/She is Back/
Patuloy kong tiningnan ang mukha ni Star. Papayag ba ako?
"please Sky. Tulungan mo ako" hindi ko alam kung anong isasagot ko
"diba, kaibigan mo ako? Tulungan mo ako, Sky. I badly need your help"
"Star..."
Napangiti ito ng malapad
Emerald's POV
Hindi muna namin sinagot si eomma
"bakit gusto mong malaman?"
"I heard their conversation a while ago. I'm just curious. Who is she?"
"okay. Si Star ay childhood friend ni Sky"
"childhood friend lang?"
"oo"
"okay" hindi na ito nagsalita pa at tumalikod na para umalis. Napabungisngis naman kami ni Silver
"don't laugh at me. Nagtatanong lang ako"
Agad kaming napatigil ni Silver nang narinig namin ang malamig at seryosong boses nito. Ano ba naman yan, parang ang dating eomma lang ah?
Amethyst's POV
Nasa living room ako at nakaupo sa sala ng makita kong pumasok si eomma sa main door. Akala ko nga ay dire diretso lang siyang aakyat sa itaas pero nagturn ito at tumabi sakin sa sofa. Nanigas ako at napaupo ng tuwid. Naalala ko na naman kung paano ako tangkaing patayin ni eomma
Nasa garage kami noon at nagaayos ng sasakyan ng biglang may pumulupot na chain sa leeg ko. Agad kong hinawakan ito at sinubukang tanggalin sa leeg ko. Natanggal ito at sa mga braso ko ang sunod. Ipinataas niya ang mga braso ko at pinaikot na parang ginagawa akong puppet. Sumusunod ako sa bawat galaw na ginagawa ni Tane habang sinusubukan kong makawala. Pumulupot ulit ito sa leeg ko at sinakal ako. Hinila ako ni Tane palapit sa kanya at tiningnan ako. Nakita ko ang kaguluhan sa mukha niya, pero nawala ito
"e-eomma" tawag ko. Natigilan naman ito at binitawan ang chain. Umangat ang kamay nito at hahawakan na sana ang leeg ko, pero binawi niya rin ito at agad na umalis
"Amethyst, right?" tumango ako
"who is your partner?" naguluhan ako sa tanong niya
"partner?"
"is it Lava?" ah! Doon ko lang naintindihan
"no, it's not him"
"Drought?"
"no! Silver will kill me"
"Krest?"
"pwede sana, pero hindi"
"Sky?"
"eomma, he's for you" hindi ito umimik
"Cloud?" hindi ko mapigilang magblush. Pinili ko na lang magkibit balikat
"bakit hindi pa nagiging kayo ni Cloud?"
"ah?"
"you like each other. Bakit hindi pa kayo nagliligawan?"
"I doubt it if he likes me"
"he does"
"paano mo naman nasabi?" nagkibit balikat ito
Parang kausap ko lang ang normal na Titanium. Ganyan nga siya magsalita kapag naguusap kami
"do you sing?" tumango ako sa tanong niya
YOU ARE READING
SATE Academy
AvventuraSilver, Amethyst, Titanium and Emerald are the leaders of SATE Academy. Strong, brave, powerful, beautiful and smart. People fear them. People admire them. People envy them. They love and hate these leaders. Until four men came and managed to be wit...