Chapter Twenty-Five

3 0 0
                                    

/Drunk/

Titanium's POV

Nagmulat ako ng mga mata, at nakita ko si Silver na natutulog ng mahimbing sa tabi ko. Humiwalay ako sa kanya. Kinumutan ko siya at hinalikan ko ang noo nya

"matulog ka na muna Silver, don't worry about them"

I sighed deeply at lumabas na ng kwarto. Naisipan kong bumaba sa kusina para uminom ng tubig ulit. Parang nanunuyo na naman ang lalamunan ko sa lahat ng napagusapan namin ni Silver

Pagdating ay kumuha ako ng baso, at nilagyan ng tubig. Saka ako uminom. Napaisip ako bigla

Bakit ginawa nila samin to? Pinaasa nila kami, at saka nila sasabihin na may mga fiancee na sila. Wait, Titanium. Kami? Kasama ka dun, Titanium? Napaisip rin ako sa sinabi ni Silver sakin. Tama siya. Ginamit ko lang si Sky, para makaramdam ako na may nagmamahal sakin. Pero unti unti ko naman na siyang nagugustuhan eh. So basically, kahit na wala akong nararamdaman para kay Sky, nasasaktan pa rin ako, dahil hindi lang sakin ang atensyon niya. Kung ganun, ibig sabihin ba umasa rin ako na sakin lang sya? Na ako lang ang magugustuhan nya?

Hindi ko napansin ang baso sa kamay ko na dumulas. Sa sobra kong pagiisip siguro nabitawan ko

Yumuko ako at pinulot ko ang basag na parte ng baso. At sa katangahan ko rin, bumaon sa palad ko ang basag na parte ng baso. Parang namanhid ang kamay ko, hindi ko maramdaman ang sakit doon

Huminga lang ako ng malalim at umakyat sa hagdan para gamutin ang kamay ko. Pagpasok sa kwarto ko ay napasandal ako sa pintuan. Doon ko inilabas ang mga luha na matagal ko nang hindi gustong pakawalan. Saka ko lang naramdaman ang sakit sa kamay ko. At saka ko lang narealize na sa parehong kamay pala bumaon ang basag na baso sa kamay kung saan nagkasugat sugat ang kamay ko noong hinawakan ko ng mahigpit ang coke in can

Biglaan kong hinugot ang basag na parte ng baso mula sa palad ko. At napaiyak na ako sa sakit at hapdi na nagmumula sa palad ko

Alam kong bihira lang ako umiyak. Alam kong hindi ko dapat iyakan si Sky. Kasi hindi ako pareho kina Silver, Amethyst, at Emerald na girlfriend sila ng mga lalaking yun

Hindi kami ni Sky. Hindi dapat ako nasasaktan ngayon. Hindi dapat ako umiiyak ngayon nang dahil sa kanya

Pinahid ko ang mga mata ko, at saka ko lang naalala na may dugo nga pala sa palad ko. Napatawa ako ng mapakla. I'm so pathetic. Where's the Titanium that everyone is afraid of? Where's the Titanium that everyone admires because of her intellectual ability? She's gone, dahil lang sa isang lalaking inaasahan nya na kanya lang. Na inaasahan nyang siya lang ang mamahalin at hinding hindi magkakagusto sa ibang babae

But no. I'm forever here.

I won't change just because of love.

Love is stupid.

Love is pathetic.

Love can't do anything to change me from the way I am already am.

I stopped my tears. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang sakit na nararamdaman ko

I need a drink.

I badly need one.

Or maybe not one.

But I need to.

...

And here I am. Looking at the bar counter, sitting on a stool, doubting if I should order a drink right away or not

"give me your strongest drink" sabi ko sa bartender

"new here?" tiningnan ko lang ng masama ang bartender

SATE AcademyWhere stories live. Discover now