8

119 14 0
                                    

CHAPTER 8

NAKAUPO sila ni Edward sa damuhan ng kanilang bakuran habang nagkukwentuhan
tungkol sa love signs na sinasabi nito sa kanya. Ang dami nitong sinabi at sa gitna
pa ng mga salita nito ay binabanggit nito ang pangalan ni Yasse.

Hindi man niya
aminin, nasasaktan siya sa tuwing nagiging bukambibig ng binata ang babae.

Unti-unting namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.
“Alam mo isa lang naman ang hiningi kong sign noon, eh,” wika niya sa
kalagitnaan ng pagsasalita nito. Napahito ito sa pagsasalita at napatitig sa kanya.

Maya-maya'y tumitig ito sa kanya. Siya naman ay nakatungo ang tingin sa mga
damo. “Hiniling ko na kapag nagtapat sa akin ang lalaking mahal ko, sana may
bahaghari. Doon ko malalaman na siya na talaga ang nakatakda para sa akin,”

saglit niya itong sinulyapan bago nagpatuloy. “Pero wala naman talaga akong
pakialam sa sign na iyan, eh. Ang sa akin lang, malaman ko lang na mahal din ako
ng lalaking mahal ko. Ang tagal ko na kasing tinatago ang nararamdaman ko para
sa kanya, eh. Ang masakit, iba ang mahal niya.”
Kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha ay ang pagpatak naman ng ulan.

Unti-unti na silang nababasa pero wala siyang balak na umalis sa kinauupuan nila hanggang hindi niya naipagtatapat kay Edward ang tunay niyang nararamdaman.

Una't huling pagkakataon na niyang aaminin dito ang totoo. Pagkatapos nito'y wala
na siyang pakialam kung lumayo man ito sa kanya.

Magsisimula na rin siyang
kalimutan ito.
“Bata pa lang tayo, lagi na tayong magkasama. Laging magkalaro,
magkaklase, magkaibigan. At sa bawat pagkakataong iyon, unti-unti ring nahuhulog
ang loob ko sa iyo,” napahinto na naman siya nang ayain siya nitong pumasok sa
loob. Pero hindi siya pumayag. Tatapusin muna niya ang lahat. Muli siyang
nagsalita. “Edward, mahal kita. Mahal na mahal kita noon pa man. Hindi mo lang alam
kung gaano kahirap itago itong nararamdaman ko para sa iyo kasi kaibigan kita at
kaibigan lang din ang turing mo sa akin. Hindi mo lang alam kung gaano kasakit sa
akin sa tuwing binabanggit mo sa harapan ko ang pangalan ni Yasse, sa tuwing
sinasabi mo kung gaano mo siya kagusto at handa kang gawin ang lahat mapasagot
mo lamang siya.”
Pagkatapos niyang mailabas ang lahat-lahat, tumayo na siya para pumasok
ngunit mabilis siya nitong pinigilan sa braso...

RAINBOW IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon