Chapter Thirty- Six

2 1 0
                                    

Binalik ko ang photo frame sa bedside table pagkatapos pagmasdan ang picture. Kung si Sky yan, bakit parang ang cold nya tingnan? Boyfriend ko ba siya? Kung ganon, ang taste ko pala sa lalaki, ang cold na may pagkanerd?

Umiling na lang ako at humiga sa kama. Ay nako. Huwag na lang nating isipin. Ang importante, nakabalik na kami sa bahay namin

Pero napansin ko lang, ang dami namang libro sa mataas na shelf. Ganun na ba ako kabookworm at punong puno iyon? Tumayo ako at nilapitan yun. Kumuha ako ng isa, at tiningnan ang title. Pang biography study. Saka ko binuklat, at aba may mga bookmark. Maraming bookmark. Pinadaan ko ang daliri ko sa mga salita

Silver's/ Gray's POV

Nako naman. Ang laki ng kwarto ko! Inikot ko ito, pinagkukuha ang mga nandun, atsaka pinagmasdang mabuti. Hala, kwarto ko ba talaga to? Ang ganda naman! Shet!

Napunta ako sa isang shelf, kung saan may mga nakalagay na mga rackets, baseball bats, at knee pads? Sporty ba ako? Kumuha ako ng isang baseball bat, atsaka pinagmasdan ito. Hinaplos ko ang buong katawan ng baseball bat, at nakaramdam ako ng feeling ng sobrang komportable. As in. Napangiti ako

Saka ako napabaling sa study table. May isang bond paper na nakalagay doon, at may nakasulat na sa tingin ko pangalan.

Drought.

Sino naman to?

Kapatid ko ba to?

Kaklase?

Kaibigan?

Best friend?

o...

Boyfriend?

Kinuha ko iyon. Parang narinig ko na yun dati pa eh. Napahawak ako sa noo ko

"I love you"

"I love you too, Drought"

Agad na nangunot ang noo ko. Sino ka ba? Bakit naga-I love you ako sayo? Kilala ba kita? Boyfriend ba kita?

Binalik ko ang papel sa mesa. Kung sino ka man, sana maalala na kita

Emerald's/ Gem's POV

Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay agad na napawow ako. Greeeeeeeen! Tingin ko nagheart heart na ang mga mata ko pagkakita ko. Kasi naman, parang gubat o damuhan ang kwarto dahil nga kulay green. Kaya pala gustong gusto ko ang kulay green. May rason naman pala talaga

Pagtingin ko sa isang corner ng room ay may nakasabit na gitara, at iba pang instruments. Kaya nilapitan ko iyon at kinuha ang isang flute. Mukhang may malaking kahulugan sakin ang flute na to. Pinagmasdan ko iyon, atsaka sinubukang tumugtog. Akala ko pangit ang lalabas na music, pero nagulat ako ng makarinig ng magandang musika, at pinagpatuloy ko ito. Saka ako napangiti. Wow, may talent pala ako sa music. Pero agad akong napatigil

"ang lungkot naman tinutugtog mo"

"the fuck?!"

"oh, kalma, kalma"

Sino naman yun? Siya ba si Lava? Yung taong naalala ko nung nasa poder pa lang kami nina Hexerei

Flashback

Pagbukas ko ng stove ay napatitig ako sa apoy. Wow, ang lakas ha. Red na red...

Wait.

Pula...

Bakit parang may bigla na lang akong naalala sa red?

Red...pula...la...

SATE AcademyWhere stories live. Discover now