Chapter Twenty-Seven

2 0 0
                                    

/Dazed, and Gone/

Pagdating nila sa ospital ay kaagad nilang tinanong kung saan nakaadmit ang mga babaeng naaksidente at kaagad nilang pinuntahan iyon

LAVA'S POV

Room 1094

Pumikit muna ako ng mariin, bago ako pumasok sa kwartong iyon. Kaagad kong nahigit ang hininga ko ng makita si Emerald na nakahiga. Sobrang putla nya, at marami siyang sugat sa kanang pisngi nya, mga bubog na nadaplisan ang maganda nyang mukha

Lumapit ako sa tabi nya at hinaplos ko ang kaliwang pisngi nito

"h-hng" umungol ito habang nakakunot ang noo, parang nasasaktan kaya agad kong binawi ang kamay ko. Saka ako napatawa ng mapait

"kita mo na berde, kahit na hawakan lang kita, nasasaktan pa rin kita"

Umupo ako ng dahan dahan sa gilid nya at hinaplos ko ang buhok nya

"berde, alam kong nasaktan kita sa sinabi ko, hindi ko naman gustong sabihin yun eh. Pero may nakabantay samin"

"natatandaan mo pa ba nung nasa beach tayo? Yung sinabi ko na hindi mo masusukat ang pagmamahal ko sayo at sinabi mo na mas mahal kita kaysa sa pagsasayaw? Tama ka berde. Mas mahal kita doon. Mas mahal kita kaysa sa lahat ng bagay o tao na nasa buong mundo. Well, bukod sa parents ko. Pero kalevel mo sila, wag kang magalala"

"berde, hindi ko man natupad ang pangako ko kay Titanium na hinding hindi kita sasaktan, tandaan mo na may mas mabigat na rason kung bakit ko nagawa to. Ang kaligtasan mo"

"mas mahalaga ka kaysa sakin berde. Mas mahalaga ang kaligtasan mo"

"mahal na mahal kita berde, tandaan mo yan kahit na alam kong hindi mo ako naririnig ngayon"

"walang makakapantay sa pagmamahal ko sayo, berde. Pero kailangan kong gawin to, para sayo"

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya, at para sa huling pagkakataon, hinalikan ko siya sa mga labi habang unti unting tumutulo ang mga luha ko. Agad ko iyong pinahid at dali daling lumabas na ng kwartong iyon

DROUGHT'S POV

Room 1207

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang door knob. At nakita ko si Silver na nakahiga sa kama ng ospital. Andaming nakakabit sa kanya at may mga bandage pa siya sa mukha, lalo na sa kanang braso nya

Hindi ko maiwasang hindi umiyak. Oo alam kong lalaki ako, pero hindi naman kasalanan ang umiyak, lalo na kung ang babaeng mahal mo na ang naaksidente

"Silv-silv, I'm so sorry" hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ko iyon ng ilang beses

"kailangan kong gawin yun para hindi ka mapahamak, pero ito pala ang magpapahamak sayo" bulong ko at patuloy na umiyak

"patawarin mo ko, Silver. Mahal na mahal kita na kaya kong isakripisyo ang sarili ko para lang sayo"

"pero, Silver...hindi mo ba talaga ako minahal?"

"totoo ba yung sinabi mo na hindi mo talaga ako minahal? Na umaacting ka lang na mahal mo ko? Kasi ako hindi ko yun gustong sabihin. I didn't mean it. Kasinungalingan lang iyon"

"but you, sinabi mo yun as if you really mean it. Pagkukunwari lang ba ang lahat ng yun, Silver?"

"no. Hindi yun totoo diba? Nagsisinungaling ka lang rin nun diba?"

"I'm willing to be the loser basta hindi ka lang masaktan, Silv-silv."

Napahinga ako ng malalim

SATE AcademyWhere stories live. Discover now