Chapter Five

19 1 3
                                    

/Sky's Five-second Confession/

Titanium's POV

Napasimangot ako ng narinig ko ang nakakairitang boses ni Sky

"ako ba yan?" hindi ko naiwasang mapangiti ng konti ng nagpogi sign ito

"oy! Napangiti kita!" tinuro nya pa ang mukha ko

"tumigil ka nga"

"okay" hinawakan nya naman ang kamay ko at hinila ako papasok sa bahay

"bakit ka nakahawak sa kamay ko?"

"nakalimutan mo na ba ang pustahan natin kanina?" sa sinabi nya ay nagflash back sakin yun

"hoy jewel bakit mo ako tinakbuhan!"

"jewel naman! Para kang bata"

"look who's talking, Sky!" nang lumingon ako at biglang napatid ako ng paa ng center table. Akala ko ay matutumba ako pero may humila agad sakin at itinayo ako

"muntik ka na dun, jewel"

"salamat" agad akong tumayo at lumayo sa kanya

"gusto mo bang makipagpustahan sakin jewel?" napakunot ang noo ko sa sinabi nya

"pustahan? Anong klase?"

"kapag napangiti kita, o napatawa o kahit konti lang, maghoholding hands tayo for five minutes"

"game" pero natigilan ako kaagad. Naranasan ko na ngang tumawa dahil sa kanya. Wag nalang siguro

"ah hehe. Wag nalang pala, Sky"

"no. Nasabi mo na. Wala ng bawian" seryosong sabi nya kaya wala na akong nagawa

Ahh oo nga pala. Tama sya.

"okay. Five minutes" nakasimangot na sabi ko

"four minutes left" agad kong sabi

"what?!"

"remember? Kanina mo pa hinahawakan ang kamay ko kaya minus one minute na yun"

"three minutes and forty five seconds" nagulat ako ng hinila nya ako at pinaupo sa sofa katabi nya. Nakatingin lang ako sa kamay naming pinagsalikop nya at ipinatong sa kanang hita nya

"our hands look perfect together" he said smiling while looking at our hands. Hindi naman ako nagsalita. Sinundan ko ng tingin iyon ng dalhin nya ang kamay namin sa labi niya at hinalikan ang parte ng kamay ko habang tinititigan ako sa mga mata. Tapos umangat ang kaliwa nyang kamay at hinaplos ang pisngi ko. Nakatingin lang ako sa mga mata nya habang nagbibilang sa isip ko

"two minutes" I said

"I don't care about the time limit" he said while still staring at me. Nginitian nya ako ng matamis habang pinipisil ang pisngi ko

"how can you be so cute, jewel?" tanong nya

"one minute and thirty seconds"

"and beautiful at the same time?"

Ano bang ginagawa ni Sky? Pinupuri nya ba talaga ako o ginagawa nya lang ito para mapangiti ako?

"one minute"

"alam mo bang nagseselos ako kay Lightning?"

"bakit naman?"

"kasi siya, lahat ng bagay alam nya tungkol sayo"

"syempre kasi kababata ko sya"

"bakit ako? Gusto ko rin namang malaman ang mga bagay tungkol sayo" parang bata na sabi nito

SATE AcademyWhere stories live. Discover now