/Who are You?/
Cloud's POV
Hinihingal na tinawagan ko si Drought
"ano nakita mo na ulit?"
"hindi na Cloud, nakaalis na sila eh"
Frustrated na napabuga ako ng hangin at ginulo ko ang buhok ko. Naku naman!
"Cloud?" napalingon ako sa tumawag sakin at agad akong napangiti pagkakita ko sa kanya
Titanium's/ Azul's POV
Sumakay na kami sa taxi pauwi. Pagkatapos ay umupo na lang kami sa sofa at nanood ng tv. Ayos na kami at komportable ng biglang bumukas ang pinto
"it's really true! My daughter's really back!" agad napalingon at napafreeze ako kinauupuan ko
"anak!" tumakbo ang isang babae at lalaki papunta sa akin at niyakap ako. Hindi naman ako gumalaw at nanatili lang na nakaupo habang nakatingin sa kanila
"ayos ka lang ba anak? Bakit nawala ka? Bakit nawala kayo?"
Hindi ako makasagot at tumingin lang sa dalawa. Tiningnan ko naman ang tatlo at nagkibit balikat ang mga ito
"ahmm, sino po kayo?" mahinang tanong ko
Napasinghap ang babae at tiningnan ako ng lalaki na parang naaawa sakin
"my daughter...you have an amnesia?"
"mga...magulang ko po kayo?"
Agad na tumango ang dalawa at niyakap ako ulit. Hindi na ako nagdalawang isip at niyakap na rin ang mga ito pabalik
...
"nalaman namin na nandito kayo sa bahay, kasi may records ng paggamit ng credit card mo a while ago. Kaya agad kaming pumunta rito. Akala namin naholdap ka o nanakawan, at ginamit lang ang credit card mo. Mabuti na lang at nalagyan yun ng address, which states here. Anak, miss ka na namin" sabi ng babae habang hawak hawak ang kamay ko habang nakaupo kami sa garden
"a-ano po bang nangyari samin?" nagkatinginan silang dalawa at saka bumalik sakin ang tingin nila
"hindi namin alam anak eh, bigla na lang naming nabalitaan na naaksidente kayo anak, at bigla kayong nawala"
Napaisip ako. Sinabi ni JJ na nahanap nila kami sa gubat. May koneksiyon kaya yun sa pagkawala namin? O nagsasabi ba siya ng totoo?
"anak, lahat ba kayo may mga amnesia?" dahan dahan akong tumango
"naku paano ba yan. Paano nyo malalaman kung anong nangyari sa inyo noon"
"kung ganon, hindi nyo na naaalala si Sky? Si Drought? Si Cloud? At si Lava?" napatigil ako. Kilala nya si Sky?
"sino po si Sky?" kaagad na tanong ko
"anak siya ang..."
*ring ring*
Sabay na napatingin ang mga ito sa mga cellphone
"sandali lang anak" tumayo ang mga ito at sinagot ang tawag. Naiwan ako sa garden na nakatingin lang sa mesa
"anak, sorry. Kung gaano man namin kagusto na manatili dito para makasama ka namin, pero kailangan na talaga naming umalis. Babalik na lamang kami dito, at bibisitahin namin kayong apat" tumango ako at niyakap ako ng dalawa
"magingat kayo anak. At kumain kayo ng maayos. Babalik kami" tumango ako ulit
"aalis na kami anak. Mahal ka namin" ngumiti ako
YOU ARE READING
SATE Academy
AventuraSilver, Amethyst, Titanium and Emerald are the leaders of SATE Academy. Strong, brave, powerful, beautiful and smart. People fear them. People admire them. People envy them. They love and hate these leaders. Until four men came and managed to be wit...