Chapter Fourty-Two

1 0 0
                                    

/Some Weird Happening With The Boys/

Sky's POV

Damn! Bakit kasi yun pa ang nasabi ko!!

Sinabunutan ko ang sarili ko at may naramdaman naman akong kamay na humawak rin sa buhok ko. Paglingon ko ay si Drought pala. Nakangiti naman ito ng maluwang na maluwang

"oh? Anyare sayo?" tanong nito habang nakangiti na parang baliw

"nandun na eh, kasama ko na sya eh, bakit hindi ako makapagsalita ng maayos?!" nanggigigil na sabi ko

"okay lang yan, Sky" sabi nito at tinapik pa ang balikat ko. Napalingon na ako sa kanya

"ano bang nangyari sayo? Ang saya mo ata ah?"

"oo, Sky. Sobrang saya ko kasi nadetention ako kanina"

"nadetention ka kanina at masaya ka pa?"

"oo, kasi kasama ko si Silver"

"talaga? Anong nangyari?"

"eh diba nandun ka rin naman Sky? Bakit hindi mo alam na nadetention kami ni Silver?"

"alam mo na yun"

"ah busy ka kakatitig kay Titanium" napangiti naman ako

"o sige na. Ano nang nangyari?"

"ayun" tumigil ito at ngumisi na naman na parang baliw

"ano?"

"hihihi" bigla itong humagikgik at nahihintakutan na tinitigan ko ito. Anyare dito?!

"oh ano na?"

"nag--kami!!!!" sigaw nito

"ano? Nagano kayo?"

"nag--hihihihi!"

"umayos ka nga!" hinampas ko sya sa balikat pero hindi talaga maalis alis ang ngiti sa labi nito

Wait, di kaya...

"did you two have--" agad akong napatigil ng bigla niya akong sinakal

"hindi ah! Alam mo namang kahit na ilang beses na kaming nagkiss nirerespeto ko pa rin si Silver!" biglang sigaw nito kaya napangiwi ako

"oo na, sorry na. Pero ano bang kasing nangyayari sayo? Kanina ka pa ah. Ngumingiti ka na lang na parang baliw. Tapos sinisigawan mo ako kasi mali yung hula ko tungkol sa nangyari sa inyo kanina"

"nagkiss kasi kami kanina sa detention" napataas ang dalawang kilay ko

"nagkiss kayo? Sa detention?" tumango ito

"hindi ba kayo nakita ng terror na officer dun?"

"hindi. Iniwan nya kami sa detention room eh"

"ah kaya pala. Congrats bro" sabi ko at tinapik ko ang balikat nya

"salamat bro!" kinikilig na sabi nito kaya natawa ako. Ibang klase talaga ang lalaking in love

"pero, paano naman kayo nagkiss? Hindi mo naman sya siguro basta na lang hinila at hinalikan no? O hinalikan mo na lang siya basta nang oras na para lumabas kayo?"

Napatigil siya at tiningnan lang ako. Wait, tama ako?

"paano mo nalaman Sky?" tanong nito. Oo nga, tama ako

"wild guess" sagot ko naman at bumalik na naman po ang matamis na ngiti sa mga labi nya

"bahala ka na nga dyan. Para kang aso na ngumingiti dyan" sabi ko at iniwan na ito doon

SATE AcademyWhere stories live. Discover now