Chapter Thirty

3 1 0
                                    

/A Talk With Him and His Side/

"eh kasi naman, ayokong magalala kayo eh. Kaya hindi ko na sinabi"

"ano ka ba naman Azul? Hindi mo ba alam ang mangyayari kung hindi namin nalaman ang tungkol sa sakit ng ulo mo na yan? Lalala yan, and what's worse? Maoospital ka! At ano? Gastos samin. Hindi mo ba naisip yun, ah? Magagastusan na naman kami sa hospital bill kapag nagkataon!"

Napanganga na lang kami ni Gem. Okay, lumabas na rin ang rason. Ayaw niyang gastusan ako ng pera

"sorry po boss ah? Sa susunod sasabihin ko na po sa kanila kung anong nararamdaman ko, o di kaya iinom na lang po ako ng gamot kaagad para na hindi na lumala, at hindi na kayo mag-alala sa gagastusin nyo sa hospital kasi hinding hindi ako dadalhin dun. Okay na po ba?" sabi ko naman habang nakathumbs up pa sa kanya

Napabuntong hininga naman ito habang nakatingin sakin na parang nagtitimpi lang

"good then" sagot nito saka kami nilayasan ni Gem. Nagkatinginan naman kami ni Gem

"pero, Azul, ano ba talagang nangyari? Parang hindi naman yun normal lang na sakit ng ulo"

"hindi ko alam, yun nga sumakit nga ang ulo ko, tapos may nakikita ako eh, parang flashbacks?"

"woah! Baka naman sa dati mong buhay Azul!"

"baka nga"

...

Nakaupo na ako ngayon sa kawayan na upuan sa ilalim ng puno dito sa kanilang bakuran. Ayos din dito eh, mahangin din. Parang si Hexerei. Charot haha

"Azul?" napalingon ako sa tumawag sakin. At nakita ko naman si sir Iren na papalapit na rito. Mukhang dito rin siya tumatambay ah

"po?"

"bakit ka nandito?" tanong nito at umupo sa tabi ko

"nagpapahinga lang po. At nagpapahangin. Pinapaalis ko yung bad vibes na dala ni sir JJ" natawa naman si Iren

"pagpasensyahan mo na lang si JJ, Azul. Ganun naman talaga siya sa mga taong nagpapaalala sa kanya sa ex niya"

"ha? Ano po? Pinapaalala ko sa kanya ang ex niya?"

"sa tingin ko. Base kasi sa pagtrato nya sayo eh"

"ano po bang tungkol sa ex niya?"

"naku, sorry ah? Hindi ko pwedeng sabihin. Private life yun ni JJ. Hindi ko naman kayang ikwento sayo ang isang pangyayari sa buhay niya na hindi maganda. Try mo na lang itanong sa kanya kung gusto mo, at baka ikwento niya sayo"

"ay. Ayoko po. Baka sabihin nun napakachismosa ko" sagot ko naman kaagad na ikinatawa ni sir Iren

"hindi ka naman maku-curious kung hindi ko sinabi ang tungkol dun eh. Kaya hindi ka chismosa"

"eh ganun rin po yun. Magtatanong pa rin po ako kasi curious ako. Pagiging chismosa na rin po kasi kung hindi naman ako interesado pababayaan ko na lang po ang topic at hindi na magtatanong tungkol dun" tumango tango naman si sir Iren

"wow naman Azul. Tingin ko matalino ka talaga dati" sabi nito

"salamat" at nagtawanan kaming dalawa

"Azul, Iren"

Naputol lang yun ng biglang may dumating eh. Paglingon namin, ang topic pala namin. Si JJ.

"oh, hi JJ" nakangiting sagot ni sir Iren

"hyung, tawag ka ni Pyre. May sasabihin daw siya. Urgent" sabi naman nito na agad nagpatayo kay sir Iren. Sabi ko na nga ba, may gusto to kay Pyre eh

SATE AcademyWhere stories live. Discover now