Prologue

92 7 1
                                    

Five years ago...

"Titanium!" agad kong tiniklop ang page ng librong binabasa ko, hinarap sya at tumayo ng tuwid

"saan ka nanggaling?"

"sa kwarto ko po" nakayukong sagot ko

"good. Ayokong lumabas ka ng bahay without any permission from any of us" agad akong napatango. When she left, I saw my sister smiling at me with sincerity like she was saying it's okay

The next day ay nakalabas ako ng bahay. Nagdesisyon ako na gumala sa mall at bumili ng ice cream. Napasarap ata ang gala ko kasi hindi ko namalayan ang oras. Pagtingin ko sa relo ko ay thirty minutes na lang before magtwenty four hours. Agad akong lumabas sa mall at pumunta sa sakayan ng taxi. Pero wala akong makita at nauubos na ang oras hanggang sa curfew ko sa bahay. Twenty five minutes passed nang may nakita akong taxi, finally. Sasakay na sana ako ng may marinig akong babaeng humihingi ng tulong. Nagtatalo ang isip ko kung ano ang uunahin ko. Ang galit ba ng mga magulang ko o ang babaeng humihingi ng tulong sakin. Sinara ko ang pinto ng taxi at tumakbo sa parking lot kung saan nanggagaling ang paghingi ng tulong. Nakita ko ang dalawang babae na nacorner ng anim na kalalakihan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya pumulot ako ng bato, kinuha ko ang slingshot sa bag ko, at pinuntirya ang ulo ng isa. Natamaan ito at natumba ang lalaki. Napalingon naman ang lima sakin. Nang nagsimula silang lumapit sakin ay agad akong tumakbo sa dalawang babae at tumayo sa harap nila

"wow, ang tapang mo naman" kinakabahan ako sa uri ng tingin ng mga lalaki samin. Hindi ko alam kung paano lalaban at poprotektahan ang dalawa. Hanggang sa may isang babae na humataw ng kahoy sa ulo ng isa pa. Agad itong tumakbo sa tabi ko at tiningnan ko lang siya

Nakatingin lang kami sa mga lalaki na to. Iniisip kung katapusan na ba namin. Bakit hindi na lang kasi na may dumating na apat na babae pa at hatawin ang apat na lalaki na to para tapos na? Sinubukan ko lang naman na tulungan ang dalawang to eh

Five...four...three...two...one...

My mind is counting. Hindi ko alam kung bakit. But when it striked to one, I felt the jolt of pain panged at my body. Sobrang sakit na hindi namin kaya na tumayo. Napaupo ako habang hindi ko alam kung saan ako kakapit para lang sana maibsan ang sakit. Napatingin ako sa tatlo and they are experiencing the same as me. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng awa sa tatlo at gusto ko silang aluin. Naramdaman ko naman ang paghawak ng lalaki sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. My body is numb. Until naramdaman ko ang kuryente na dumaloy sa katawan ko. I darted ny eyes at the guy that held me by my collar. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas na dumadaloy sa buong katawan ko. When he was about to punch me, hinuli ko ang kamao na papalapit na sa mukha ko. I held his other hand na may hawak sa kwelyo ko and twisted it. Napabitaw naman ito and I stood there straightly looking at him. He swayed his fist to my face and I simply dodged it by swaying my face away. I kicked him at the stomach at napaatras ito. Nang sumugod ito, I brought my legs together, and kicked him again with both of my feet attached side by side. I succeeded on defeating the guy

Napatingin ako sa tatlong babae. Down to the guys lying on the floor. Napabalik ang tingin ko sa tatlo and they shot their eyes back to me. Lumapit kami sa isa't isa

"are you experiencing the same as me?" tumango ang tatlo

"hindi ko alam kung saan ito nanggaling, but I feel strong and powerful" nagagree naman ang tatlo sakin as I smirked. I feel like I'm a different person now

"thank you sa pagtulong samin kanina" tumango lang ako sa dalawa

"I'm Emerald, by the way" pakilala ng babaeng humataw ng kahoy sa ulo kanina ng isa

"I'm Silver, and this is Amethyst" pakilala naman ng isa

"you are?" they all looked at me

"Titanium" walang emosyong sagot ko

"nice to meet you" nginitian kami ni Emerald na ginantihan naman namin

...

Pagpasok ko sa academy na pinapasukan ko ay may nakabangga akong babae. Hindi ko alam kung sino ito at wala akong pakialam. Pero eksaktong pagtingin ko sa babae ay nakita ko si Silver

"Silver?" kaagad kong tanong

"dito ka rin pumapasok?" tumango ako

"do you think there is a chance na dito rin pumapasok si Amethyst at si Emerald?" nakangiting tumango tango ito

Nagsimula kaming maglakad lakad around the campus with a possibility na mahanap namin ang dalawa. And we found Emerald at a bench

"Titanium? Silver?" kaagad itong tumayo pagkatapos mapatigil sa pagtugtog ng isang flute. Agad niya kaming nilapitan

"masaya akong makita kayo dito!" masayang sabi nito

"kami rin. Let's find Amethyst if she's here" we started to stroll around and we found Amethyst, dancing at the garden of Science department. Agad itong napahinto sa pagsayaw at agad tumakbo palapit samin. Niyakap niya pa kaming tatlo at nahihiyang agad ring bumitaw

"sorry"

"it's okay" Emerald

Umupo kami sa bench

"wait, parang iba iba tayo ah?" Silver

"music club" Emerald

"dance club" Amethyst

"sports club" Silver

Napatingin naman ang tatlo sakin ng wala akong planong magsalita

"nerd" sabay sabay na sabi nila at tinuro ang eyeglasses ko. Nagkibit balikat ako

"she belongs to any of the academic club. Science, math, english, pilosophy, literature, history, filipino, and...ano pa ba?"

"journalism club. And also, the RCYC" dugtong ko

"ooooohhhhhhh" sabay naman na nag'ooohhh' si Emerald at si Amethyst

"how did you know about that?" ngintian ako ni Silver

"madalas kitang naririnig from the professors. Na matalino ka and you always represent the academy sa mga contest" hindi naman ako nagsalita

"ah yeah! Nakakarinig rin ako ng ganyan. Naririnig ko nga ms. Hartford pero hindi ko kilala kung sino" Emerald

Starting from that day, nagdiscuss kami sa nangyari samin noong araw na yun at hindi namin alam kung anong gagawin kaya pinagplanuhan na lang namin

And that day also, nakilala ko ang tatlong best friends ko at sa kanila ko nalaman kung paano magpahalaga sa ibang tao

SATE AcademyWhere stories live. Discover now