/Closer/
"meron?"
"yes"
"di ko na tatanungin boss, kasi kung sasabihin mo hindi na magiging secret yun" sagot ko naman at ngumiti
"pero gusto kong sabihin sayo, kasi pinagkakatiwalaan kita, at hindi ko kayang magkeep lang ng secrets sa sarili ko. Gusto ko may masasabihan ako ng sekreto"
Hinarap ko siya at tumingin sa kanya
"o sige. Asahan mong maitatago ko yang sekreto mo" sabi ko naman
"ang sekreto ko ay ito. Isa akong..."
Hinintay ko ang idugdugtong nya at baka kung ano yun
"isa akong..."
"isa kang?"
"gangster"
Napasinghap ako agad agad. Siya? Isang...gangster? Bakit hindi halata? Ang cute cute nya eh..tapos isa pala siyang gangster?
"ikaw?"
"oo. Actually kaming apat, oo. Pero matagal na yun. Nagbabagong buhay na kami ngayon"
Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi niya sakin
"tandaan mo, Gray. Walang ibang nakakaalam nun, kundi ikaw lang" sabi nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Agad akong tumango
"yes. Trust me. Walang ibang makakaalam nun" sabi ko naman at doon siya ngumiti
Inilagay niya sa mga balikat ko ang kanang braso nya at hinila ako palapit sa kanya. Nagtakakang tiningnan ko siya at medyo naasiwa ako sa posisyon namin. Hindi ko alam baka namumula ako ngayon
"uy anong pinapanood nyo?" agad akong napatingin sa nagsalita at nakita ko si Pyre. Kaya naman pala
"ang sweet nyo ah. Baka langgamin kayo nandun lang ang walis sa likod ng pintuan" sabi nito at nanunuksong nginitian kami. Inungusan ko lang siya
"umalis ka na nga, Pyre"
"ayieee ayaw mong maistorbo ko kayo ni boss Cede ha! Halata ka Gray!" sabi na naman nito
"psh" napapout ako at tumingin na lang sa tv
"ah sige na nga. Alis muna ako ah? Enjoy nyo ang love time nyo dyan" sabi nito at narinig ko ang yabag niya papalayo
"ayaw mong maistorbo nya tayo, Gray?" narinig ko namang tanong ni Cede at mukhang alam ko na ang ekspresyon ng mukha nya. At pagtingin ko sa kanya, hindi ako nagkakamali
"tigilan mo nga ako sa mukhang yan, boss. Nakakatakot ka. Atsaka for your information, hindi sa gusto kong hindi tayo maistorbo ni Pyre, diba nga may pinaguusapan tayo? Eh paano kung makita nya na ang seryoso natin dito? Baka magusisa pa yun kung anong pinaguusapan natin"
"tama ka naman" sabi nito habang tumatango tango at napansin kong hindi nya pa rin tinatanggal ang braso niya
"ehem. Ang braso. Ehem. Pakitanggal" medyo umubo pa ako para mahalata nya
Parang wala namang narinig na nanonood lang ito sa tv. Kaya ako na mismo ang nagtanggal sa kamay nya sa balikat ko
"yaan mo na, Gray" sabi nito at ibinalik ang braso. Napabuntong hininga na lang ako at tumutok na lang sa palabas sa tv. Pinabayaan ko na lang na nakaakbay siya sakin
"uy ano to?" napalingon kami kay Iren na dumating
"sofa, hyung" sagot ni Cede at muntik na akong matawa
"alam ko, Cede. Wag mo kong pilosopohin, walangyang bata ka" sabi nito
"eh bakit kasi ganyan ang tanong mo, hyung? Alam mo naman pala eh" pabalang na sabi ni Cede
YOU ARE READING
SATE Academy
AdventureSilver, Amethyst, Titanium and Emerald are the leaders of SATE Academy. Strong, brave, powerful, beautiful and smart. People fear them. People admire them. People envy them. They love and hate these leaders. Until four men came and managed to be wit...