pa rin ito sumasagot.Sa sobrang pagkapahiya ay tumakbo siya palabas ng silid-aralan.
Pinahid niya ang luhang noon ay naglandas na sa magkabila niyang pisngi.Pagkauwi galing sa paaralan ay agad siyang nagkulong sa kwarto niya.
Binuksan niya ang bintana ng kanyang silid at umupo sa kanyang armchair paharap
sa bintana.Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba at makintab niyang
buhok. Nakatingin siya sa kawalan. Naalala niya ang reaksiyon ni Sir Tanner kanina
pagkatapos niyang ilabas ang saloobin niya para dito. Napaiyak na naman siya.
Bakit ganoon ang reaksiyon niya? At saka bat hindi man lang siya sumagot? Sa
sobrang sama ng loob ay napagdiskitahan niya ang vase na nakapatong sa study
table niya.Tinapon niya iyon at nabasag. Di pa siya nakuntento at dinurog pa niya
ng pinong-pino ang pira-pirasong parte ng vase na nabasag.Huminahon din siya kapagkuwan. “Mabuti pa iwasan ko na siya kung wala
talagang pag-asang magustuhan niya ako. Di ko na siya kikibuin”, naisatinig niya na
may pinalidad. At iyon nga ang ginawa niya pagkapasok kinabukasan.
BINABASA MO ANG
RAINBOW IN THE SKY
Short StoryRAINBOW IN THE SKY TEASER Isa lang si Maymay sa mga naniniwala sa signs pagdating sa pag-ibig. Iyon bang tipong hihiling ng isang sign at kapag may lalaking gumawa noon, ang lalaking ito na nga ang itinakda para sa kanya. Isa lang naman ang hinihin...